Kabanata 5

15.7K 253 8
                                    

Kabanata 5

Goodnight

 

“Benj!” napabitaw ng hawak si Benj sa akin. Bigla siyang napatingin doon sa babaeng tumawag sa kanya. Nagtatakbo naman ‘yung babae sa kanya at agad niyakap si Benj.

“Gorg!” aniya Benj at niyakap din ‘yung Gorg. Nagulat naman ako nang biglang halikan nung Gorg si Benj sa pisngi. “Miss me?” natatawang sabi ni Benj. Napalunok ako sa tawang iyon. Damn.

“Yup, kahit magkasama na tayo kanina,” biglang natawa si Gorg sa sinabi niya. Ganun din si Benj. Napaatras na ako at tumabi sa kambal ko.

“Ouch!” napatingin ako kay Chico na umaarteng masakit ang dibdib. Sinapak ko na sa braso dahil nang-aasar siya.

“Tumigil ka nga! At huwag  kang imbento!” tinadyakan ko ang paa at totoong nasaktan na talaga siya. Pero tinawanan niya lang ako at pinisil pisil ang dibdib. Patuloy lang siyang nang-aasar sa akin pero hindi ko na lang siyang pinansin. May dumaan ulit na waiter sa amin kaya kumuha ulit ako ng inumin. Ininom ko agad iyon pero parang hindi na mauulit ulit ‘yung inumin na ‘yon kasi ang pait-pait niya. Ga! Ayoko na. Kinuha ko na ‘yung ininom na beer ni Chico at iyon ang ininom para maibsan ‘yung pait. God!

“Aw, grabe Scarlett. Iniinom mo na lang ang sakit—“ sinapak ko ulit. Grabe talaga ‘tong si Chico kung magbigay ng konklusyon.

“Tumigil ka na. Para lasing na lasing ka na,” inirapan ko siya. Namumula na ang mukha ni Chico at parang hindi na niya kakayanin pang uminom pa ng isang bote.

“Hindi,” aniya at pumunta sa taong nagsasayawan. Pinagmasdan ko siya kung paano gumewang gewang habang nakikipagsayaw sa tatlong babae. Napairap ako sa kalandian ni Chico sa mga babaeng iyon. Aba’t nababastos na siya ng mga babae dahil kung saan-saang bahagi ng katawan niya dumadapo ang kamay ng mga ito. Lasing na talaga ‘to kasi hindi niya napapansin iyon. Nakailang bote ba naman ng beer. God, Chico! Alak na hata ang dugo nito dahil araw-araw umaalis ng bahay.

“Scar?!” Bigla akong napatingin sa tawag na iyon.

“Bakit?” tanong ko kaagad kahit hindi ko alam kung sino ang tumawag sa akin dahil na kay Chico ang atensyon ko.

Nanlaki ang mata ko ng tumawa si Benj. At si Benj ang tumawag sa akin. Mabuti na lang naayos ko agad ang sarili ko nang muling humarap siya sa akin. “Si Gorg, gusto niyang magsulat sa damit mo,” aniya Benj at binigay sa akin ‘yung marker.

“A, si-sige…” napalunok ako. Pumwesto naman ‘yung Gorg sa akin. At nagulat ako nang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Teka…teka, may mali ba?! Napasinghap ako nang humigpit pa ang hawak niya noong nagsusulat na siya sa damit ko. Napakagat ako ng labi para matiis ‘yung sakit nung higpit ng hawak niya. Ang kapal ng Gorg na ‘to na saktan ako? Nagpapakitang tao lang kay Benj. Bwisit.

Pagkatapos niyang sulatan ang damit ko ay humarap siya sa akin. At nanlalaki ang mata at ngumuso nguso sa isang direksyon. Mabuti na nga lang malaki siya sa akin at hindi makikita ni Benj ang gagawin ko. I roll my eyes to her. Tinaasan ko pa siya ng kilay, “Ha?” malambing kong tanong, “ikaw din Gorg? ‘yung damit mo? Lalagyan ko?” napangisi ako sa sinabi ko.

Napanganga naman si Gorg sa sinabi ko. Tumingkayad ako para makita si Benj, “ang bait naman pala nitong si Gorg,” sabi ko kay Benj at tinapik ng malakas ang balikat nitong si Gorg, “di ba Gorg? Magkakasundo tayo?” pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya. Napairap naman sa akin si Gorg. Kinuha ko ang marker sa kanya at hinawakan ko siya sa braso.

“Scar,” sabi ko. “Ayan, tapos na,” nakangisi ako kay Gorg para mang-asar.

“Scar, your nickname?” tinaasan ko siya ng kilay. Pero biglang napababa ang kilay ko ng tumabi si Gorg kay Benj. Napairap ako ng sikreto ng magkatinginan ang dalawa.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now