CHAPTER 4

11.4K 56 1
                                    

Sobrang tahimik sa loob ng campus nakakapag taka dahil madalas ay napaka ingay ng paigid ngayon ay nakakabingi ang katahimikan ang bumabalot sa bawat sulok parang walang mga students na pumasok. Balibalita may bagong student na pumasok dito sa university.

Bulong bulungan kanina pa sa hallway, hindi ako nakikinig dahil wala naman ako pake' alam kung sino man siya o sila di pumasok.

Nag patuloy ako sa paglakad papunta sa forest para dun mauupo at tatambat, maaga akong pumasok pero mamaya pa naman talaga yung class ko ayoko kasi sa bahay dahil walang tao may mga pasok din sila kaya sumabay na din ako sa pag alis nila sa bahay.

Ipinatong ko yung bag ko sa gilid at naupo ako sa may puno ng mangga, nag labas ako ng ear-phone at nag patugtog ng hindi kalakasan. Maging komportable ako sa posisyon ko ay tsaka  ko ipinilit 'yung mata ko, mag re'relax muna ako kasi mamaya mga mabibigat na subject ang haharapin ko.

May naririnig akong malakas na mga ingay, hindi kalakasan yung tugtog ko para kung sakaling may tao ay maririnig ko at makita ko agad.

Dahan dahan kong idinilat ko yung mata ko, natanaw ko sa di kalayuan si Ashbie kasama yung mga kaibigan niya masaya siya habang nakikipag chit chat sa friends niya.

Isa isa ko silang tinapunan ng tingin, lahat sila ay mukhang maayos naman at normal na estudyante lang.

Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik sa pagkaka-pikit, tatambay lang din siguro sila dito napadaan lang sa gawi ko.

I need to sleep, kulang na kulang ako sa tulog pano ba naman ang mga kuya ko nag ayang kumain ng dis'oras ng gabi! Like fvck! Ayaw ko mang sumama kaso binuhat ako papuntang sasakyan ng sapilitan, buong byahe namin ay tulog lang ako kaso pag dilat ko ng mata naka upo na ako sa loob na ako at may mga foods na sa hatapan ko.

I hate them! Naka pantulog pako at fresh from higaan talaga, walang suklay suklay. Sabe mag drive tru lang daw kame dahil anong oras na din nga pero end up, ayun naka upo kame sa loob ng fast food at kumakain kahit papikit pikit na ako sa sobrang antok pero ngumunguya ako kasi naman. Tuwang tuwa pa sila dahil sa kalagayan ko ng mga oras na iyon. Nagawang pag tripan ng malala.

Napadilat akong bigla ng may mga sigawan na naman akong narinig. Inilibot ko yung tingin ko namataan ko na nadagdagan ang mga tao dito kung kanina ay ang grupo lamang nila Ashbie ang narito ngayon ay tatlong grupo na ang nandito.

What the fvck! Hindi ko napigilan ang di mapamura. Nang makita ko silang muli hindi ko inaasahan itong pangyayaring ito.

I saw Venus Beltran bitching Vian, pinapanood ko lang sila kung anong sunod na gagawin ni Vian. Knowing her like fvck! Wrong move Venus siya pa talaga. Para mong kinalaban ang mundo sa ginawa mo. x2 ang makakalaban mo pag binangga mo ang isa sa kanila.

Nakita kong tumayo na si Vian at masamang tinitigan si Venus. Iyon ang tingin na hindi mo gugustuhing lumapat sayo dahil ang susunod ay hindi mo aasahan.

Yung alipores naman ni Venus ay nakapalibot sa kanila. Sila Aja, Eyey at Jane ay nakaupo padin at nanonood lang sa kanila. Tulad pa din pala ng dati. Hinahayaan nilang si Vian muna dahil alam nilang kaya iyon nito kahit ito lang ang pinipigil lang nila yung mga gustong make' alam.

Anong ginawa mo Venus? Para makuha ang atensyon ni Vian na ngayon ay bakas sa mukha niya na matinding inis.

Akmang sasampalin ni Venus si Vian pero mabilis naman niya itong nasalag ang pag atakeng iyon ni Venus. Masyadong malakas nag loob ni Venus para gumawa ng pag atake.

Batang-bata ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon