Chapter 25: Changed

4.7K 93 3
                                    

Chapter 25: Changed

ALYSSA'S POV

"Mag c-cr lang ako, dito ka lang." tumayo siya at naglakad na papuntang cr.

Four days after nung makalabas ako ng hospital naging ganito nanaman kami ni Denden. Binabalewala niya na ulit ako, iniiwan mag-isa, dumating yung time na bigla nalang  siya pumasok sa work ng hindi ako kinakausap magdamag.

Nung bumisita ako sa restaurant na pinagwoworkan niya, nakita ko siya kasama si Myco. Magkatabi sila at sobrang sweet nila.. nagkabalikan na kaya sila?

Nandoon lang ako, nakatingin sa kanila.. ang nakaharang lang samin ay yung window. I was just there..

I called her. I saw her staring at her cellphone. Nagdadalawang isip pa ata siya kung sasagutin niya yung tawag ko o hindi.

Nagulat ako nung bigla niya itong sinagot. Nagtanong ako ng kung anu-ano, sinagot niya naman yung tanong ko.. pero lahat ng sagot niya, puro kasinungalingan.

Of course, hindi totoo lahat ng kinukwento ko. Iniimagine ko lang yun.

Sa totoo lang after nung October 22, mas naging close kami ni Denden. Siya parin yung stupid girl na nakilala ko pero nagbago siya kahit papaano.

Naging expressive siya.. wait, expressive naman siya eh, pag galit. Hahahahaha! Kidding.

Naging sweet na siya kahit papano, ganun din ako. Nasasabi ko na yung gusto kong sabihin sakanya ng walang pressure at ng hindi ako nagmumukhang tanga.

Ang hirap kasi samin, pareho kaming nagtatago ng feelings. Pag nasobrahan lang, dun kami nag ssnap. But, haha we're changed.

"Hi!" hindi ko napansin na may lalaking nakatayo sa tapat ko. Nung tiningnan ko siya, nagsmile siya. Tinignan ko yung I.D niya, Rex Intal, second year? Infairness, gwapo siya.

"Ah, hi.." nagsmile ako sakanya.

"Ako nga pala si Rex Intal, 2nd year high school." I nodded. "Ikaw si Alyssa, diba?" I nodded again.

Psh. Ang yabang ng dating niya! Sabi nga nila Bang, 'maangas' pag pacool yung mga lalaki. Tss

"May kailangan kaba sakin?"

"Wala naman, may gusto lang akong itanong sayo.."

"Ano yu--

"PWEDE BA KITANG MAGING ATE? SIGE NA PLEASE! GUSTO KITANG LAPITAN MATAGAL NA PERO SABE NUNG MGA CLASSMATE KO DI MO RAW AKO PAPANSININ!" Dire diretso niyang sabi.

Omg. Akala ko naman kung anong tanong yun.

"Ha? Hindi naman ako ganun. Sige, subukan natin maging close. Okay?" I smiled at him, he gave me this one great big bright smile. Wow. He's cute!

"Kumain kana ba?" he nodded. Umupo siya sa tabi ko tapos nagsimula na siyang magkwento tungkol sa buhay niya. He reminds me of someone.. HAHAHAHAHA! GUESS WHO!

Okay fine, it's Gretch. Pareho silang makulit.

Hindi ko na napansin yung katagalan ni Denden sa banyo dahil nakakatuwa si Rex. Only child siya, tapos nakatira siya sa lola niya kasi yung parents niya nasa states. Lahat ata ng students dito sa Ateneo Academy puro nasa abroad ang parents.

"HEY! Ano kaba! Bakit may kausap kang lalaki? Yung girlfriend mo nandun nagtatantrums!"

I smiled at Fille, "Fille, siya si Rex. He's a sophomore." I looked at Rex,"Rex, this is Fille." Nagnod lang si Fille, syempre yung itsura niya parang hindi interesado.

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon