Kabanata 28

12.8K 177 11
                                    

Kabanata 28

Keep it as a secret

 

Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng nililigawan. ‘Yung sa amin naman ni Sebastian, umoo lang ako. He never asked to court me. Basta naging kami and wala na. Kaya ngayon wala akong kaalam alam. Hindi ko naman pwedeng sabihin ‘to kila Gaile at Lucy dahil mali. ‘Yung pagsagot ko lang kay Benj mali. Tapos lahat mali. Dahil hindi niya alam na ikakasal na ako. Ngayon ko lang narealize lahat ng bagay. Maling mali talaga ang ginawa ko. Pero paano? Anong gagawin ko? Paano kung nalaman nila ‘yung tungkol sa amin ni Benj? Mali ba ‘yung ginawa ko kahit magiging masaya ako? Madaming masasaktan kapag nalaman nila ‘to? Paano na?!

So I—we need to be quiet. Kailangan kong kausapin si Benj na huwag muna niyang sabihin? Paano? Ano naman ang magiging dahilan ko? Napatayo ako at napalabas ng kwarto. Pagkalabas ko bumungad ‘yung kakausapin ko.

“Benj!” nanghina agad ang tuhod ko sa presensya niya.

“Hi,” aniya at pinakita sa akin ‘yung isang rose. “For you,” kinuha ko naman ang rose sa kanya. So para saan naman ‘to? Napatunganga ako sa kanya at ngumiti lang siya na nagpahina sa akin ulit.  Magsasalita na sana siya pero bigla ko siyang hinatak sa may hagdan. May narinig kasi akong yabag at nagsasalita na maaring sina Gaile at Lucy. Nagpahatak naman si Benj sa akin hanggang sa makababa kami. Lumabas kami ng hotel at bumungad kami sa mga swimming pool. Mabuti na lang walang tao rito.

Napabuntong hininga agad ako. Ang kaba ng mayroon sa akin, hindi ko na matukoy kung kaba ba o takot na talaga sa nangyayari.

“Benj,” tinawag ko agad siya para matuon na ang atensyon niya sa akin, “’Yung kanina…’yung pagliligaw…sana sa ‘tin muna,” hindi ko nakatinging sabi sa kanya. I stare at my sandals. Nagbilang ako sa isip ko at mga sampung bilang na ang nakakalipas hindi pa rin sumasagot si Benj, “siguro mademand ako…pero okay kung ayaw mo na—“—He lifts my chin—“Okay lang talaga kung ayaw—“

“It’s okay. Whatever my girl wants, it’s okay,” he said. I swallow and melt on his stare. Para na naman akong isda sa harapan niya. God, umayos ka Scar! Umayos ka!

“Pero Benj…” I ran out of words. Anong dahilan ko? Anong palusot ko?

“It’s fine. It’s okay,” tinitigan na niya ako kaya napatango na lang ako. May magic ba ang tingin niya at napapatango na lang ako ng ganon kadali? Tuluyan ng nanginig ang pang ibabang labi ko kaya napahawak na ako sa kamay ni Benj na nasa baba ko. Binaba ko iyon at pinisil.

“Alam mo Benj, wala akong alam sa ganitong bagay. This is my first time,” napayuko ako sa sinabi ko sa kanya. Gusto ko ng maiba ng topic kasi ayokong tanungin niya ako ng dahilan kung bakit kailangan sa amin muna ‘to.

Napatawa naman siya, “so I am too. Never experienced to court a girl,” napaangat ako ng ulo. I blink. Talaga? So wala ‘to? So first time din niya? Anong gagawin namin sa ganito? Uso pa ba ‘tong ginagawa namin?  Itong ligaw?

“So, paano ‘to…” ako na naman ang unang nagsalita. Pero hindi ko alam kung paano susundan ang sinabi ko. So Benj laughs again.

“So, I’ll make you special more than you ever thought, Scar.” God! Hindi pa ba ako espesyal sa ganitong lagay? Umiwas na ako ng tingin dahil alam kong namumula na ako, “your whole body blushed! Jesus, you’re too cute,” napatalikod agad  ako sa kanya. Napatingin naman ako sa braso ko at namumula nga. Ganito hata talaga kapag maputi kitang kita ang pagpula mo. God! Nakakahiya!

“Err…Benj!” ani ko at pinakalma ang sarili ko para mawala ang pagkapula. Nakakainis naman kasi! Tumawa naman agad si Benj sa reaksyon ko. “Nakakahiya! Sinabi mo pa!” I swallow. Goodness! Hindi naman kailangang sabihin.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now