Chapter 16: Placard

7.2K 161 5
                                    

Chapter 16: Placard

Denden's POV

Dismissal na.. nilapitan ko si Fille para alukin sana siyang sumabay sakin pauwi.

"Wag ka munang bumisita sa bahay. Wala kasi si Aly eh, nasa QC siya ngayon kay Kuya Nicks."

"Nicks? Sino yun? Bakit siya nasa bahay ng lalaki?! Niloloko niya naba ko? May boyfriend siya?!"

Look, I'm not paranoid. It's just that.. Aish! Sino ba kasi yung Kuya Nicks na yun?

Wait.. Kuya Nicks.. Nicko.. Nicko Valdez?...

"Kuya niya yun! Baliw. Kuya Nicks.. as in Kuya Nicko."- she said."Bakit ka naman lolokohin nun? Ganun ba tingin mo sa kanya? Dahil nga sayo kaya siya nagkakaganito eh."

WTF?! Dahil sakin?! Anong ginawa ko?

Medyo nagulat ako nung sinabi niya yun. Ang seryoso kasi ng mukha niya eh.. Dahil sakin... bakit kaya?

"HAHAHAHAHA! OMG. You should've seen your face Denden! I'm just kidding! Relax! She texted me a while ago, she said that she's ok."- natatawa niyang sabi

Hindi nakakatuwa yun Fille. Siguro kung si Gretch at Bang lang to kanina ko pa binatukan.

"Bwisit ka! Kelan siya uuwi?"- tanong ko

"I'm not sure.. Maybe later.. Around 10 pm, I guess.. Bakit?"- Fille

10 pm pa?! Ang tagal naman nun! Hindi ba sila nagkita ng kapatid niya ng matagal? Tss

"Bakit ang late naman?!"- nasabi ko, oops.."Wala lang. Sabihin mo pupuntahan ko siya."- sabe ko

"Nga pala, pinapasabi niya wag ka munang bumisita. Papasok na rin naman yun bukas eh, edi maghintay ka nalang hanggang bukas! Eto naman parang ilang araw lang hindi nagkita eh namiss na agad. Sige alis nako! Babye."- sabe niya sabay takbo palabas ng classroom.

"Baliw talaga to. Namiss ka dyan.."

Kinuha ko na yung bag ko at umuwi na.

Gaya ng sabi ni Fille, hindi ko siya pinuntahan. Baka isipin rin nun namiss ko siya!

Namimiss.. ang kapal! Siguro, pero.. konti lang..

~

6:30 am na, naligo na ko kasi kakatapos lang ng Volleyball practice.

4:00 am palang nandito nako. Paano ba naman may game bukas! Tuesday palang puro praktis na kami nila Bang.

Wag kayong mag-alala, hindi ako yung Captain, trabaho ni Bang yun.

Sa totoo lang walang may gustong maging Captain saming tatlo. Syempre, pano kami makakatakas pag may practice kung may isa saming Captain? Diba?

Malas nalang talaga si Bang..

"Bwiset! Ayoko talaga tong practice natin ng sobrang aga. Ang aga agang napapagod ng katawan ko. Buti sana kung walang pasok mamaya eh. Matutulog nalang.."-reklamo ni Bang

"Wag kana magreklamo! Ikaw Captain eh, tiisin mo yan!"- sabe ko. HAHA

"NADALI MO SIS! HAHA. Konting tiis nalang Bang at mawawala na yang pagod mo."- Gretch

Nagtawanan kami ni Gretch habang naliligo, pero syempre magkakahiwalay kami.

"Paano ba naman, yung trabaho mo Denden pinasa mo sakin! Tss. Di hamak naman na mas magaling ka sakin ng One point."- natatawang sabe ni Bang

"Che! One point ka dyan. Pare-pareho lang tayo girl!"- sabe ko naman

"Oops! Sis, ikaw ba yan?! Dati sasabihin mo, 'Che! Mas magaling talaga ako sayo!' Ngayon pare pareho? Anong magic ba ginawa sayo ni Aly?"- tanong ni Gretch

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon