"Anong tinatawa-tawa niyo dyan?" Nakataas kilay na tanong ni bessy na lalong ikinatawa namin, ano bang problema nito ni bessy at napakainit ng ulo, tinatalo na ako sa pagkamainitin eh.
"Bessy ano bang nakain mo at ubod ka ng sungit ngayon? Baka maaga kang tumanda niyan," Natatawang sabi ko habang naglalakad kami papuntang parking lot. Napagkasunduan kasi nilang mag-punta sa isang Ice cream parlor, isa pa buong week naman kasi wala kaming gagawin na school stuffs.
Nagkatinginan naman si bessy at Stephan atsaka sabay na nag-iwas ng tingin at namula. Hmmm, ano kayang nangyari?
Maxine's POV
Nagkatinginan kami ni Stephan pero nag-iwas din ako agad ng tingin, huwaaaa! Namumula ba ako? Hindi Maxine, nangingitim ka. Shet na malagkit! Ito na ba ang epekto nung mga sinabi niya sa akin noong sabado? E kasi eh. Nakakabigla naman 'yon! Hindi ko din alam anong irereact ko non. Hay nako Maxine, huwag mo na nga iyong isipin!
"Tara bessy, gusto ko ng kumain ng Ice cream!!" Sabi ko atsaka hinila si bessy palayo sa boys nailing naman si bessy, binitawan ko muna ulit si bessy atsaka naman hinila yung tatlo. Jandi, Lisa at Stephanie. Kahit naman antaray nitong si Jandi sa akin eh parte pa din siya ng grupo namin, magkaibigan pa din kami kahit papaano.
"Aish! Ano bang problema mong malditang maliit." Agad ko namang binitawan si Jandi, ano daw? Ako? Malditang maliit!?
"Grabe ka sa maliit Jandi, maliit din ako hello? Natatamaan ako oh, ouch." Sabi ni Stephanie na sinabayan pa ni Lisa sa pag-arte. Nagpapatawa ba sila? Hindi nakakatuwa ah. Huwaaaa, Maxine ano bang nangyayari sayo at ang sungit mo. Huhu, baka ano.. malapit na siguro akong magkaroon. Oo tama. Yun nga 'yon.
"Hoy bessy, ano ba kasing problema mo?" taas kilay na tanong ni bessy, ayan na nagigig mataray na ulit siya, huhu. Sinilip ko muna yung boys, malayo pa naman sila sa amin at mukhang busy sila sa piang-uusapan nila.
"Bessy.. kasi.." Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin, nakakahiya kasi eh, tsaka baka asarin lang nila ako!! No, hindi ko muna sasabihin.
"Kasi nabubwisit ako! Hindi ko alam kung bakit! Kaya tara na, gusto ko ng kumain ng ice cream!" Inis kong sigaw atsaka sila tinalikuran at nauna na sa ice cream shop. Shit talaga, kasalanan 'to ni Stephan eh!!
F L A S H B A C K.
Pauwi na kami ngayon galing sa mall, nakakainis nga at nagkahiwa-hiwalay kami pagkatapos namin kumain, at double inis pa kasi si Stephan ang kasama ko ngayon, dapat pala nakipagpalit muna ako kay Stephanie, hiniram ko muna sana kahit saglit lang si Tyler. Azaaaar!!
"Hey babe, tara---"
"Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi babe ang pangalan ko?" Inis kong sabi sa kanya pero tinawanan lang ako ng mokong. Nakakaasar na ah!!
"Babe—" Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa nanaman siya. "Okay okay, pfft. Hindi naman kasi porke't tinawag kitang babe eh yun na yung pangalan mo." Tinaasan ko naman siya ng kilay, alam ko 'yon. Hindi niya ba alam ang salitang sarcasm? Duh.
"Babe, sa pagtawag ko ng babe sayo ako nagiging masaya." Tumawa nanaman siya, magsasalita na sana ako kaso pinigilan ako ng mokong, sinamaan ko nanaman tuloy siya ng tingin. Ano ba kasing piangsasabi ng playboy na 'to?
"Kasi, ikaw lang yung tinatawag kong babe, sa totoo lang. Baby madalas tawag ko sa mga nakakaflirt ko. Pero nung nakita kita? Babe agad ang naisip kong itawag sayo." Natatawa nanaman niyang sabi.
"Yung totoo? Kada ba magsasalita ka dapat may kasamang tawa?" inis kong sabi, naaalibadbaran kasi ako sa tawa niya eh.
"Natatawa lang kasi ako, ito kasi yung first time na magtatapat ako sa isang babae." Natahimik ako sa sinabi niya, t-teka. Tama ba ako ng dinig? Magtatapat? Sa isang babae?
"At ang mas nakakatawa pa, kinakabahan ako, kinakabahan ako ng sobra. Kaya dinadaan ko na lang sa tawa ang kaba ko." Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman sa sinasabi niya. Maniniwala ba ako? Prank nanaman ba 'to? Kasi.. kasi..
"Hindi ko alam bakit sayo pa, napaka sungit mo sa akin, napaka amazona mo. Para ka ngang hindi babae eh."
"Hoy! Babae ako ah!" Inis kong sabi at tumawa nanaman siya, nakakainis talaga!!
"I know, kaya nga ako nainlove sayo." Shit. Ano daw?
"Ilang araw din akong nagpractice sa pag-amin nito, hindi ko alam na lahat ng pinractice ko ay mauuwi sa ganitong pag-amin. Dapat din sa Ball pa ako magcoconfess, pero siguro si cupid na ang gumawa ng paraan para masabi ko lahat ng nararamdaman ko ngayon. Tsk, ang corny ko."
Nakatingin lang ako sa kanya, halata ngang kabadong kabado siya sa pag-aming ginagawa niya sa akin, pero.. pero hindi ko alam kasi natatakot ako, baka mamaya prank lang 'to.
"Alam kong hindi ka maniniwala agad, inaasahan ko na 'yon. Pero sana... sana bigyan mo ako ng chance, Maxine."
Bakit, bakit ganon? Ang sarap sa feeling nong binanggit niya yong pangalan ko. Ang sarap pakinggan, sana... sana totoo 'to, kasi.. kasi... baka masaktan ako kapag joke lang pala lahat ng 'to.
E N D of F L A S H B A C K.
"Bakit... namumula ka Maxine?" Napatingin naman ako kay Lisa nung sinabi niya 'yon, feeling ko nga nag-iinit yung mukha ko!! Nakakahiyaaaaa.
"A-ah, wala... mainit lang kasi.. uhm.. oo tama.." napatingin naman ako kay Stephan sa di ko alam na dahilan at ang mokong natatawa ba naman! Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin Stephan ha!?
--
4/3/16
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 16
Start from the beginning
