Chapter 8

74 5 0
                                    

Author's Note:

Pasensorry po dahil ngayon lang nakapagupdate busy po kasi akong gumagawa nang mga requirements in school, graduating na kasi si Ms. A kaya yun 😅. Nagsosorry ako kahit na alam kong wala namang nagaabang sa update ng TROFN huehuehue. T__T sadlayp.
___________

Athena's POV:

Simula nung nangyari last week, yung pagtatangkang paghubad nung tatlong slut na yun kay Fiona, wala nang nanggugulo samin ngayon, wala nang nangaasar o ano man dahil narin siguro sa sinabi ni Kristian na kung sinong mambubully samin eh mabibigyan ng red card. Pero yung ibang mga studyante samin, kung makatingin wagas, animo'y pinapatay na kami sa mga isip nila sa talim ng mga titig nila samin, siguro kung nakamamatay lang ang pagpatay sa isip malamang sa alamang R.I.P na kami ngayon.

"Good morning class!" Bati ng teacher samin, "Good morning ma'am!" Tugon naming mga studyante. "Starting tomorrow, the audition for glee club and the other clubs will open, so get ready to your audition piece, that's all! You may now take your break." After nun nagayos na kami nang mga gamit at nagsilabasan.

*Cafeteria..

"Did you hear that mga bessywap! Audition na for glee club! Kyaaaaaahhh!!" Excited na sabi samin ni Fionah habang kumakain.

"So ano naman ngayon?" Pagtataray na tanong ni Princess sa kanya.

"Duh!!! Anong ano naman ngayon? Glee club is our way to shine in this school!" Sagot ni Fionah. "Shine?" Gulat na tanong ng lalaki sa likod ni Fionah.

"Kristopher??" Gulat na tanong ni Fionah sa kaniya.

"What are you doing here???" Pagtataray naman na tanong ni Princess sa K4.

"Makikitable! Masama ba?" Sagot naman ni Kristian sa kanya. "Eh bakit dito pa? Marami namang mga vacant seats diyan!" Dagdag ni Princess.

"Eh sa dito nga gusto namin!" this time magkatitigan na yung dalawa na animo'y may kuryente sa gitna nila.

"Hep! Hep! Hep! Tama na yan! Bago pa magkaroon ng world war 2!" Sabi ni Kiefer na ngayo'y nasa gitna nila kaya walang nagawa ang dalawa kundi naupo nalang.

"Alam niyo guys bagay kayong dalawa mamaya kayo magkatuluyan niyan!" Pangaasar ko sa kanilang dalawa hahaha. "HELL NO!" sabay naman nilang sagot sakin wahaha.

"Hello Athena, chocolate for you." Bati sakin ni Kiefer sabay abot niya ng chocolates. "Para saan to?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya "Hmm, w-wala hehe, basta kainin mo nalang yan." Para saan ba to? At anong meron? Hayys ewan.

After nun naupo na yung tatlo sa harap namin, since nakaupo na si Kristian after nung pagtatalo nila ni Princess kanina.

"Ano pala sinabi mo kanina Fionah na shine?" Tanong ni Kristopher sa kaniya. "Ah niyayaya ko lang tong mga kaibigan ko na sumali sa glee club, since we are talented naman." Pagmamayabang ni Fionah, well totoo naman yun hihihi.

"Talaga? Sige aabangan ko yan bukas!" Excited na sabi naman ni Kiefer. "Galingan mo Athena ha? I will support you." Dagdag niya sabay kindat niya sakin. "Ah hehe di pa naman ako pumayag sa sinasabi ni Fionah eh." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Ah wala wala basta aabangan kita sa audition bukas." Nginitian ko nalang si Kiefer bilang sagot.

"Wag niyo nang tangkaing sumali pa, dahil for sure di naman kayo matatanggap." Asar ni Kristian samin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo no!" Gigil na sabi ni Princess na napapalo pa siya sa mesa. Uh-oh heto na naman tayo.

"Bakit may manipis bang mukha?" Sarcastic na sabi naman ni Kristian, si Princess nanggigigil na sa inis sa kaniya. Imibis na palakihin pa niya ang gulo nagdecide nalang si Princess na magwalkout. Kaya naiwan nalang kaming pito rito. "Tss asar talo." Nakangising sabi ni Kristian nang makaalis si Princess. Agad naman siyang siniko ni Kurt para tumahimik.

"Tara na nga, balik na tayo sa room." Pagaaya ni Kurt sa tatlo niyang kaibigan na nagsitayuan naman. "Good luck sa inyo bukas galingan niyo, especially you Natasha." Dagdag ni Kurt sabay naglakad na palayo samin. Si Natasha naman halatang nagulat sa sinabi ni Kurt sa kaniya.

"Did I heard him right? Anong nakain nun at nasabi niya yun?" Naguguluhang tanong ni Natasha kaya nagkibit balikat nalang kami ni Fionah at tumayo narin para pumunta sa room, pagtingin namin sa paligid uh-oh yung mga mata nang mga babae nagbabantang gusto kaming sugurin, well hanggang titig lang sila bleh!.

Bahala na bukas, kung papayag si Princess sa gusto ni Fionah for sure papayag narin kami ni Natasha.

The Four Nobody's and The Campus KingsМесто, где живут истории. Откройте их для себя