CHAPTER 20: LAGUNA

2.1K 99 3
                                    


GEORGINA POB

Nandito na kami sa isang barrio sa Laguna.
Napakaganda ng tanawin, mabubundok, mapupuno at higit sa lahat sariwa ang hangin.

Sila Mommy busy sa paghahanda para sa lunch at pagpapakilala sa akin sa mga kamag anak nila.
Gago kasi itong si Alas tingnan ko lang kung hindi ka pa umamin sa Mommy mo sa mga gagawin ko sayo.

Nandito kami ngayon sa may ilalim ng puno nakahiga at ang sarap sa feeling.

"Alam mo ba dito ko lumaki?" sambit ni Alas habang nakapikit.

"Promdi ka pala," pangaasar ko.

"Oo naman proud ako dun," sambit nya.

Hanggang sa may mga batang nagdatingan .

"Ate ,Kuya laro po tayo," sambit ng isang batamg babae.

Bumangon naman ako at si Alas sa pagkakahiga namin.

"Sige anong laro?" tanong ni Alas with ngiting napakainosente pa.

Sa isip ko mabuting Anak at kapwa si Alas magaling sya makisama.
Kahit sikat sya bilang freelancer model ang humble humble pa rin nya.

"Tumbang preso po," sambit ng isang bata.

"Sali ako ,sali ako," pagpupumilit. ko

"Marunong ka ba?" tanong ni Alas with taas kilay pa.

"Oo naman itutumba mo lang yung preso," sagot ko.

"Teka lang nasaan yung preso?" nagtatakang tanong ko.

"Baliw," sambit ni Alas with matching kagat labi pa.

Tumayo si Alas at inalok nya ang kamay nya para makatayo rin ako.

"Mga bata tuturuan natin si Ate Gale kung paano laruin yan ah," sambit nya sa mga bata.

Habang tinititigan ko si Alas napangiti nalang ako dahil ramdam ko ang pagmamahal nya sa mga bata.

"Pahiram kami ng tsinelas ng Ate Gale nyo," sambit nya.

Inabutan naman sya ng isang pares ng pambatang tsinelas ng mga bata.

"Oh," sabi nya sabay abot ng tsinelas sa akin.

Kinuha ko ang tsinelas at akmang huhubarin ko na ang sapatos ko pero pinigilan ako ni Alas.

"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong nya.

"Gago kaba? Edi isusuot itong binigay mong tsinelas," pambabara ko.

"Hahahahahaha," tawa nya pati na rin yun mga bata nakisabay sa pagtawa nya.

"Pamato natin yan hawakan mo tapos ibabato mo doon sa lata, ok,"sambit nya.

"Ok sinong taya? Punta nadun," sambit ni Alas sa mga bata sabay turo dun sa pwesto ng lata.

May nagpuntang bata palapit sa latang nakatayo at pinatungan ito ng tsinelas .
Lumapit naman sa likod ko si Alas.

"Tuturuan kita," mahinahong sambit nya.

"Ok," matipid na sambit ko.

Si Alas ay nasa likod ko kumbaga parang niyayakap nya ako. Hinawakan nya ang kamay ko na may hawak na tsinelas.

"Itong hawak mong tsinelas ibabato mo doon sa may lata, asintahin mo para mapatumba mo yung lata tapos tatakbo ka papunta dun at kukunin mo ulit yung tsinelas mo bilisan mo lang para hindi ka maabutan ng taya ok?" sambit nya.

Sobrang bango ng bibig ni Alas .
Pagkatapos nyang sabihin yon lumayo na sya sa akin.

"I cheer nyo ang Ate Gale nyo,"utos nya sa mga bata.

"Go Ate Gale!!!" sigawan nila.

Inasinta kong mabuti ang lata at sabay hagis ng tsinelas at "boooooooooommmmm".
Tinamaan,tinamaan yung mukha ng batang taya.

"Hmmmmmhaaaawwhaah!!!" atungal nung batang tinamaan ko sa mukha.

Napabaling ako ng tingin kay Alas at namumutla sya.

"Ano yun? Sabi ko yung lata hindi yung mukha,"reklamo nya.

Dali dali lumapit sya sa kinaroroonan ng bata at kinarga ito at sumunod naman ako.

"Sorry toto hindi sinasadya ng Ate,"pagpapatahan nya sa bata.

Unti unti tumahan yung bata at nagpababa kay Alas.

"Ayaw ko na sayo sumbong kita kay Lola," sambit ng bata sa akin sabay takbo palayo..

"Yan tuloy iba nalang laruin natin," sambit ni Alas.

"Kuya ten twenty tayo,"sambit ng batang babae.

Medyo marunong naman ako ng ten twenty kaya naexcite ako.

"Sige ikaw at si Alas ang taya," sambit ko.

Nag-nod naman yung bata.

"Marunong ka?" tanong ni Alas with taas kilay pa.

"Ako pa?"pagyayabang ko.

Pumuwesto na yong dalwa sa loob ng garter at binanat ito.
Pumasok naman ako sa loob nito.
Ito na nga nagsimula na akong tumalon .

" 10, 20,30,40,50,60 ,70,80,90,100,110,120,130," bilang ko habang tumatalon.

Hanggang sa nagtawanan ang mga nanonood sa amin at si Alas na nasa harap ang cute habang nagpipigil ng pagtawa.

"Hindi naman ganan. Tanga ka ba? Natalon ka lang naman sa loob ng garter tyaka hanggang 70 lang yun eh,dito ka ikaw ang taya," sambit ni Alas.

Sa isip ko mali pala ang turo sa akin ni Beshiemon na dapat daw tatalon lang sa loob tapos kailangan makaabot sa 1000, baliw talaga si beshiemon.

Tumalon si Alas palipat lipat sa garter at sa bandang dulo ay tinapakan nya ito sa makatuwid para syang bakla.

"Ang galing mo Kuya Alas,"sambit ng bata

"Ate tawag na po kayo ni Aling Queeny,"sambit ng isang bata.

"Sige,"sambit ko.

Tiningnan ko si Alas na pinagpapawisan lumapit ako ng konti sa kanya at pinunasan ang pawis nito.
Bahagya naman syang natulala sa ginawa ko.

"Tara na,"sambit ko.

Nag-nod nalang sya at habang naglalakad kami patungo sa bahay na tinutuluyan namin may napansin akong isang ilog.
Napahinto ako at napapatitig sa ilog.

"Mauna kana, pagmamasdan ko lang itong ilog saglit," sambit ko kay Alas.

Napatango nalang sya sa sinambit ko.

"Sige bilisan mo huh?" sambit nya at tuluyan na ngang umalis.

Lumapit ako sa ilog,napakalinis nito at napakaganda.
Napaka hinahon din ng alon ng tubig dito.
Sa isip ko ang sarap sigurong manirahan dito.

At sa isang iglap may yumakap mula sa likod ko, backhug kumbaga.
Sa isip ko si Alas ito nangtitrip na naman sya, yari ka sa akin.

"Baby, sabi ko sayo susunod nalang ako," sambit ko na medyo natatawa.

Bigla nalang pinatong nya ang baba nya sa kanang balikat ko.

"Kailan pa naging Baby ang tawagan natin Darling huh? bulong nya sa nakakaakit na paraan.

Nanlamig ako,kinabahan at nanghina.
Anong ginagawa nya dito...?

TO BE CONTINUE...

MS. A NOTES

WAG PO SANA NATING KALIMUTANG MAG-VOTE AT COMMENT

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now