Chapter 3

9 0 0
                                    



I am still stunned about the revelation earlier. Hindi pa narerehistro sa aking sistema ang mga kaganapan na nangyari kanina. Kahit ako ay hindi ko inaasahang may natatago pala akong kapangyarihan because honestly, I feel like I am not special.

Paano ako naging isang Doyen?

Sa pagkakaalam ko ay simpleng mamamayan lang ng Devia ang aking mga magulang. My mom was a healer and my dad was a protector. Hindi kami dugong mayaman kaya nakapagtataka na ako ay isang Doyen, pinaka-makapangyarihang tao sa buong Devia.

Napatalon ako sa aking kinatatayuan nang bumungad sakin ang malakas na palakpakan ng mga tao. Narito kami ngayon sa Gymnasium ng Cryptical Institute, narito ang lahat ng mga estudyante dahil lahat sila ay pinatawag ni Professor Jester at Madam Serene.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Wala pa man din akong nagagawa para protektahan sila ay labis na ang kanilang suporta at pagmamahal sa amin. I know that we have so many duties and responsibilities to fulfill but I will always remember this moment.

I will risk my life, my everything, just to fulfill my promises to these people. It is a long term commitment but I will hold on until the end.

"Good morning Cryptians! Today is a historical moment for everyone because I am proud to say that we have a new Mighty Doyens!" Malakas na banggit ni Professor Jester.


"And because of that, we will double the security of the whole campus. We need your cooperation, is that clear?"


Sumang-ayon ang mga tao at ang iba ay may dala dala pang sarili nilang banner. Ang iba naman ay mukhang hindi natutuwa, well, ganon talaga ang buhay. Some will be happy over your sucess and some will envy you.

"Furthermore, we will have more trainings and sessions to deal with. Everyone must be safe because that is the main priority of these Doyens! To protect us from the Rebels!" Sigaw ni Madam Serene.

Ngumiti ako sa lahat ng tao. I will cherish this moment forever. Ngunit alam kong sa likod ng karangalang ito ay may mas mabigat akong responsibilidad hindi lang sa aking sarili kundi narin sa buong kaharian ng Devia. Ang isang malaking problema ay kung paano ko matutuklasan ang aking kapangyarihan.

I am so happy. Alam kong masaya rin ang katabi kong si Blaze ngayon. We are one, we are somehow connected and destined to be together. Kaya pala unang kita ko palang sakanya ay may iba na akong naramdaman. Parang matagal na kaming magkilala. Hindi ko siya gusto ha, hindi pa.


"I hate attention so much, it sucks.." Bulong niya sa isang gilid. I smiled, he is just a simple and mysterious creature living on earth. Hindi mo halata na siya ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong Devia dahil hindi niya kailanman ipinagmalaki ang kanyang estado sa buhay.


Pagkatapos ng pag anunsiyong iyon nila Professor Jester at Madam Serene ay dinala nila kami sakanilang opisina upang pag-usapan ang ilang bagay.


"With great power comes great responsibility." Pabungad na sabi ni Madam Serene.

Magkatabi kami ngayon ni Blaze sa sofa at katapat namin si Professor Jester at Madam Serene. She is holding something, more of like an old letter.

"This is the remarkable letter of the beloved King Arturius Sevana, the first Doyen living in Devia." Pinakita ito samin ni Madam Serene at ipinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.

"Nakasulat dito ang mga huling habilin at payo niya para sa mga susunod na Doyens na proprotekta at mamumuno sa buong Devia." Biglang singit ni Professor Jester, nakita siguro niya sa muka namin ni Blaze ang pagtataka.

Cryptical InstituteKde žijí příběhy. Začni objevovat