Chapter 37: Too Painful

3.6K 103 26
                                    

Chapter 37: Too Painful

MIKA'S POV

Malapit na kami sa rest house nila Denden, siguro mga 15 minutes nalang nandun na kami. Maaga kasi kaming umalis  kaya halos parang 2 hours lang yung biyahe.

Pagkarating namin sa rest house nagbabaan na kami. Si Denden at Myco nauna nung pumasok kami sumunod na sila Bang tapos kami naman ni Aly nagpahuli dahil ayaw niya raw makipagsabayan sa kanila.

Nung pagpasok namin ng bahay nagkabanggaan sila ni Denden, nagkatinginan pero hindi sila nag-imikan.

"Punta tayo sa beach!" Sabi niya sakin.

Tumango nalang ako tapos lumabas ulit kami ng bahay.

Kitang-kita kong may gumugulo nanaman sakanya. Madali lang basahin si Aly, mapapansin mo kung malungkot o masaya siya.

Tinanggal niya yung tsinelas niya tapos hinawakan ito.

Naglakad siya sa may sand ng nakangiti. "Ang ganda! Ang sarap sa feeling!" tumingin siya sakin tapos nagsmile. Nagbago nanaman mood niya. "Sana ganito rin buhay ko sa Manila!"

Nagsmile ako sa kanya tapos tinanggal ko rin yung tsinelas ko, kinuha ko yung tsinelas niya sa kamay niya tapos ako na yung nag bitbit.

Hinawakan niya yung kamay ko tapos nag smile siya sa akin,"Sorry.. nagiging pabigat na ba ko sayo? Kung naaasar ka na sa akin, sabihin mo lang.."

Napatigil ako sa pag lalakad kaya napatingin siya sa akin, "Hindi ka pabigat sa akin. Bakit mo ba naiisip yun? Gagawin ko ba to kung hinde ko naman gusto yung ginagawa ko? Diba?" nag nod siya, "Ganito na lang, girlfriend kita habang nandito tayo sa batangas."

"Ayoko. Baka iwanan mo rin ako eh." sabi niya habang naka smile.

"Bakit naman kita iiwanan? Ikaw talaga! Pinapangunahan mo eh! Tara na nga! Balik na tayo dun. Nagugutom na ko eh." nag nod siya then bumalik na kami sa bahay.

Nagpunta kami sa may kitchen ni Aly, nakita namin sila Gretch at Fille nag peprepare sila ng sandwich. Nung nakita kami ni Gretch hindi kaagad siya nag salita. Kinalabit niya si Fille kaya napatingin din si Fille sa amin.

"Gagawa na rin kita ng sandwich, okay?" binitawan ko yung kamay niya tapos kumuha ng tinapay.

"Teka.. meron ba kaming hinde alam?" tanong ni Gretch.

"Wala. Ano ba kelangan niyong malaman?" sagot naman ni Alyssa, "Sasabihin naman namin kung may special ng nangyayari eh. Bakit naman namin itatago sa inyo yun?"

Napakagat si Fille at Gretch sa sandwich nila, hindi ko napigilang mapangiti sa naging reaction nila.

Inabot ko kay Aly yung ginawa kong sandwich, ngumiti siya sa akin tapos kinain na niya.

Nakaka-kalahati pa lang siya ng pagkain ng biglang sumulpot si Myco sa may kitchen. "Ano palaman niyo? May tinapay pa ba? Nagugutom na rin kasi ako eh.."

Walang umimik.

Inabot ko sa kanya yung isang ginawa kong sandwich, "Chicken spread yan. Pero tuna yung sa amin. Sakto, hinde ka kumakain ng tuna spread eh."

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon