CHAPTER 48: JEALOUSY

1.5K 44 0
                                    

JEYDEIB POV

Nandito kami ngayon sa room ni Quen kasama ko sila Anerish, Dj at Inigo.
Wala ang parents ni Quen dahil may napakahalagang busssines meeting sila ngayon.
Kaya kameimuna ang mag-aalaga sa kanya.

Tulog na tulog si Inigo dahil magdamag nyang hinintay na magising si Quen.
Pero di pa rin sya gumigising pero sabi ni Doc normal lang yun at anytime naman daw gigising na sya.

"Daddy, Kamusta na po si Tito Quen?" tanong sa akin ni Dj.

"Son ok na sya. He just need some rest," malambing na sagot ko sa kanya.

Lumapit naman sa akin ,si Anerish at tumabi sa kinauupuan ko samantalang kalong-kalong ko naman si Dj.
Hanggang sa marahanag minamasahe ni Anerish ang balikat ko.

"Jeydeib ko, kaw kailangan mo rin ng magpahinga," maamong sambit nya.

"Hindi ok lang,"walang ganang sagot ko.

Hanggang sa dumating si Alas at Darling este Georgina pala.
Bumaling ng tingin sa akin si Georgina.
Bakas sa mata nya na malungkot sya.

"Oh, It's that you Anerish?" gulat na tanong ni Alas kay Anerish.

"Yes and you are?" nakangiting sambit ni Anerish.

Kilala ng mga Kuys ko si Anerish.
Dahil sa mga kwento ko tungkol sa kanya.
Pero di pa kilala ni Anerish ang mga Kuys ko.

"I'm Alas Ace Montereal but just call me Alas," pakilala ni Alas.

Nabaling ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay ni Georgina.
Wow huh!!! napatawad na ni Alas si Georgina after ng pangloloko nya.
Sabagay mabuting tao siya madali lang para sa kanya ang magpatawad.

Hanggang sa marahang lumapit si Anerish patungo kay na Alas at Georgina.

"Oh nice meeting you Alas and ikaw yung sinungaling na babae kanina," sambit ni Anerish habang nakatingin kay Georgina.

"Daddy paalisin mo yang girl na yan bad sya," sambit ni Dj.

Bakas sa itsura ni Georgina ang pagkapahiya.
Samantalang si Alas batid mong punong-puno ng pagtataka.

"Daddy? Anak mo sya Jeydeib?" nagtatakang tanong ni Alas sa akin.

"Yeah, Anak namin sya ni Anerish, by the way Georgina bawal ka dito diba," naiinis na sambit ko.

Naiinis ako dahil sa ginawa nya kay Anerish
Pero mas naiinis ako dahil hawak hawak nya ang kamay ni Alas.

"I cant believe but still Kuys congrats, pero hindi mo pwedeng paalisin si Baby," seryosong sambit ni Alas.

"Baby? Girlfriend mo sya?" nagtatakang tanong ni Anerish.

"Hindi pa pero malapit na," sambit ni Alas sabay tingin kay Georgina.

"And kayo? Ano kayo ni Kuys?" usal ni Alas.

Bakas mong hindi mapakali si Georgina sa sitwasyon ngayon.
Dali-dali akong tumayo at hinawakan ang kaliwang kamay ni Georgina.

"Lets go mag usap tayo," sambit ko.

Ramdam kong nanginginig sya habang hawak hawak ko ang kaliwang kamay nya.
Hawak naman ni Alas ang kanang kamay nya.

"Kuys naandito kami para kay Quen," sambit ni Alas.

Imbes na umimik ako hinila ko si Georgina pero hinila rin sya ni Alas.
Nagkatitigan kami ni Alas bakas sa mukha nya ang pagkainis sa inaakto ko ngayon.

"Kuys nandyan si Anerish at ang anak mo. So ano ito?" inis na tanong nya sa akin.

Bumaling ako ng tingin kay Anerish at Dj.
Halata mong sobra silang naguguluhan sa mga nangyayari.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now