Chapter 2

18 0 0
                                    



Kumain kami ni Elisse sa School Cafeteria pagkatapos. Marami siyang kakilala dito, hindi na rin ako nag-tataka dahil sa kadaldalan niyang yan ay paniguradong kilala siya ng lahat.


"Azalea, hindi ka ba excited para bukas?" Tanong niya.

Naglalakad lakad kami ngayon sa Mystic Garden ng Cryptical Institute, bumuntong hininga muna ako bago sagutin ang tanong niya.


"Hindi naman. Igru-grupo lang naman tayo." Nagkibit balikat kong sabi.


"No! Dapat excited ka! Kasi halos buong linggo mo nang kasama ang mga ka-grupo mo. Tuwing sabado at linggo ka lamang makakauwi sa dorm natin, dahil may kanya-kanyang bahay ang bawat pangkat." Saad niya.


Nagulat man ako ay hindi ko iyon pinahalata sakanya. Siguradong mga wala ding kapangyarihan ang makakasama ko, pare-parehas lang kaming mamamatay sa Combat at Survival.



"Sana nasa maayos akong grupo kung ganoon nga ang mangyayari." Tipid kong sagot, ngumiti siya kaya ngumiti lang din ako. Katamtaman ang klima sa buong Devia, hindi mainit ngunit hindi rin naman malamig kahit pa hapon pa lamang. Sobrang ganda ng Mystic Garden dahil sa loob nito ay may maliit na falls!

Hinila ako ni Elisse sa likod ng puno na animong may tinataguan siya. "Anong meron?" Tanong ko. Sinenyasan lamang niya akong tumahimik kaya wala akong nagawa kundi sumunod.


"Nakikita mo ang lalaking iyon?" Turo niya sa lalaking nasa di kalayuan. Maganda ang pagkakaayos ng buhok nito at maamo din ang mata. Matipuno ang pangangatawan at halatang sanay sa pakikipag-bakbakan.


Tumango ako sakanya at tiningnan muli ang lalaki. "Siya si Rhett Williams, ang mapapangasawa ko balang araw." Natawa ako bigla kaya naman kumunot ang noo niya.


"Paumanhin, nagulat lamang ako. Akala ko ay may atraso ka sa lalaking iyon kaya ka nagtatago." Maganda rin si Elisse, simple, ang kulay brown niyang mata ang nakakapagpabuhay sa kanyang muka na kapag tinitigan mo ito, maaakit ka. Maputi din ang balat ngunit sa height naman kinapos.


"Yun nga lang ay hindi kami parehas ng pangkat.. Siya ay hunter at ako naman ay healer." Malungkot niyang sabi. "Kaya ba tinataguan mo siya?"


"Dahil hindi niya dapat ako makita. Ayaw niyang makatungtong ako sa paaralang ito dahil ayaw niya akong mapahamak, ngunit mas gugustuhin ko na iyon kaysa mamatay sa araw-araw na hindi siya nakikita.." Nang mawala si Rhett sa paningin namin ay nagpatuloy na kami sa paglakad papunta sa aming silid.

Pumunta ako sa balkonahe at tiningnan ang paglubog ng araw. Umiilaw nanaman ang kwintas ko. The sunset must be the source of energy of my necklace. Ano kaya talaga ang hiwaga na nakabalot dito?


Sana rin ay bigyan ako ng lakas nang papalubog na araw, para makayanan ko ang mga hamon sa pananatili ko rito. Kahit pa alam kong wala akong laban. I would stop the storm just to see another rainbow. And, I know na may rason si Ate kung bakit niya ako dinala dito. Sana matagpuan ko iyon.


Ang katapat ng balkonaheng ito ay ang Nocuous Forest. Sakop pa rin ng Cryptical Institute pero pinagbabawal raw ang mga estudyante doon dahil sa bali-balitang maraming rebels ang nakakapasok sa parteng iyon ng paaralan ayon kay Elisse. Oh diba, saglit pa lamang kaming magka-kilala ngunit ang dami kong nalalaman sakanya.

Sa di kalayuan ay may nakita akong lalaking nakahiga sa ilalim ng puno at natutulog. Kalmado ang maamong mukha niya at ang sarap titigan. Napabalikwas lamang ako sa pagtingin dahil bumukas ang pinto ng balkonahe at tumabi si Elisse sa akin.

Cryptical InstituteWhere stories live. Discover now