Chapter 1

90.3K 1.9K 495
                                    

Chapter 1

Ang Damonyo

Nakakunot ang aking noo habang nakasentro ang atensiyon ko sa target. It has been three days since Damon left. He was busy handling the mafia business kung kaya nama'y naiwan na naman akong mag-isa.

I suddenly missed harassing him and his harem of women. Napangisi na lang ako sa aking naisip. Wala akong mapagkaabalahan that's why I went here.

Pinaputok ko ang baril at tumama ito sa mismong target. Bull's eye. Paulit-ulit ko iyong ginawa. While I am pulling the trigger, I am imagining Damon's women. Feeling ko kapag naitama ko ang lahat ng bala sa mismong target ay napatay ko na rin sila.

Which is impossible. Sa sobrang dami ng babae ni Damon ay hindi ko na nga alam kung sino ba talaga ang dapat kong patayin. Mas mabuti pa atang siya na lang ang patayin ko para matapos na lahat e.

Pwede rin. Napatay mo nga yung asawa niya diba? Tudyo ng utak ko. Mapait akong napangiti. Sino bang makakalimot doon? Sa tanang buhay na kasama ko si Damon bilang asawa 'kuno' niya, ay hindi siya nakakalimot na ipaalala sa akin na ako ang pumatay sa asawa niya.

Umasim ang timpla ng mukha ko. Bigla akong nawalan ng gana kung kaya nama'y nilapag ko na lang ang baril sa mesa. Tinanggal ko na rin ang headphones na nakalagay sa aking tainga. I freed my hair from the ponytail and combed it using my hand.

"O, tapos ka na? Bakit ang aga mo naman atang natapos?" Nagtatakang tanong ni Dumbo. Tinaasan ko siya ng kilay. Pumunta siya sa aking harapan.

He was fat, no, obese will be the right term for him. Isa siya sa mga matapat na naglilingkod para sa asawa ko. Palagi siyang naiiwan dito sa headquarter para bantayan ang kampo. Together with the others, they are guarding the camp and looking for potential enemies.

But actually, hindi naman talaga siya nagbabantay. Dahil mas tamang sabihin na ang mismong kwarto at opisina niya lang ang binabantayan niya. Madalas siyang maglagi doon at minsan lang siya lumabas.

"Bakit, bawal?" Mataray kong tanong. Pinagpagan ko ang suot kong damit. I am wearing a black bloyse and leggings overall.  The blouse and leggings were stretchable and fitted. Kasyang-kasya lamang ito para sa akin. My curves are visibly showing.

Tinaas ni Dumbo ang dalawa niyang kamay. "Easy, peasy, Madam, nagtatanong lang. Ganyan na ba talaga ang epekto sa inyo ng pagkawala ni Sir Damon?" Pang-aasar niya. Umaalon paibaba at paitaas ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa akin.

Agad kong dinampot ang baril at mabilis na itinutok sa kanya. "Are you saying something, Dumbo?" I mockingly asked him habang nanunuyang nakataas ang aking kilay.

Agad naman siyang namutla. Five years of his working for Damon, and yet, he can't call himself as devoted to him. Dahil kahit na nagtatrabaho siya para kay Damon, ay mas tamang sabihing alila at sunud-sunuran din siya sa akin. He knew my abilities and my capabilities as a woman, but Damon don't. He never knew how good I am with fighting. He never knew how good I am with different things.

Because he didn't gave me the chance. A chance at everything.

Damon never knew how good I am with guns. But of course, alam niyang marunong akong bumaril. Binaril ko nga ang asawa niya, hindi ba? I can feel something at the pit of my stomach rising.

"K-kalma lang tayo, Madam." Alanganing sabi ni Dumbo pagkatapos ay kinamot niya ang ulo niya habang kinakabahang nakatingin sa akin.

"Kung ayaw mong barilin ko yang bungo mo, matuto kang manahimik." Banta ko sa kanya. Inilapag ko na ang baril sa lamesa. Sinamaan ko siya ng tingin.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon