Chapter 13: Maybe

6.5K 147 5
                                    

Chapter 13: Maybe

Alyssa's POV

Palabas pa lang kami ng gym ni Denden, lahat halos ng students nakatingin samin.

Ano bang meron? Haay. Siguro dahil si Denden yung kasama ko. Ganun naman palagi eh.

Dapat sanay nako. Pero hindi pa rin kasi ako mapakali kasi kilala ko tong si Denden eh!

Kanina tinignan niya yung likod ko, may kalokohan siguro siyang ginawa sa damit na binigay niya!

"Bakit nakatingin sila satin?"- tanong ko

"Ewan ko."- sagot niya

"May something siguro tong damit na to no?"- sabe ko pero nagsmile lang siya.

Hinampas ko siya sa braso niya,"ANO BA KASI MERON SA DAMIT NATO?! Bakit sila nagtitinginan?!"- inis na sabi ko

"ANO BA! Wala nga! Promise!"- sabe niya

"WAG KA NGANG MAGSINUNGALING DYAN! KILALA KITA! GAGAWA AT GAGAWA KA NG KALOKOHAN KUNG KELAN MO GUSTO!"- sigaw ko

"Kung ayaw mo suotin yan edi magpalit ka! Nakakaasar naman eh. Sinabi ng wala, ipipilit pa ring meron."- sabe niya tapos nagpout siya at tumalikod sakin.

"Eh bakit nagtatampo ka?"- me

"Hindi ako nagtatampo! Ang kulit mo kasi eh. Sinabi ng wala pinagpipilitan mo pa ding meron. Nakakairita."- sabe niya

"Psh."- me

"Mauna nako, antayin nalang kita sa lounge. Magpalit ka kung gusto mo."- sabe niya tapos nagsimula na siyang maglakad palayo sakin.

Ang pikon talaga nun! Nakakaasar!

Bumalik ako sa loob ng CR. Tinignan ko ng mabuti yung likod. Tama nga. Wala ngang nakasulat, wala ring sira.

Kasi naman siya eh. Kung kumilos parang may something na kabwisitang ginawa. Hindi mo talaga pwedeng pagkatiwalaan!

Lumabas ako ng CR, suot ko pa rin yung damit na galing kay Denden.

Yung isip bata na yun! Kundi lang siya maganda eh.

MAGANDA? Teka, sinasaniban nanaman ako ng masamang espirito!

Bigla bigla nanaman akong nagsasabi ng masasamang bagay.

Ano ba to. Ano ba to.

Nasa may covered court na ako, ng biglang may bumangga saking limang babae.

Teka, natatandaan ko sila...

"Grabe. Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa samin."- sabi nung chubby girl

SILA! SILA YUNG MGA BABAENG SUMAMPAL SAKIN!

"Kayo yung..."- tinuro ko sila

"Oo! Kami nga. Wag kang mag-alala, hindi kana namin sasaktan."- Girl 2

"Tama, hindi na bababa level namin sa isang gold digger na katulad mo."- Girl 3

"Tara na. Alam na rin naman ng lahat ang tungkol sa kanya eh."- Girl 4

Alam ng lahat? Ang alin? Ang ano?

Iniwan na nila ako, walang sampal, walang bangga.

"Totoo ba?"

Huh?

Nakita ko si Myco nakaupo sa may mga bench sa tennis court. "Kalat na dito sa school yung tungkol sayo."

"A-alam mo na rin?"- tanong ko

"Oo. Simula palang alam ko na. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ni Denden sayo eh. Sa totoo lang, parang ang baba ng taste niya sa babae."- sabe niya pa

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon