"Aya pagbalik natin sa Manila ipapakilala kita sa family ko," he took my hand and enveloped it in his warm one. "Si mama istrikto yun kaya baka medyo masungit siya sa umpisa pero alam ko magugustuhan ka niya."
I nodded and tried to smile at him, "I'll try my best para magustuhan ako ng mama mo."
"Just be yourself baby. That's more than enough para mahalin ka ni mama."
"Yung papa mo?" I asked. He laughed.
"Wag ka mag-alala kay papa. Kagawad siya sa bayan namin. He's a people-person at alam ko madali ka niyang magugustuhan."
"So charismatic ang papa mo?" he nodded.
"Mana daw ako sa kanya sabi nung mga taga-sa'min." Ang cute ng dimples niya tuwing ngumingiti. I stroked his cheek and he caught my hand and kissed my palm.
"Halata nga," I agreed. We basked in the quiet of the morning, needing no words to bridge the silence. Ngayon ko lang naramdaman yung ganito... yung komportable ka na hindi na kailangan ng salita para malaman mong mahal ka ng isang tao. Vocal kami sa pamilya sa pagsasabi ng 'I love you', pero ngayon ko lang naramdaman na meron din palang moment na hindi kailangan ng salita.
"Anong iniisip mo?"
"I just had a vision of this scene in my future, Mrs. Constantino"
"Huh?"
"Ikaw, in our house. Waiting for me in our bed, taking care of our kids, travelling around the world, holding your hand while we sleep... lahat yun."
"Wow Mr. Constantino naisip mo na lahat agad yun?" I nudged him with my shoulder, "Ang aga mo naman magplano."
"Aya you're eighteen. Kung tutuusin pwede na kita yayaing magpakasal pero hindi ko pa gagawin kasi alam kong hindi ka pa handa. Hindi tayo handa. We've only been together for two months pero parang ang tagal na nating magkakilala. Alam mo ba kung pwede lang... kahit ngayon gusto na kitang pakasalan."
"Prince?" Parang may nagbara bigla sa lalamunan ko. Alam kong seryoso siya sa kanyang sinasabi.
"Wag kang ma-pressure. Sinasabi ko lang yung nararamdaman ko. I promised your brothers na hihintayin kong maka-graduate ka bago kita yayain."
My heart is swelling with love. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko na mapigil yung emosyon sa mga sinasabi niya.
"Pero marami pang pwedeng mangyari sa ating dalawa... sigurado ka na ba na hindi magbabago yung feelings mo after another month?" Tanong ko sa kanya. Totoo, kung pagbabasehan ang nararamdaman ko ngayon baka sumagot ako ng OO sa kanya. Kaso sapat na ba yung nararamdaman lang para gumawa ng pang-habang-buhay na desisyon gaya ng kasal?
"Aya, hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Ang alam ko lang ngayon, mahal kita."
"Paano nangyari 'to?" I murmured softly, "Paanong ganito yung nararamdaman mo? Ang bilis naman. Paano nangyaring ganoon din yung nararamdaman ko? Hindi ako ganito, Prince."
"Goddess, you don't dare define love." He whispered to me as he sought my lips for a deep kiss just as the morning mist faded and the sun's pale rays enveloped both of us in its warm embrace.
----------------------------
"Hello?" Narinig kong sinagot ni Aya yung phone niya. Inilayo niya sa tenga niya at tiningnan yung screen bago muling nakinig, "Hello, sino 'to?"
"Ano yun?" I asked her. She shrugged and listened for a few more seconds before she ended the call.
"Unknown number eh. Kahapon tumawag din yata pero wala namang sumasagot."
ESTÁS LEYENDO
It Started in the Library (Completed and Editing)
RomanceHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
Chapter 22: Secrets in the Mist
Comenzar desde el principio
