Kabanata 46

8.9K 145 1
                                    

Kabanata 46

Not enough

 

Ilang beses kumatok si mama at nakikiusap sa akin kung pwede niya akong makausap pero hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto o binibigyang pansin. Hindi ako galit o naiinis sa kanya. I can’t hate my mother. I just can’t.

Ginawa lang ni mama iyon dahil gusto niyang maging maayos kami ng kambal ko. Walang wala kami noong pitong taong gulang kami ni Chico kaya napauwi kami rito sa bahay nila lolo. Wala akong kamuwang-muwang na sumusunod na lang kay lolo simula dati. Pero dati pa palang may tanikalang nakakabit sa akin simula ng agreement na pinirmahan ni mama.

“Leigh, please…” I heard my mom’s sob. “Please…” she begged. Pero hindi pa rin ako tumatayo. Nanatili pa rin ang unan sa mukha ko. Kanina pa ako umiiyak at hindi ko alam kung paano pipigilan ang luha na ‘to. Gusto ko ng tumigil ‘to pero hindi ko alam kung paano. “Leigh, baby,” she begged again. Something on me aches. Ayoko na.

Hour passed, wala na akong narinig na boses ni mama. Napaalis na ako ng unan sa mukha ko at tumitig sa kisame.

Bakit sa amin?

Bakit ako?

Lumilipad ang mga tanong na ‘to sa isipan ko. Pero wala naman akong magagawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napapikit ako at sa sobrang pagod ng isip ko kakaisip, hindi ko na namalayang nakatulog ako.

**

I feel a hand on my cheek. Napabukas ako ng mata dahil doon. “Ma,” bigla akong napaupo at pinagmasdan si mama na namumuo ang luha sa mata niya.

“Sorry…” at tuluyan na siyang naluha. Nanginig bigla ang pang-ibabang labi ko sa isang salitang binigay ni mama sa akin. One word of her, I’m lost…I’m nothing. “I’m sorry. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako,” she said. Napailing ako at hinawakan ang kamay ni mama. This is your mother, whom always wants the best for you. “Mahal na mahal ko kayo ni Densel. At hindi ko kayang nakikitang nahihirapan kayo. And the best thing I can do—“

“No!” umiling ako sa kanya ulit. Alam ko iniisip niya na babaliwalain na lang niya iyong agreement na ginawa ni lolo. Gusto na niyang harapin kung anong gusto ni lolo…na mapakulong siya. Damn, hindi ko kaya. “Huwag ma! Hindi ko kaya. Huwag…please,” hindi ko na napigilan ang luha ko. Mapapikit lang ako at maisip ko lang ang imahe ni mama sa kulungan hindi ko na kaya. Hindi…ko kaya!

“Pero, hindi ko kakayanin na ikulong mo ang sarili mo—“

“Ma! No! Ikaw! Hindi ko kayang wala sa tabi ko!” And I hiccup.

“I’m sorry,” aniya at niyakap ako. Wala na akong magagawa kung hindi sumunod na lang kay lolo. I should beg for Yuan. I should beg for his forgiveness. At bawian ko lahat ang sinabi ko sa kanya at punuin siya ng kasinungalingan.

“Okay lang, ma. Tatanggapin ko na lang.” Napaghigpit ako ng yakap sa kanya. Tatanggapin ko kahit hindi ko kaya at hindi ko kayang tanggapin. Ito na ang buhay na nakalaan sa akin. At walang kahit sino man ang makakabali nito.

“CHICO!” Napakalas kaming parehas ng may tumili malapit sa pinto. Naaligaga kaming parehas ni mama at napatayo. Napatakbo agad kami sa labas. At naistatwa ako sa nakikita ko.

“Go! Cut my fucking allowance. I don’t care, lo. I don’t fucking care!” May dalawang bodyguard na humahawak sa kanya. Pulang pula ang mukha niya dahil sa galit. Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko nakakayanan ang nakikita ko. “Aalis na kami rito! Wala kaming pakelam sa pera mo!” Chico shouted again. Sinusubukan niyang kumawala sa hawak sa kanya pero hindi niya kaya.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now