CHAPTER 54: ROUND 4

1.7K 52 6
                                    

GEORGINA POV

Bakas sa mukha ni Quenito na nasiyahan sya sa paparty namin.
Pagkatapos namin magmensahe para  sa kanya may konting palaro at kainan din ngayon
kwentuhan naman.

"Ok ok tama na ang tsismisan dahil ngayon din natin gagawin ang Round 4 sa kumpetisyon para kay Queen G, "sambit ni Beshiemon

"Beshiemon para kay Quenito ang araw na ito," angal ko.

Isang pilyang ngiti ang nanggaling sa kanya.

"Kaya nga isasali natin si Quen para mas lalo syang mag-enjoy," sambit nya with ngiting nakakaloko.

"Sige isali natin si Quen pero saling ketket lang huh," parang batang sambit ni Baby.

"Eh anong gagawin magba-basketball ba kami?" medyo mapang-asar na sambit ni JD.

Nagkatitigan sila ni Quenito.
Yung titig ni Quenito parang papatay ng tao.

"Just kidding Kuys," medyo natatawang sambit ni JD.

"Ano bang challenge yan?" hirit ni Inigo.

"Hindi ako sasali," maawtoridad na sambit ni Quenito.

Sa isip ko, Dapat ngang sumali si Quenito para kahit papaano hindi masyadong mastress kailangan nyang maglibang.
Lumapit ako sa kanya at marahang kong idinikit ang bibig ko sa tenga nya.

"Kapag hindi ka sumali ipagkakalat kong jutay ka," medyo natatawang banta ko.

Dahan dahan syang tumingin sa akin.
Yun mukha nya sobrang namumula at bigla nalang syang pinagpawisan.

"Fine sasali na ako," napipilitang sambit nya.

Lahat kami nakaupo sa sofa at si Quenito sa wheelchair nya katabi ko.
Si Beshiemon naman ay nakatayo sa harap namin.

"Ganito ang ating Round 4 tatawagin natin itong Hugot King," sambit nya habang lakad professor pa.

"Di ko gets," hirit ko.

"Sa larong ito hugot at kalandian lang ang puhuna nyo. May dalawa lang tayong rounds ang elimination at final round," paliwanag nya.

Wow huh pinagisipan nya talaga ang round na ito.

"Then what?"mataray na sambit ni JD.

"Sa elimination round bubunot kayo ng makakalaban nyo. Bibigyan ko kayo ng topic at ipaglalaban nyo, debate in short,"seryosong sambit nya.

Kailangan pala talagang kasali si Quenito para sakto sila.

"Cool," hirit ni Baby.

Patuloy lang kami sa pakikinig kay Beshiemon.

"Kung sino ang mananalo sa elimination round silang dalawa ang maghaharap sa final round. Puro kalandian ang ihihirit nyo kay Queen G in short pick up line battle," sambit nya.

"Whhoohh paano ako mananalo naman ako malandi," hirit ni Inigo.

Sa isip ko, Talaga lang Inigo huh, hindi ka pa malandi sa lagay na yan matapos ang lahat.

"Ako ang magdedecide kung sino ang mananalo sa elimination at si Queen G naman sa final round," dagdag ni Beshiemon.

Nagkatitigan naman kaming lahat at tumango pero lang kay Quenito.
Pero no choice sya, nasasabik na ako na humugot si Quenito.

Matapos ang bunutan ang magkalaban ay si Baby at Inigo, si Jeydeib at si Quenito.
Pumunta na sa gitna si Baby at Inigo .
Samantalang kami nakaupong panonoorin sila.

"Magbato-bato piks muna kayo kung sinong matalo sya ang team HINDI at sya rin ang mauuna," sambit ni Beshiemon.

Nagbato-bato piks ang dalawa at ang  nanalo ay si Baby.
Ibig sabihin teamOo si Baby at teamHindi si Inigo na sya rin ang mauuna.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now