Chapter 9 : Date?

Start from the beginning
                                    

Nakakaasar, niyaya ko siyang magmall eh wala naman akong dalang kahit ano!

Sarili ko lang at cellphone yung dala ko.

Nilibre ako ni Denden ng lahat.

Pamasahe, food at kung ano pang pwedeng magawa dito sa Mall.

Nag-ikot ikot kami, sinamahan niya kong tumingin ng damit.

Tapos maya-maya pa sabe ko sa kanya okay lang na maghiwalay muna kami at tumingin siya ng kung ano ang gusto niyang tignan o puntahan.

Pumayag naman siya.

Pumasok ako sa isang store para tumingin ng mga damit tapos maya-maya pa lumabas nako.

At paglabas ko... nakakita ako ng isang familiar na mukha.

Pero hindi ko nalang pinansin at naglakad nako ulit.

"Alyssa!"- napalingon ako sa tumawag sakin"Musta na?"- tanong niya

"Uy! Ikaw pala Myco."- sabe ko

"Bakit mag-isa ka lang? Wala ka bang kasama?"- tanong niya

"Meron. Pinag-ikot ikot ko muna siya."- sagot ko

"Si Denden ba yun? Buti pumayag siyang maghiwalay kayo."- sabe niya

Nakuuu. Baka gusto niya lang itanong kung kasama ko si Denden, kung nasan siya at kung bakit niya ko kasama.

"Oo, si Denden nga. Sabe ko kasi sa kanya mag-ikot ikot muna siya at tumingin ng mga gusto niyang tignan."- sabe ko then nagsmile ako

"Alam mo nung kami ni Denden.. ayaw niya ng naghihiwalay kami. Kung nasan siya gusto niya nandun ako. Ayaw niyang mag-isa ako o kaya siya. Ewan ko kung bakit nagbago siya ngayon."- sabe niya then nagsmile siya.

I gave him a FAKE smile. Bwiset!

"Myco!"- sabay kaming napatingin sa tumawag sa kanya.

Si Mika.

"Mika! ^__^"- sabe ni Myco tapos nagmadali siyang lumapit kay Mika at inakbayan ito.

May paakbay-akbay pa siya ngayon pagkatapos niyang ipagmayabang sakin yung tungkol sa kanila ni Denden.

"Uy, Alyssa"- sabe ni Mika then she smiled at me.

I smiled back.

Ayoko na, masyado ng maliit yung mundo namin dito.

Kelangan ko ng umalis.

"Sige, mauna nako. Pupuntahan ko pa si Denden eh. Baka naiinip na yun."- sabe ko tapos nagsmile ako sa kanila.

Lumakad nako papalayo pero narinig kong nagsalita pa si Myco.

"Alam mo Alyssa, nung kami ni Denden, ayaw niya ng naiinip siya. Nagagalit siya."

Tumingin ako sa kanya at sinabing...

"Kasi saming dalawa, ako yung BATAS. I'm her princess, queen, god and she's my SLAVE!"- pagkasabi ko nyan nagsmile ako.

Nakita kong nag-iba yung mood niya at parang nainis siya.

Tumalikod nako at nagsimula ng maglakad ulit.

What the? Ano bang problema niya?

Bakit kailangan niyang magsabi ng stuff tungkol sa kanila ni Denden?!

As if I care! Wala akong pakialam.

Wag niyang itulad yung relationship namin ni Denden ngayon sa relasyon nila dati.

Walang kwenta yung kanila. WALA!

Nakakainis! Mukha lang pala siyang mabait! I hate him! >.< Naiinis talaga ako.

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now