Chapter 19 (Unravel)

Börja om från början
                                    

     “Yes!” Tuwang sagot niya sa binatang hawak ang kanyang kamay. Huminga siya ng malalim. Suot niya ang isang manipis na summer dress at two piece bikini sa loob.

     “Last one is a rotten egg!” Sigaw ni Margaux habang itinulak ang likuran ni Lucas. Sinimulan nitong unahan na yung dalawa sa pagtakbo patungo sa dagat.

     Napailing nalang si Nathaniel pero sinundan din nito sa pagtakbo si Margaux.

      Muntikan ng masubasob si Lucas mabuti nalang at naging maagap si Kassandra upang sagipin ito. Tawa na lang ng malakas ang ginawa niya at inunahan na sa pagtakbo si Lucas.

     “Ah ganun! Humanda ka s'kin.” Sigaw ni Lucas ng malaman nitong, siya na ang nahuhuli.

      Namuo ang bawat kasiyahan sa kanila, tila ba mga batang nagtatampisaw sila sa ilalim ng sinag ng araw. Nakikipaglaro si Lucas sa kanya habang tinitilamsikan niya ito ng tubig sa mukha.

      And thus, It was the start of a fun filled morning for them.

      Pagkalipas ng ilang oras sinimulan nilang puntahan ang mga souvenir shops sa labas ng main resort. Matao ang parteng ito ng isla. Bukod sa resort ng mga Buenaflor. Isang maliit na town ang matatagpuan sa gitnang bahagi nito. Nagdesisyon silang lumabas ng main resort upang puntahan ang Deljuego ang maliit na municipality ng isla.

     May mga iba't ibang kulay ng bandiritas na nakasabit sa bawat madadaan nilang kalsada. Ipinaalam sa kanila ni Manager Ram na espesyal ang araw na ito para sa kanilang patron.

     "Dapat nag-stay nalang tayo sa resort." Sabi ni Margaux, makailang ulit nitong inayos ang kanyang sumbrero.

     Sa kanyang likuran patuloy niyang naririnig ng ingay ng camera ni Lucas.

     "Bakit natatakot ka na baka may makakilala sa'yo?" Si Lucas.

      Liningon nito yung binata. Binigyan niya ng masamang tingin ito. "Don't ruin my day, Lucas."

      Nakita ni Kassandra na natatawang umiling nalang ang binata.

    "May prosisyon sa dulo. Puntahan natin." Liningon siya ng isang binatang nasa unahan nila. Si Nathaniel.

    "Mukhang may misa sa simbahan." Sabay may biglang umangkla sa kamay niya si Margaux na gustong umiwas sa pang-aasar ni Lucas.

      Puno naman ng mga bakasyunista ang lugar halos hindi na mahulugan ng karayom ang makipot na kalsada. May nadaanan silang mga antique at souvenir shops.

     "Huwag kang hihiwalay s'kin." Sabi sa kanya ni Lucas. Tinabihan siya nito at mukhang nakaramdam naman si Margaux kaya agad itong lumipat kay Nathaniel.

     "Hindi ako maliligaw dito 'no." Biro naman niya.

      "Alam ko..." Pagak na natawa ang binata. "Iniisip ko lang na baka maligaw ako. Buti na yung nandiyan ka sa tabi ko."

     Parang gusto niyang tawanan ito.

    "So nag-enjoy ka ba?"

    "Oo naman... Ikaw?" Sagot niya.

    "Hmm... Okay lang. It's not something, new to me. Madalas kasi kaming mag-off road ng mga kaibigan ko."

     "Mabuti ka pa... Nakakapunta kahit saan mo man gustuhin. Kailangan ko kasing magtrabaho para may pangbayad sa mga gastusin sa bahay." Kumipot ang nguso niya.

      "Well... Mahirap talagang mabuhay. I do freelance jobs sometimes, just to make ends meet. I do have bills to pay, you know."

     Kumunot naman ang nuo niya.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu