CHAPTER 25

964 13 4
                                    

Nagising ako wala na ako sa ibabaw ni Flynn ako na lang mag-isa na natutulog sa ibabaw ng couch.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid sa living room ng bahay niya tahimik ang paligid.

"Nasaan kaya ang lalaking iyon?" tanong ko sa sarili ko.

Bumangon ako at naupo. Inayos ang buhok ko sa pagkaka-bun. Anong oras na kaya?

Hindi niya man lang ako ginising.

Tumayo ako at lumakad papunta sa kusina.

Nagugutom na ako, nakatulog ako na gutom. Masyado akong napagod sa date namin ni Flynn. Assumera ko talaga feeling date.

Makapasok ako sa kusina nandoon siya naka apron pa ito.

Tinapunan niya ako ng tingin.
"Baby come over here and taste it," utos niya sakin.

Agad akong lumakad palapit sa kanya mas na amoy ko yung niluluto niya.

"Wow sinigang!" masayang sabi ko.

I requested it from him to cook for me. "Favorite!"

Excited na ako dahil luto niya at yung favorite ko pa. Naglagay siya sa sandok at hinihipan iyon dahil mainit.
After ay inilipat malapit sa bibig ko. "Blow it baby mainit," paalala niya.

Kaya sinunod ko siya hinipan ko iyon bago ilapit ng tuluyan ang bibig ko para matikman.
"Hmmm, ang sarap!"

Agad na nalalasahan ang maasim ngunit masarap na lasa sa aking bibig.
"Baby no need to tell me,"

Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan.
"Binobola mo lang ako," sabi niya pa ulit.

Hindi ako kumibo. Muli akong kumuha para tumikim ng sabaw.
Nasa harapan ko siya, nakatingin lang siya nanonood lang sakin na nag-eenjoy sa paghigop ng sabaw.
"Baby," tawag niya sa akin.
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.
"Kasi hindi ko na kailangan dahil nag bounce back na ako papunta sayo naka glue na nga ako," seryosong sabi pa niya.

I keep myself relax kahit kinikilig na ako. Shit! Pakilig masyado, what is happening.
"Don't stop it baby!"

I rolled my eyes to him.

"Shut up!" saway ko.

Ngiti ngiti lang siya. Habang nag ready ng table. "Let's eat first,"aya niya.
Tinulungan ko siyang mag ready para mabilis tsaka siya naman nagluto.

Maayos na namin ang food. Naupo na ako sa tabi niya. Magkaharap kaming dalawa, ipinatong ko yung binti ko sa hita niya.
Napatingin siya sa binti ko nagulat ata sa ginawa kong iyon.

Aalisin ko na sana iyon ng pigilin niya, ako naman ang nagulat dahil sa pagdampi ng palad niya.
"Why?" nagtataka na tanong niya

Umuling lang ako sa kanya.

Hindi talaga healthy ang paglapit ko sa kanya.
Kumain na kami ng tahimik nakapatong pa din ang palad niya sa binti ko.
Ang sarap ng luto niya.

"Are you going?" bigla niya na tanong.
"Ha saan pupunta?"

Nakatingin lang ako sa kanya.
"Bar, inaya din ako buong basketball team ang pupunta,"

Alam niya na pala na may gimik tonight. Sasabihin ko bang sasama ako?
"Oww my friends ask me too,"

Nakatitig lang siya sa akin. Ano kayang iniisip niya bakit kaya?
"Punta tayo," aya niya.

Sasama ba ako kay Flynn?
"Let's go but I need to go home first because they pick me up,"
"Sa bar na tayo magkikita?" tanong niya.

Kailangan pa akong ipaalam sa mga kuya ko dahil nga masyado akong lapitin ng gulo kaya ingat na ingat sila.

"Yep, Let's see kung anong set up later," sabi ko sa kanya.

"Hmm okay,"

Muli na lang kaming kumain ng tahimik.

I love him and I already admit it. I like the feeling with him but I'm scared for myself.
What will happen next?

Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman. Anong gagawin ko? Hanggang saan at hanggang kailan?

Napuno ng mga tanong ang aking isip ng mga oras na iyon habang kumakain at nakatingin kay Flynn na nasa aking harapan.

After namin kumain ni Fynn, ako na naghuhugas ng plato kasi sabi niya magpapalit siya ng damit. Matapos kong hugasan sa living room muna ako nag stay para hintayin siya. Baka kasi pag pinuntahan ko pa siya eh ano pang makita ko.

Nag cellphone lang ako habang naghihintay.

May mga message na yung kambal na baliw. Susunduin daw nila ako kaya mag ready na ako. Paano nandito pa ako? Bahala sila pag hihintayin ko na lang sila sa bahay para may maasar si kuya Migz.
Mag eenjoy si Vane sa dalawa mamaya pati mga kuya ko.
Nang bumalik si Flynn ay inaya niya na akong umalis. "Ihahatid muna kita sa inyo then sa bar na tayo magkita kasi sabi mo may susundo sayo," sabi niya sa akin.

Parang kasalanan ko pa ata na may susundo sa akin sa bahay.

I roll my eyes.
"Bakit ka galit?" tanong ko.

Mabilis na tingin lang ang ibinigay niya sa akin.
"Hindi ako galit,"

Hindi daw galit pero ganun ang sagot. Nakasimangot pa siya.

Nailing na lang ako sa kanya. Nauuna na siyang naglalakad sakin ako naman eto na kasunod lang sa kanya.

May topak na siya. Hanggang sa nakasakay ako sa sasakyan hindi niya ako pinapansin. Bahala siya d'yan.

Kaya nag phone na lang ako. I call Vain just to divert my attention, panay kasi ang baling ko ng tingin kay Flynn na seryoso na nagmamaneho.

"Hellow girl!" bungad ko sa kanya.
"Nasaan kana," tanong niya sa akin.
"Ikalma mo ang sarili mo!"

Napansin kong napapatingin si Flynn sa akin. Kaya speaker phone ko para marinig niya.
"Dalian mo maraming lalaki doon!" tili ni Vane.
"Iinom na tayo, we need to enjoy," sabi pa ni Vian.
"Okay, just pick me up later," sagot ko.

Binaba ko na yung tawag baka kung anong masasabi nila at nasa tabi ko lang si Flynn.
Napapangiti ako sa aking sarili, effective ang ginagawa ko. Mas lalong nalukot ang mukha ni Flynn.

Don't you dare me Flynn. Aasarin pa kita lalo, mamaya sa bar mas malala ang gagawin ko. Pipikunin ko siya.
Makarating kami sa harap ng bahay tahimik pa rin siya at seryoso na ang itsura niya.

"Thanks for driving me home. Ingat ka," sabi ko.

Lumapit ako sa kanya tsaka humalik sa pisngi niya. "Okay ingat ka din later,"

Wow taray ang suplado naman ni lods. Wala naman akong ginawa sa kanya pero ang sungit sungit.
Bahala siya d'yan mas iinisin ko siya later. Good luck na lang.

Bumaba na ako sa sasakyan niya. Ngiting ngiti ako habang lumalakad papasok sa loob ng bahay.
"Hi kuya's!" bungad ko sa mga kuya ko na nandoon sa living room nakaupo sila.

"You're here," bati ni kuya Rem.

"Well d'yan muna kayo aakyat na ako kasi may aalis ako tonight," nakangiting sabi ko. "And kuya Migs later you will enjoy,"

Tuluyan na akong lumakad papunta sa kwarto ko.

Mag quick shower ako then may aayos na ng pak na pak.

Nag text muna ako kila Vian at nag reply kay Flynn. Inayos ko yung mga gamit na dala nag charge din ng phone.

Pumasok ako sa banyo tsaka nag-alis ng damit.

Magbababad muna ako to relax.

I need to do something para mas mainis ko si Flynn. Hindi ako pwedeng malasing ng malala dahil kailangan kong makita reaksyon niya mamaya. Inisin si Flynn tonight.

Minutes passed at nagsawa na ako sa pagbababad ay nagbanlaw na ako ng katawan bago isuot ang white robe na nakasabit doon. Malinis na dahil kakalaba lang ni Manang.

Naghahanap ako ng isusuot ko na bongga.
"Mag dress kaya ako?" tanong ko sa sarili ko.

Kinuha ko yung mga dress ko sa loob at inisa isa iyon tiningnan para makapili ng gagamitin.
Lahat ng hindi ko mapili ilalagay ko sa ibabaw ng kama. Pero halos lahat ay nakita ko na wala pa rin akong napili sa mga iyon. I need to choose! Apat best pick.

Binitiwan ko lahat ng hawak tsaka patakbo ng pumunta sa closet na nakabukas. Hinanap ko roon then I found it.

Itinaas ko yun, now I found my best pick!

Excited kong isinuot iyon. This dress is my comfort pag di ko feel ang ibang damit ito lagi ang aking secret weapon.

Nag blow dry ako ng buhok, mag curl ako ng hair. Light makeup will be fine tonight dalagang pilipina lang ang datingan ko.

I don't want to get in trouble tonight dahil last time malala ang nangyari kaya ako na ang iiwas dahil baka mas worst pa ang mangyari.

My kuya's will kill me pag nangyari iyon. Pasensya lang ang kailangan kaso may mga gago din naman bukod sa akin at sa mga kaibigan ko wag lang talaga mahamon o maunahan.

Tumayo na ako at tiningnan ang kabuuan ng sarili sa salamin.
"So pretty!" tili ko then nag flying kiss ako sa harap ng salamin habang nakatingin sa repleksyon ko roon.

I need to choose what shoes I will wear. Dapat yung bagay sa dress ko para maganda.

Ang ingat na ng phone ko dahil may tumatawag na. Malamang yung kambal na iyon at sinusundo na ako.

Isinuot ko yung robe kanina para kunwari hindi pa ako nakabihis.

"Baby sis nandito na sila,"

I heard kuya Troy kaya lumakad na ako palabas ng room tsaka pumunta sa living room to check them up.

"Vian ang pangit mo kabonding pakiss nga,"

Kunot ang noo ko ng makita ko si Vian nakaupo sa tabi ni kuya Migs panay ang pang iinis nito kay Vian bakas sa mukha niya ang pagka pikon.

"Tang*na bakit kinikilig ako sa inyo," pang aasar ni kuya Rem na tawang tawa pa roon habang nakatingin sa dalawa.

"Gago Vian hindi kana lugi d'yan sa kapatid namin. Daks yan,"

"Bagay naman kayo Sis," gatong ni Vane.

Nagtatawanan pa sila kaya pikon na lalo si Vian. Walang titigil sa kanila pag ganyan. Kuya Migs din tumatawa lang sa pang aasar nila.

"Hoy bihis kana!" pagmamadali ni Vian.

Alam na alam kong gusto na niyang umalis. Ano bang ikinaiinis niya?

"Okay," sagot ko lumakad ako paakyat sa kwarto.

Tatagalan ko para mainis siya lalo. Nasa bar na pala si Flynn.

Just wait for me Baby.

Plan is a plan. I need to be successful, so the mission will be possible. 



Enjoy reading, keep safe Bibs!  :)

Batang-bata ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon