Una kong nakita ang North side. Napaikot ako para makita ang West side. Saktong doon tumama ang mata ko sa karatulang nagsasabing West side na ito. Napatakbo na ako para makapunta agad doon. Napapikit ako sa pagtakbo ko kaya hindi ko napansing may tao rin pala sa patutunguhan ko.

“Uy, Leigh! Dito ka rin.” Pamilyar ang boses kaya napadilat ako.

“Aly.” Napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang panginig nito.

“Uuwi ka na rin?” tanong niya at dumikit sa akin.

“Oo.” Shit. Pakiramdam ko hindi na ako makakasagot sa susunod niyang tanong.

“Ingat kayo ni Benj a!” magiliw niyang pagsasalita ulit. Gusto ko siyang paglakihan ng mata pero hindi ko magawa dahil baka makahalata siya. Nanatili na lang akong tahimik at binigyan siya ng ngiti. “Sayang talaga! Hindi pa naman kayo kasal ni Mr. Wong kaya pwede pa kayo ni Benj no!” Doon na ako napalaki ng mata sa kanya. “Joke!” dagdag niya agad. “Uy joke lang!” dinunggo na niya ako ng balikat niya.

Magsasalita na sana ako nang may humintong kotse sa harapan namin. Bumaba si Mr. Jimenez at agad na pumunta kay Aly. “Let’s go,” ani Mr. Jimenez.

Pinagmasdan ko ang kilos ni Aly at ngumuso siya sa akin. Napatingin naman si Mr. Jimenez sa ginawa ng asawa niya. Mr. Jimenez nods at me. Napatango rin ako. Muntik na ako matumba sa ngiting binigay niya sa akin. Damn. “You’re Leigh?” His brows creased at me. And I freaking swallow at that action.

“Yes, Mr. Jimenez,” I said formally.

Ang hirap tinitigan ni Mr. Jimenez dahil nakakatumba ang titig niya. Kaya kay Aly na lang ako tumingin at sumisilip sa labi niya ang isang ngiti.

“Call me Gideon. It’s okay.” Sa bawat sa pagsasalita niya parang gusto mo siyang titigan dahil nakakaakit ang postura niya. God. Bakit?!

“Gideon.” Napangiti siya sa pagsasalita ko. At pakiramdam ko napaliyad ako sa ngiti niya. Holy shit.

“Good.” Para siyang napanguso sa pagkakangiti niya. Kainis. Ganyan din si Benj kapag ngumingiti. Holy shit. Shit. “Are you with someone? Do you want—“ agad na napatigil si Gideon nang magpeke ng ubo si Aly.

“May kasama siya! Si Benj!” Nilalakihan ni Aly ng mata si Gideon na para mong may hinahatid itong mensahe gamit ang tingin niya. Nakuha naman hata ni Gideon iyon at napatango ito. “Sige Leigh! Ingat kayo ni Benj!” Binigyan na naman ako ng napakaganda na ngiti ni Aly na pati mata niya nakikisama sa pagngiti. Napatingin din ako kay Gideon na ngayo’y titig na titig sa asawa. Sa tingin lang na binibigay ni Gideon kay Aly parang ayaw na nito itong pakawalan. Inaangkin na niya agad ito sa tingin. And I wonder kung paano natatagalan ni Aly ang titig ng asawa niya nahalos magpalunod sa sobrang titig. Damn.

“Kayo rin. Thank you.” I said and smile.

Pero hindi pa rin natitinag si Aly at lumapit ang mukha niya sa tenga ko. “One lesson I learned about love: Bakit kailangang mo pang pahirapan ang sarili mo kung siya naman talaga?” Agad siyang lumayo sa akin. She waves at me. Habang ako nakatunganga at ramdam ang unti-unting pag-awang ng bibig ko. Nakita kong tumango si Gideon sa akin. Unang pumasok sa kotse si Aly kasunod si Gideon. Umandar ang kotse at iniwan nila akong nakatunganga sa isang direksyon.

Anong ibig niyang sabihin? Does she know? Gusto kong magpapadyak dahil sa iniwan niyang tanong sa akin. This gives me head ache. Damn. Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko dahil nilulunod ako ng mga posibilidad sa isipan ko.

“Tara na.”

Napadilat ako sa boses na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. “BENJ!” Para akong hingal na hingal sa pagsigaw ng pangalan niya. “Damn you.” I swear and he just laughs at me. Holy shit. “Ge!” napairap ako sa pagtawa niya sa akin. Kainis. Sino bang hindi magugulat sa bigla niyang pagsulpot at paghawak sa akin. Hindi ako tumingin sa kanya kaya napaharap siya sa akin. Bigla akong napatuwid ng gumala ang kamay niya sa likod ko. Ito na naman siya! Damn. Damn. Damn. Please.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now