Kabanata 3

19K 244 25
                                    

Kabanata 3

Let’s go to RepublicX!

 

 “Leigh Scarlett Alegre! Gutom na gutom na kami! Gumising ka na!” bigla akong napaupo sa pagkakahiga sa sigaw na iyon, “anong oras na?! 9 na! Scar! 9 na gutom na kami!” Napairap ako sa sigaw ni Cid at sa lakas ng katok niya sa pinto.

“Oo na! Babangon na!” ngayon lang ako nahuli nagising dahil umaga na ako nakauwi. Sa bahay kasi sabay sabay kumakain ng agahan. Hindi sila kakain hangga’t wala pa ang lahat. Gaanon na lang ang naging tradisyon dito sa bahay. Kami kami lang naman magpipinsan ang nasa bahay ngayon kasama si lolo. Yung mga tita at tito busy sa trabaho. Pero si mama nandito lang siya sa bahay nag-aakikaso sa amin.

Binuksan ko na agad ang pinto kahit hindi ako nag-aayos ng buhok. “Ano cous? Ganyan ka lang talaga?” bungad ni Cid sa akin. Inirapan ko siya at nilampasan. Naglakad na ako papuntang dining area. Napahikab ako kaya napapikit ako noong nasa dining area na ako. God, antok na antok pa ako. Pagkatapos kong kumain, matutulog ulit ako.

Kinusot ko muna ang mata ko bago mulatin ito. Pero napaatras ako sa nakita ko. Halos lahat sila dito nakatingin sa akin. Sina Gaile, Lucy, Ezekiel, Chico, James, Patricia, mama, at si lolo. Napahikab pa ako sa kanila pero bigla akong napaatras sa nakita ko, “Yuan?! Bakit ka nandito?” biglang nagising ang diwa ko sa kanya.

Humalakhak naman ng pasikreto ang mga lalaki kong pinsan kasama ng kambal ko. What the fuck? Bakit nandito ‘yan?! Bakit nandito ang kutong ‘yan?!

“You really look beautiful today…messy hair but you’re gorgeous,” napanganga na ako sa kanya. Nganga ako na hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Naramdaman ko na lang ang tapik ng isa kong pinsan. Si Cid. Umupo siya sa tabi ni Chico. Teka?! Upuan ko ‘yun!

Napatingin ako paligid at iisang upuan na lang ang bakante at iyon ‘yung upuan malapit kay Yuan. Bwisit. Nawawalan ako ng gana sa pagkain sa pagmumukha niya. God, iba talaga ang singkit na kutong ito!

Nanginginig ang sistema kong pumunta sa sinumpang upuang iyon. Hindi ko alam, diring diring talaga ako kay Yuan Wong dati pa. Sa bawat pagdikit niya sa akin kahit noong elementary, highschool hanggang sa mag college! Nakadikit siya lagi.  Sawang sawa na ako sa pagmumukha niya.

Nag-igting ang inis ko sa kanya ng alalayan pa niya akong umupo. Hindi naman ako makareact dahil nandyan si lolo. Nakatingin siya sa amin ni Yuan na para mong tuwang tuwa sa nakikita niyang ka-sweetan ni Yuan. Duh. Gusto ko ng sumuka sa harap ni Yuan o kaya sukahan ang mukha niya para matauhan na siya.

Pinakalma ko na ang sarili ko nang mag-umpisa ng magdasal si Gaile, “Thank you Lord for this another morning. Maraming salamat Panginoon sa mga nakakahain sa hapag namin. Amen,” dumilat na ako at bumungad naman sa akin ang nakakasurang mukha ni Yuan.

“What do you want, Scar?” God, hindi ko hata kayang magpigil ng inis ngayon. Pero anong magagawa ko?

“Kaya ko—“ bigla akong napalunok sa tingin ni lolo sa akin. Wala na akong magagawa kung hindi sumakay na lang kay Yuan, “tinapay lang,” inirapan ko ng sikreto si Yuan. Nilagyan naman niya ang plato ko ng tinapay. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napatingin kay mama.

Mama mouthed ‘I love you’ to me. Napangiti ako roon. Para sa’yo ma, para hindi na maibuntong ang sisi sa’yo ni lolo.

Pero napairap naman ako sa mga lalaki kong pinsan. Na hirap na hirap sa pagpipigil ng tawa sa nakikita sa amin. Masasapak ko isa-isa ang mga pinsang kong ito pati na rin si Chico. Pinilit kong kumain kahit wala akong gana.

Pinilit kong sumagot sa mga tanong ni Yuan sa akin kahit nakakasura. Na sa amin ang mata ni lolo kaya dapat hindi ko bastusin si Yuan at sagutin siya ng maayos. Pero gustong gusto ko ng batuhin ng tinidor si Chico noong ginaya niya ang sinabi ni Yuan sa akin at sinabi ito kay Lucy.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now