Chapter 1: First Day of School

223 4 0
                                    

Fiona's POV:

*yawn*

Good morning world! Ano ba yan pasukan na pala, kung pwede lang iextend ang bakasyon matagal ko ng ginawa.

Magising na nga yung mga babaitang yun by the way bago pala yun, magpa-pakilala muna ako.

My name is Fionah Aira Costales, ang hobby ko ay kumain ng kumain, ang payo ko sayo, kapag may problema ka idaan mo nalang yan sa pag-kain and I THANK YOU!

*tok tok tok

"HOY! GISING NA MAY PASOK NA TAYO *tok tok tok." sigaw ko sa labas ng kwarto ni Princess habang kumakatok.

"Mamaya na!" Sigaw niya na halatalang inaantok pa.

"ANONG MAMAYA? HOY HINDI PWEDE, AYOKONG MA-LATE SA FIRST DAY OF SCHOOL AT ISA PA GUTOM NA AKO BUBUKSAN MO BA TONG PINTUAN MO? OH SISIRAIN KO ULIT ITO?"

"..."

"ABA SINUSUBUKAN MO AKO HA 1...2... *kreeek* (tunog ng pag-bukas ng pinto)"

"hehehe sabi ko nga gigising na ako." ayan buti't natauhan na siya hahaha ilang beses ko na kasing sinira yang pinto niya kapag di siya magising gising, tulog mantika kasi yang kaibigan namin.

"Good! natauhan ka na." sabay kamot sa ulo niya.

Siya pala si Princess Ivana Montero ang lalaki sa aming apat alam niyo ba nag-pagupit na yan ng buhok panlalaki netong bakasyon lang, baliw talaga yan, grade 9 palang kami lumaladlad na, beside hindi alam ni tita at ni Ate Queen yang pinaggagawa niya sa sarili niya.

*tok tok tok*

"HOY BETTY GISING NA."

"..."

Makapasok na nga sa kwarto niya, tutal naman hindi siya nagla-lock ng pinto.

"HOY BETTY GISING NA!!!" sabay uga ko sa kaniya.

"..." abat sinusubukan ako ha?

"isa...dalawa...tat---"

"Heto na po gising na ako, maliligo na nga ako, kaya lumabas kana, dali." sunod sunod niyang sabi.

"buti naman at natauhan ka narin?" sarcastic kung sabi.

"Mahirap ng magkabali-bali ang mga buto ko no, lalo na't bumigat ka pa ngayon." haha pano ba kasi ang panggigising na ginagawa ko sa kaniya ay dinadaganan ko lang naman.

"Wala ka na dun! At least healthy di tulad mong buto't balat hahaha, dalian mo na nga ayokong malate at isa pa gutom na ako." pangaasar na sabi ko sa kanya, bawi-bawian lang to hahaha.

Siya naman si Natasha Marie Salazar ang Betty La fea sa aming apat kuhang-kuha niya kasi kung paano manamit si Betty hahaha idol niya ata yun, book worm yan at ang pinakamatalino sa amin.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now