"Hindi ko kasi nahanap agad yung CR"- sagot ko

Sasabihin ko ba na nakita ko si Mika?

Oh hindi nalang?

Tutal wala naman siyang pakialam eh, kung nagkita kami o hindi.

"Ah. Yun lang ba? Wala ng ibang dahilan?"- tanong niya

"Nakasalubong ko si Mika"- me

"Si Mika?! Nag-usap kayo?!"- tanong niya at kita sa mukha niyang nairita siya

"Oo, saglit lang naman."- me

"Kahit na! Hindi mo dapat kausapin yun! Alam mo naman na malaki yung galit ko dun eh! Saka pano nalang kung may nakakita sa inyo na magkausap kayo? Nilalagay mo sarili mo sa kapahamakan! Alam ng mga tao na girlfriend kita tapos kinakausap mo siya! Kinakausap mo yung tanong galit na galit ako! Bwisit naman!"- galit na galit niyang sabi

Bakit? Anong masama kung girlfriend niya ko tapos kinausap ko si Mika?

"Saglit lang naman diba? Hindi kaba makaintindi? What's wrong with that?! And I'm just trying to be friendly, that's it! Ayoko naman maging snob sa kanya kasi wala naman siyang ginagawang masama sakin, and anong kinalaman ko sa away niyong dalawa? Saka bakit? Anong magiging issue dun?"- me

Totoo naman eh!

"EH GIRLFRIEND NGA KASI KITA! HINDI MO DAPAT SIYA KINAKAUSAP KASI MAGKAGALIT KAMI!"- siya

"FRIENDS KAMI EH! FRIENDS! DI MO BA MAINTINDIHAN YUN? HA?!"- me

Nagagalit siya kasi kinausap ko si Mika. Bakit? Ano bang kinalaman ko dun sa away nila?! Magkakilala naba kami nung time na yun? Ni hindi ko nga alam yung pangyayari eh. Bakit kailangan niyang magalit sakin ng dahil lang dun?!

"Hindi mo kasi ako maintindihan eh! Bahala ka nga.."

Tumalikod siya then nagwalk-out.

MY GOD! What's wrong with her?!

Sumunod ako sa kanya, palabas siya ng PG.

Hinawakan ko yung braso niya para huminto siya sa paglalakad at pakinggan yung part ko.

"HINDI KO PALA MAINTINDIHAN EH! EDI IPAINTINDI MO SAKIN!"- sigaw ko

Okay. May tumitingin na samin.

"Look, I'm sorry. Ayokong madamay sa gulo niyo. Wala naman akong alam diba? Pumayag na nga akong tulungan kang mabalik sayo si Myco eh, if patuloy tayong mag-aaway ng ganito.. then our plan will not succeed... ano bang masama kung magiging magkaibigan kami?"- tanong ko

"Kasi... pwedeng magustuhan ka ni Mika.."- sambit niya

Ano daw?

"Ha?"

"Si Mika... magugustuhan ka niya."- mahina niyang sabe

"Pano mo... nasabi?"- tanong ko

"Nagkagusto na siya sa girl dati... Aly, magkaibigan tayo. Baka saktan ka niya. Ayokong masaktan ka. Kahit palagi tayong nag-aaway ayokong lokohin ka lang ng manloloko na yun."- sabe niya

Natouch ako sa sinabi niya.

Ayaw niya ko masaktan? Parang gusto kong ngumiti ng hindi alam ang dahilan.

Pero parang masyado na kaming madrama kaya ititigil ko na..

"Wag ka na ngang magalit! Tara magmall nalang tayo."- sabe ko

"Ikaw talaga. Tara na nga!"

Sabay kaming naglakad ni Denden palabas ng PG.

Nagtrike kami hanggang labas ng Village at sumakay ng taxi.

I hate her because I love her (AlyDen)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora