26- A Typical Day with My #1 Fan

Start from the beginning
                                    

"Naku, 'di ko kasi kayang tanggihan si Pree. Never nya rin naman kasi akong hinindian kapag ako ang may kailangan sa kanya."

"I see. Ganyan din ako kay Kit. Sobrang bait nya sakin kaya never akong tumanggi sa mga favor nya."

"Talaga? Bagay pala tayo kung ganon. Pareho tayong may bestfriend-complex eh! Hahaha."

"Baliw. Puro ka talaga kalokohan eh no? Mas kalog ka sa kapatid mo."

"Hindi lang mas kalog, mas gwapo at mas mabait din ako kay kuya." sobrang confident ng tono ni Ming.

"Wow ha! Baka mamaya mabasag na ang windshield nitong kotse mo, pati kasi dito sa loob ay ang lakas ng hangin! Mahangin ang driver!"  natatawa  na lang ako sa kahambugan nitong si Ming.

Pero agree ako sa mga sinabi nya ha, mas better nga sya kay Oat. Maputi lang yung payatot na yun eh!

"Ui hindi ako mahangin ah, nagsasabi lang ako ng totoo. Sige nga, tanungin nga kita Yo. Sinong mas gwapo samin ni kuya?"

"What? Kailangan ko ba talagang sagutin yan?"

There's no way na aminin kong mas naga-gwapuhan ko sya!

Ewan ko ba, nahihiya akong mag-compliment ng isang lalaki unless boyfriend ko sya.

"Yup, required na sagutin mo." nakangisi ngayon si Ming.

"Required my ass."

"Hahaha. Sige na kasi Yo, sabihin mo na kung sinong mas naga-gwapuhan mo samin ni kuya."

"Ayoko nga."

"Hala sya oh. Sige na kasi Yo. Please."

Nagpapa-cute si Ming ngayon!

Amf!

What's wrong with the world?

Noong nakaraan si Kuya Pent, ngayon naman si Ming. Anlalake nilang lalaki, akala ba nila bagay sa kanila ang magpa-cute?!

Well, bagay nga! Haha.

Weakness ko talaga ang soft side ng mga maton eh.

"Sige na nga, sasagutin ko na." pagsuko ko.

"Ayun! So sino ang mas gwapo samin ni kuya?"

"Syempre si Oat." biro ko sa kanya.

"Yo naman eh, nagsisinungaling ka."

"Hindi ah. Ano bang ineexpect mo? Na mas gwapo ka talaga kay Oat?" I'm winning! Haha.

"Naman. Sige na kasi Yo, sabihin mo na ang totoo."

"Ay wow. Yun ang totoo Ming, accept it or not."

Kinagat ko ang dila ko para 'di ako matawa.

Si Ming kasi eh, mukhang batang inagawan ng kendi ngayon. Hahaha!

"Sus, sinasabi mo lang yan kasi mahal mo pa si kuya."

Wuuut?!

"Hindi na no! Kakilabot yang sinasabi mo Ming." inirapan ko si Ming.

Imbis na tumigil ay lalo pa nya akong binuset.

"Hahahaha. Ayieee mahal pa nya ang kuya ko."

"No! Fake news yan!"

"Ayieee namumula na sya oh!"

Bwisit!!

Talagang 'di sya titigil!

"Oo na, mas gwapo ka na kay Oat!" I gave up.

"Ayun! Bibigay din pala ang idol ko. Hahahaha."

"Ewan ko sayo." kinurot ko si Ming sa braso.

ThirstyWhere stories live. Discover now