Minuto ang nakalipas ay tanaw na namin ang lokasyon na tutunguhin namin, rinig ko ang tuwa at excitement sa boses ng mga kaklase ko.

Nilapag ko ang mga gamit ng dala ng makarating kami, mula sa kinaroroonan namin ay tanaw ang malinaw na dagat.

" Maari niyo ng hanapin ang mga kaparehas niyo ng kulay na nabunot para makapagsimula na kayo sa pagtatayo ng sarili niyong tent. Tandaan, kung may kasama kayong lalaki sa tent ay walang gagawa ng kababalaghan!" nagtawanan ang ilan sa tinuran ni prof.

" Mag iingat din kayong lahat, You can do whatever you want, you have two days break...enjoy your stay here guys good luck!"

Nag umpisa ng kumilos ang iba para hanapin kung sino ang makakasama nila sa tent.

Nakita ko si Kristina na nakasimangot sa magiging katabi. Naghanap ako ng mauupuan at pinanood sila,sino kaya ang mga kasama ko?

Nakaramdam akong may tumabi sa akin, umusog ako para makaupo siya. Nalanghap ko ang halimuyak ng pabango niya, nanlaki ang mata ko ng lingunin ito.

"W-Willert?" ngumisi ito.

" Hi?" nagawi ang tingin ko sa papel na hawak niya saka bumaba sa papel na hawak ko.

" Violet d-din sayo?"

" Uhuh." tumingin ito saglit sa akin at pinanood din ang iba, napaurong ako ng konti ang maramdaman ang kakaibang pakiramdam sa pagitan namin.

" Willert!" napalingon ako sa gawi ni Throi.

" Tara na," lumapit sa amin si Throi at inaayang umalis si Willert.

"No," napalingon ako sa katabi ko.

" Bakit?" napakunot ang noo ni Throi. Itinaas ni Willert ang hawak niyang papel.

" Don't tell me?" napatakip ng bibig si Throi na tila gulat na gulat.

" nakipagpalit ka? ayaw mo sa green?sayang magkakasama sana tayo nila Dwayne," napatingin sa hawak kong papel si Throi.

Dahan dahang kumurba ang isang ngisi sa labi nito at napalatak ng hiyaw.

" Sinong violet dito?!!!?" naagaw ng pansin namin ang isang matinis na sigaw.

"Uyy Kaicey," may kakaibang ngisi si Throi sa labi.

" Eto oh, Si Willert at Ataska ." napalingon sa'min si Kaicey.

Napalunok ako ng tignan ako ng masama ngunit nabawi din ng magawi ang tingin nito sa katabi ko.

'Oh my ghadddd!!" tumakbo ito palapit sa amin at kumapit agad kay willert.

Napasinghap ang ibang babae at nagbulong bulongan, napayuko ako ng samaan nila ako ng tingin.

"I guess, tatlo lang tayo," nag angat ako ng tingin kay Willert.

Nagsimula kaming mag luto ng hapunan ng matapos makapagtayo ng tent.

Todo kapit si Kaicey kay Willert na parang tuko, napaismid ako. Binaling ko ang tingin kay Willert na inaalis ang braso ni Kaicey at nakangisi.

Pumasok ako sa loob ng tent at inayos ang mga gamit ko, iniwan ko silang dalawa doon.
Tinignan ko ang kabuuan ng tent.

Hindi ba awkward na tatlo kaming magtatabi dito? well, sanay naman akong may katabing lalaki dahil kay kuya.

Kaso hindi ko maimagine na si Willert angmakakatabi ko, pwede magback out? tapos kasama pa si Kaicey, baka war lang ang mangyari sa amin.

Lumabas ako ulit ng marinig ang mataray na sigaw ni Kaicey,nagmadali akong lumabas. Naabutan kong nag uumpisa ng kumain si Kaicey habang si Willert ay nanatiling nakaupo na tila may hinihintay.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now