CHAPTER 49: SUNDALO

1.5K 55 0
                                    

JEYDEIB POV

"JD please wag mo na akong saktan," sambit nya sa naiiyak na boses.

Naipikit ko nalang ang aking mga mata.
Tama ang desisyon nya dahil sino ba naman ang gustong palagi syang masasaktan.

"Then I will stay away from you, pinalalaya na kita," sambit ko sa nadudurog na boses.

"Pinalalaya kita hindi dahil hindi na kita mahal. Sumusuko na ang sundalong ito hindi dahil ayaw ko nang lumaban. Pinalalaya na kita dahil mahal na mahal na mahal na kita. At kung ito ang paraan para sumaya at hindi ka na masaktan then I love you and goodbye," sambit ko sa nabibiyak na tono.

Nagkatitigan kami.
And I know that this is the last time na matitigan ko sya at  malalapitan ko sya.

"JD please wag mo na akong saktan pero alam ko, ramdam ko mas masasaktan ako kapag lumayo ka," naiiyak na sambit nya.

Gusto nya akong manatili.
Handa syang masaktan para sa akin.
Oh Lord, I dont deserve this kind of lady.
Na kahit paulit-ulit ko ng sinaktan handa pa ring magpatawad at tumanggap.

"Sigaw ng isip ko tama na, bitaw na pero nagsusumamo ang puso ko na kapit lang, kaya pa. Hindi ko alam pero gustong gusto kong masaktan basta nasa tabi lang kita," sambit nya na punong puno ng emosyon.

"Darling you want me to stay huh?" nagsusumamong tanong ko sa kanya.

Napatango sya at bahagyang pinahiran ang luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata nya.

"Kasalanan bang hilingin kong manatili ka kahit na magiging kaagaw kita kay Anerish at sa anak mo?" nasasaktang sambit nya.

Lumapit ako sa kanya habang nakaluhod.
Hinaplos ko ang mukha nya at pinawi ang mga luhang kanina pa umaagos.

"Kaya kong maging isang mabuting Ama-amahan kay Dj kaya kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang tunay na ama,"  mahinahong sambit ko.

Bakas sa mukha nya ang pagtataka.
Na animoy napagtanto na nya na hindi ko kadugo si Dj.

"Kasabay nun kaya ko ring gampanan ang pagiging bestfriend ko kay Anerish at higit sa lahat araw araw ipararamdam ko sayo na sayung-sayo ang buong ako. Sayo pa  rin ako uuwi, sayo pa rin ako babalik at sayo pa rin ako ko," malambing na sambit ko.

Bahagya ko syang niyakap kasabay ng paghalik ko sa noo nya.

"Then Mr. Smith please stat with me, please," mahinahong sambit nya.

This time bahagya rin syang yumakap sa akin.

" Darling, Thank you . Yes I will stay forever. Itutuloy ko ang laban hindi lang kay Inigo at Alas, but the most important is ipaglalaban kita kay Marky," sambit ko na pursigidong ipaglaban sya.

"Anong gagawin mo?" sambit nya.

"Hahanapin ko sya ,ang sundalong ito ay handang lumuhod at magmakaawa kay Marky para palayin ka na nya. At kung hindi sya pumayag Darling, ang sundalong ito ay handang handang pumatay para mapalaya kalang," sambit ko

Oo handa akong maging kriminal para sa kanya.
Walang sinuman ang makakapigil sa akin.
Hindi ko hahayaan ang sinuman kahit na sarili ko pa ang makapanakit sa kanya.

"Wag ka ng mangako dahil alam ko mauuwi yan sa sorry in short promissory," pabirong sambit ko kanya.

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.
Humarap ako sa kanya habang hawak ang mukha nya.

"Darling, this time mangangako ako sayo sa harap ni Lord," sambit ko.

Tumunghay ako sa langit at alam ko nakatingin lang sa akin si Darling.

"Lord, I dont deserve her. Sobrang ganda nya inside and out while me sobrang sama ko!!!" sigaw ko kay Lord.

"Lord, paulit-ulit ko na syang sinaktan and hindi nya po deserve yun .I am a man that full of imperfections but help me to be the perfect man for her. Tulungan nyo po ang sundalong ito na ipaglaban  hanggang kamatayan ang pinakamamahal nya!!!" sigaw ko kay Lord na punong puno ng pagsusumamo.

Bumaling ulit ako ng tingin sa kanya.
This time mas maaliwas na ang itsura nya.
Umiiyak pa rin sya pero ibang iyak kumpara kanina.

"Darling, hayaan mong ang sundalong ito ay humarap sa gera para ipaglaban ka. Hayaan mong ang sundalong ito ay lumaban para sayo bitbit lang ang pagmamahal bilang sandata nya. Hayaan mong ang sundalong ito na pumatay para mabuhay ka ng malaya at masaya. At hayaan mo ang sundalong ito na ibuwis ang buhay nya para sayo," malambing na sambit ko sa kanya.

Nagkatitigan kami ng ilang minuto.
At niyakap ko sya ng mahigpit and this time hindi ko na sya pakakawalan pa.
Pero kung dumating sa puntong kumawala sya sa akin.
Hayaan nyo ang sundalong ito na barilin ang kanyang puso ng sa ganoon makalaya sya.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now