Chapter 1

22 0 0
                                    


Azalea's Point-of-View

Papalubong na ang araw at rinig na rinig ko na rin ang tawag sa akin ng naka-tatandang kapatid. Narito ako sa itaas ng burol malapit sa bahay namin, tila may enerhiyang humihila sa aking katawan tuwing mag-didilim para panuorin ang paglubog ng araw. I guess the sun is not just ravishing, it is also magical and bewitching.

"Azalea! Bumalik kana rito!" Dali dali akong tumakbo pababa sa burol at naabutan ko sa paanan nito ang aking kapatid na namumula na nakakunot ang magkabilang kilay.


"Mag ayos ka ng gamit mo. May pupuntahan ka, dalhin mo lamang ang mga importanteng bagay." Saad ni Ate Nadia.

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon dahil inaasahan kong sisigawan at papagalitan niya ako kagaya ng parati niyang ginagawa tuwing inaabot ako ng dilim sa burol. Nagtataka man ay sinunod ko ang utos niya. Noong namatay ang mga magulang namin, si Ate Nadia na ang nagpalaki sa akin.

Sampung taong gulang ako ng masaksihan ko kung paano pinatay ng mga masasamang Fiend o Evil Spirit ang aking magulang. Simula noon ay dalawa nalang kami ni Ate, mapalad ako dahil mas matanda saakin si ate ng sampung taon kaya naman hindi siya nahirapan sa pagpapalaki saakin. Dahil narin siguro sa pagiging Enchantress niya ay napadali ang aming buhay sa araw araw na nagdaan kahit pa isa lamang kaming hamak na ordinaryong mamamayan ng Devia.

Nakatapos ako sa pag-aayos ng gamit nang maramdaman kong umiilaw nanaman ang kwintas na galing kay Mama. Tuwing ganitong oras ay nagliliwanag ito, at hindi ko rin alam kung bakit. Isa ito sa mga pinaka-iniingatan ko dahil bago sila namatay ay binigay nila sa akin ito.

Kinuha ko rin ang mga importante kong gamit at nilabas na sa sala ang aking mga bagahe. Hindi ko man alam kung saan kami pupunta ay nakakatiyak naman ako na matagal ako doon. Nabanggit na ito ni Ate sa akin dati, na kapag tumungtong ako sa labing walong gulang ay ipapadala niya ako sa malayo.

Wala namang problema saakin dahil alam ko namang ang lahat ng gagawin niya ay para rin sa sarili kong kapakanan. Isa pa, bakasyon pa rin naman at sa isang linggo pa ang pasok dito sa Liberte isang bayan sa pinakadulo ng buong Devia.


"Nabanggit ko na sa'yo ito noon pa man. Mag-iingat ka Azalea. Mahal na mahal ka ni Ate, pagbutihan mo doon. Naniniwala ako sa kakayahan mo." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Mag-ingat ka din dito Ate, wag ka munang mag-aasawa ha! Kung san mo man ako ipapatapon, sana maayos doon! Mahal na mahal din kita!" Nangigilid man ang luha ko ay di ko na ito pinakita sa kanya. Kinuha niya ang wand niya at sinabi ang katagang, "Estefacius Retemorem!"


"Ano iyon ate? Baka mamaya gawin mo nanaman akong daga!" Isang beses na hindi kaagad ako nakauwi dahil pinaginitan ako ng Professor ko, ay ginawa niya akong daga ng isang araw. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko ang nakakadiring eksenang iyon.

"Nope. Palaka naman!" Sabi niya.

Parehas kaming natawa at nahinto lamang nang may marinig kaming malakas na busina. Tinulungan ako ni Ate sa pagdadala ng gamit ko palabas ng bahay. Bumungad ang isang magara at mamahaling Karwahe na gawa sa ginto at mamahaling materyales. Ang nagmamaneho ay naka-Warrior suit na puno rin ng kumikislap na ginto.

"Good evening Mireya's Residence, we are the Royal Warriors, fetching the new comer. Please entrust the safety of your sister to our hands."

Cryptical InstituteWhere stories live. Discover now