Kabanata 50

11K 158 16
                                    

Kabanata 50

When Love Goes Wrong

Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ko ang litratong hinagis ni lolo sa akin. Ito iyong kanina, noong pumunta kami sa garden. No…please. Mali ang iniisip ko ngayon.

“Ang galing niyong magtago. Ang galing.” Unti-uting lumakad si lolo sa pwesto ko. Nang makarating siya’y iniangat niya agad ang ulo ko. “Gusto mo bang pahanap ko siya o tumigil ka na lang?” Napalunok ako sa masamang tingin niya sa akin.

Sa litrato kitang kita ako pero si Benj hindi. Kahit malabo ito natatakot pa rin ako sa maaaring gawin ni lolo. Maraming paraan siyang magagawa makita niya lang si Benj at ayokong malaman ni lolo iyon. Ayokong malaman niya si Benj. Ayokong mapahamak si Benj. Ayoko.

Malabo ang kuha ng litrato marahil sa pagmamadali sa pagkuha at hindi na niya nakita ng tuluyan si Benj. Kahit papaano nakakahinga ako dahil hindi nakita ang mukha niya at nalamang si Benj iyon.

“Ano Leigh?! Anong desisyon mo?!” My hand balled into fist. Sobrang nag-iigting ang inis at takot ko sa kanya ngayon.

“Parang awa mo na, huwag.” I looked straight into his eyes. Sa pagsagot ko ay lalong pumorma ang labi niya sa isang ngisi. Ngising nakakatakot at ayaw mong makita sa buhay mo. “Parang awa mo na, lo.” Nararamdaman ko ang pag-init ng gilid ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha.

“Just do what I want.” Umatras siya sa akin. “Oras na mabalitaan ko ulit ito. Hindi mo magugustuhan ng gagawin ko sa lalaki mo. Hinding-hindi mo magugustuhan, Leigh.” Sobrang nakakatakot ang tingin niya sa akin na para  mong hindi  na ako makakakilos. “Don’t run, coz you will never be free.” And he walks away.

Nawala lahat ng gusto ko at napalitan ng gusto ni lolo. Wala na akong magagawa. Wala na dahil alam ko na ang gagawin ko maging maayos lang ang lahat.

**

“Happy Birthday cous!” bumukas ang mata ko sa sigaw ni Gaile at Lucy. Tumayo sila sa kama ko at tumalon talon dahilan para maalog ako at magising ng tuluyan.

Napatingin agad ako sa orasan. Ala singko na ng hapon. Kanina lang ala sais ng umaga ngunit ang bilis ng oras. Ang bilis ng oras at gusto ko ng patigilin dahil sa mangyayari mamaya. Sana tumigil siya. Sana huminto lahat ng gusto kong mangyayari. Sana.

“Dapat happy bawal ang sad!” Umupo si Lucy sa tabi ko. Ginamit niya ang kamay niya para lang mapangiti ako ng pilit. “’Yan happy!” ani Lucy ulit.

“Leigh…happy na dapat!” umupo na rin sa tabi ko si Gaile.

“Mahirap ngumiti kung hindi ka naman masaya.” Napairap ako sa kanila.

“Saan mo hinugot ‘yan?!” Natatawang sabi ni Gaile. Alam ko, they are trying to make me happy today. Appreciated. Pero bakit kailangan mong magpanggap ng masaya ka sa pamamagitan ng ngiti kung hindi naman dapat?!

“O siya! Maligo ka na dahil aayusan ka na namin. Okay?” said Lucy and stood up. Ganun din ang ginawa ni Gaile. “You must be happy today. You must, Leigh. This is your day. Please.” Dagdag pa ulit niya.

“Cous, nandito lang kami. We’ll always be here.” Aniya Gaile.

Ngumiti ako ng pilit sa sinabi nila. No…they can’t. Ni hindi nga nila kayang pagtanggol kami kay lolo. Alam ko natatakot din sila kay lolo at wala akong magagawa roon. Wala na kaming magagawa.

Sa paglabas nila ay pumasok naman si Chico at si mama. Napatayo agad ako nang makita si mama. Awtomatikong napayakap ako sa kanya. “Mama…” I called out her name. Hinimas naman niya ang likod ko.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now