Chapter 43: I need YOU

3.3K 86 6
                                    

Chapter 43: I need YOU

ALYSSA'S POV

Nandito ako ngayon sa labas ng classroom sa may veranda.. hawak ko ulit yung list ng schedule ko for this month.

March 3 - gown
March 5-8 hell week
March 8 - last day of exam
March 9 - completion of requirements
March 10 - 10am- Gizelle's house, 3pm- gown fitting 1
March 12-16 - 8am- practice for the play, 1pm- grad practice
March 17 - 9:30am- gown fitting final, 1pm- play practice
March 20 - 1pm- grad practice
March 21 - dress rehersal
March 22 - PLAY!
March 23 - gonna get my gown
March 24 - graduation ball!
March 26 - THE DAY

Hectic ba masyado? Hindi naman.

Pinag mamasdan ko yung field, yung gym at yung canteen. Of course, nasa taas pa rin ako. Siguro mamaya pagbaba ko, yung buong building mismo ng school naman yung pagmamasdan ko.

Hays. Di ko alam kung bakit ang laki ng impact sa akin ng school na to. Kay Fille rin for sure, dito niya na-meet si Gretch eh.

"Alyssa dinner daw sa Chicken Resto mamaya."

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Gizelle na naka smile. I nodded as an answer then she closed the door.

Ilang weeks na lang at gagraduate na kami. And finally tapos na rin yung exam. Yung feeling na wala ka ng iisipin pa kung hindi yung pag march na lang.

But ofcourse may play pa kaming kailangan gawin. Dun na lang kami lahat na s-stress..

Nakuha na rin namin yung results sa universities na pinag-applyan namin. Ella, Bang, Mika and I got in Ateneo De Manila University. Fille and Gretch naman in UP. I have no idea kung saan magcocollege si Denden.

Hindi ko kasi tinatanong sa kanya at hindi niya rin sinasabi sakin and I don't think na kailangan kong malaman.. I'm not even curious. Well, maybe a little.

"Payatot! Bakit nandito ka?" narinig ko na naman yung nakakairitang boses na yan.

Bakit ba tuwing naiisip ko siya bigla bigla na lang siyang sumusulpot?!

Saka, PAYATOT?!?! Last week lang microphone tawag niya sa akin, tapos naging bumbero! Ngayon naman payatot!

"Gusto mong--"

"AYOKO." pinangunahan ko na yung sasabihin niya sa akin.

Lagi na lang kasing magtatanong yan na nag sisimula sa 'gusto mong' pag sasagot na ko biglang joke lang yung dulo. Nakakaasar.

"Hindi mo pa nga pinapatapos yung sasabihin ko eh."

"Ilang beses mo na yan ginawa sakin. You might wanna change your style." nag smile ako sa kanya. Syempre hindi cute smile.

Lumapit siya tapos tumabi sa akin. Pareho kaming tumingin sa may field.

"Ayaw mo ba talagang--"

"Ayaw." tumingin ako sa kanya, nakatingin na siya sa akin. Nagsmile ako sa kanya, "Ikaw, gusto mo ba akong sunduin mamaya?"

Nag smile siya tapos kinurot yung pisngi ko, "Yan nga sasabihin ko eh. Kung gusto mong sunduin kita mamaya!" tapos tumingin ulit kami sa may field.

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon