CHAPTER 79: THE WEDDING

Start from the beginning
                                    

"Itigil nyo yan!!!" galit na sambit ni Marky.

"Ano ito?" sambit ng isang bisita.

Lahat ng tao nagbubulungan.
Lahat ng tao naguguluhan.

"Nasaksihan ko po kung paano pinatay na Sir Marky ang mga magulang nya. Nakita ko kung paano nya ito inilibing sa basement ng mansyon nila," dagdag na sambit ni Inday.

"Oh my God kriminal sya," sambit ng isang babae.

"Akala ko mabuti syang tao," sambit pa ng iba.

"PWEDE BANG ITIGIL NYO ANG KASINUNGALINGANNA ITO!!!" galit na galit na sambit ni Marky na animoy nawawala na sa kanyang sarili.

Hanggang sa maramdaman kong nasa tabi ko na si Darling at Baby.

"Lahat ito nasasaksihan ng buong Pilipinas," sambit ni Baby.

"Pagkatapos nito wala ka ng mapupuntuhan," sambit ni Darling

Hanggang sa isang lalaki naman na nakafull face mask ang lumabas sa monitor.

"Isa ako sa tauhan ni Marky at isa rin ako sa napag-utusan nyang sunugin ang mental hospital na pagmamay-ari nila," sambit ng lalaki.

"WHAHAHHAHAHAHAHAHAH ITIGIL NYO YAN!!!" nagwawalang sambit ni Marky.

Hanggang sa isa pang nakamask na lalaki ang lumabas sa monitor.

"Matagal ng drug user si Marky Tejano. Hindi lang sya drug user isa rin po syang drug lord. Marami na syang drogang ipinakakalat hindi lang sa loob ng bansa maging sa labas. At atuwang nya sa gawain na ito ay si Ferdinand Alonzo," sambit ng nasa monitor.

"Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon," sambit ng isang bisita.

This time napatingin si Ferdinand kay Baby.
Ang mga mata nya ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Baby.
Hanggang sa naglabasan ang mga kapulisan pinalibutan nila si Marky at maging si Ferdinand ay tinutukan nila ng baril.
Samantalang ang mga ibang tao ay nababalot ng takot ng dahil sa mga nangyayari

"Marky Tejano at Ferdinand Alonzo inaaresto namin kayo dahil sa patong pato na kasong nakahain sa inyo," sambit ng isang pulis.

Kasabay ng pagtutok ng mga baril ng kapulisan kay Marky at Ferdinand.
Ang pagtaas naman ng mga kamay ni Ferdinand bilang senyales na sumusuko na ito.

"Sumusuko na ako!!!" sambit ni Ferdinand.

Sa puntong ito nabaling ako ng tingin kay Baby na alam kong nabibiyak ang puso sa mga nangyayari.
Hanggang sa nilapitan na ng mga pulis si Ferdinand at mabilis itong pinasosan .
At mabilis ding lumapit sa kanya si Baby upang yakapin ito.

"Nandito pa rin ako bilang anak nyo. Aakayin ko kayo para tulungan magbago at magsimula ulit," umiiyak na sambit ni Baby.

Tanaw ko naman si Mommy  Queeny na umiiyak din habang pinapanood ang nasasakatan nyang anak.
Hanggang sa mapako ang tingin ko kay Imelda na galit na galit sa akin.

"Salamat anak, patawarin mo ako," umiiyak na sambit ni Ferdinand.

Matapos ang yakapan nila inakay ng mga pulis si Ferdinand.
Hanggang sa bahagya nyang tumigil sa harap ko.

"Alagaan mo ang anak ko. Mahal na mahal ka nya. Kung sakaling magiging anak uli kita pangako ipararamdam ko na sayo ang pagmamahal ng isang Ama," sambit nya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya napatango nalang ako sa kanya.
May galit at awa akong nararamdaman para sa kanya.
Hanggang sa tuluyan na syang binitbit ng mga pulis.
Ang nakakapagtaka lang bakit nag paiwan si Imelda dito at bakit punong puno ng galit ang tingin nya sa akin.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now