CHAPTER 66: KAPATID PART 2

1.1K 34 0
                                    

GEORGINA POV

Humagulgol pa rin si Mommy  Queeny sa pag iyak habang yakap yakap si Baby.
Habang tulala at halata mong naguguluhan at nalilito si Baby.
Ako naman hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalalan

"Di ba Mommy hindi totoo ang mga narinig ko," sambit ni Baby sa nadudurog na boses.

Pero hindi makasagot si Mommy Queeny.
Malakas ang pagiyak nya habang mahigpit na kayakap si Baby.
Nang biglang kumalas si Baby sa pagkakayap kay Mommy Queeny at lumapit sa akin.

"Baby hindi tayo magkapatid huh, hindi tandaan mo," sambit nya sabay haplos sa mukha ko.

Hindi ko alam pero sobra akong nasasakta ngayon.

"Ilang beses akong niloko ni Alexander," naiiyak na sambit ni Mommy Queeny.

Napabaling kami ni Baby ng tingin kay Mommy Queeny.

"Ako, si Alexander, si Imelda at Ferdinand ay matatalik na magkakaibigan," dagdag ni Mommy Queeny.

Walang umiimik sa aming dalawa ni Baby.
Tanging mga iyak lang at buntong hininga ang aming lang nagagawa.

"Pero noon palang may gusto na sa akin si Ferdinand. Hanggang sa  dumating sa puntong nangaliwa si Alexander at isinumbong sa akin ito ni Ferdinand," umiiyak na sambit ni Mommy Queeny.

Noon palang pala may connection na ang buhay namin ni Baby.
At ngayon nabubunyag na ang lihim ng nakaraan.
Bahagya namang hinawakan ni Baby ang kaliwang kamay ko.

"Nagkaroon ng kabit si Alexander at Elle. Sobra akong nasaktan noon nagpakalulong ako sa alak sinubukan ko rin humithit ng droga para makalimot.Noong oras na yun si Ferdinand ang kasama ko nadala ako ng alak at droga naakit nya ako kaya may nangyari sa amin," umiiyak na usal ni Mommy Queeny.

"One night nabuo ako wow," maangas na sambit ni Baby.

Kinapitan ko ang kamay ni Baby ng mas mahigpit.
Dahil alam ko anytime baka may bumigay sa amin.

"Nang dahil sa nangyari nabuntis ako. Ang alam ni Alexander sya ang ama pero hindi ako sigurado kaya pinagtabuyan ko si Ferdinand siniraan ko sya kay Alexander hanngang sa makalayo kami," patuloy na umiiyak na sambit ni Mommy Queeny.

This time para akong nauupos na kandila dahil sa mga naririnig ko.
Niloko ni Papa si Mama ng dahil kay Mami Queeny.
At may posibilidad na kapatid ko nga si Baby

"Hindi naman pala kayo sigurado na anak ako ni Ferdinand eh," naiiyak na sambit ni Baby.

Dahan dahan lumapit si Mommy Queeny kay Baby.
Napabitaw ako sa pagkakahawak ko kay Baby.
Hinaplos ni Mommy Queeny ang mukha ng umiiyak nyang anak.

"Hanggang sa makalayo kami pero hindi pa pala naputol ang ugnayan ni Elle at Alexander. Nabuntis si Elle kasabay ng pagbubuntis ko . Noong araw na manganganak sya pinuntahan sya ni Alexander at ng dadalhin na nya si Elle sa hospital naaksidente sila lahat sila namatay. Kasabay noon ang pagsilang ko sayo," umiiyak na sambit ni Mommy Queeny.

"So paano ako naging anak ni Ferdinand kung hindi nyo naman alam?" sambit ni Baby in a frustrated tone.

Sobra akong nanghihina ngayon.
Dahil nasa parte na kami ngayon ng kwento kung saan magbabago ang lahat.

"Ayaw kong ipaDNA ka pero hindi ako matahimik kaya pina DNA kita at napatunayan kong si Ferdinand ang ama mo," sambit ni Mommy Queeny.

Napalupage ako sa buhanginan matapos kung marinig yun.
Nanghihina ako sobra.
Nanloko si Papa kay Mama.
At nagkaanak pa sya.
Dapat ba akong matuwa dahil kapatid ko si Baby pero bakit parang nagluluksa ako ngayon.

"Isang malaking kasinungalingan pala ang buhay ko. Akala ko may mabait akong ama. Pero pareho  lang silang manloloko," wala sa sariling sambit ni Baby.

Tinitigan ko sya ang joker na nakikita ko ngayon ay alam kong nangangailangan din ng isa pang joker para mapatawa sya.

"Sorry Bunsoy," iyak na sambit ni Mommy Queeny.

"Sorry dahil anak ako sa pagkakasala. Sorry dahil parehong nakiapid ang mga magulang ko. Sorry dahil pinaasa nyo ako na mayroon tayong masayang pamilya. Para saan Mommy ang sorry mo?" sambit ni Baby in a frustrated tone.

Niyakap naman sya ni Mommy Queeny.

"Ni minsan hindi kita tinuring na anak sa labas. Dahil ikaw yung pinakamagandang blessing sa buhay ko. Ayaw kitang saktan pero ngayon Bunsoy kahit masakit para sayo kailangan itigil mo yang nararamdaman mo para kay Georgina," sambit ni Mommy. Queeny

Kumalas si Baby sa pagkakayakap ni Mommy Queeny.
Lumapit sya sa akin at tinulungan akong makatayo.
Dahan dahan nyang pinahid ang mga buhangin na kumapit sa damit ko.

"Baby," naiusal ko ng wala sa sarili.

Anong gagawin ko? nalilito ako.
Kapatid ko ba talaga ang taong minamahal ako ng higit pa sa lahat.

"Bunsoy mali na mahalin mo sya," sambit ni Mommy Queeny.

"Mommy mas masakit na niloko mo ako, mas masakit na kapatid ko si Baby pero alam mo kung ano ang pinakamasakit na baka ikamatay ko pa eh yun at ang mawala si Baby sa buhay ko," sambit ni Baby habang nakatitig sa akin.

Nanginginig ako, natatakot ako.
Sabi ng isip ko maling mali pero sigaw ng puso ko mas mali kung iiwan ko sya sa ganitong sitawasyon.

Kumuha sya ng panyo sa bulsa nya at dahan dahan pinahiran ang mga luha ko .
Inayos nya rin ang magulo kong buhok.

"Bunsoy, pwede ba tigilan mo na yan hindi ko kayo hahayaang magmahalan pa ng higit  pa sa magkapatid. Hindi rin  papayag ang ama nyo at higit sa lahat diba Georgina mali ito," pagsusumamong sambit sa akin ni Mommy Queeny.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot kay Mommy Queeny.
Dahil tama sya mali na ibigin pa ako ng kapatid ko.
Hanggang sa mabilisan isang iglap hinila ako ni Baby.
Pero bago pa man kami makalayo pinigil ko na sya

"Baby," yun lang ang nasambit ko.

"Baby magtiwala ka lang sumama ka sa akin," pagsusumamo ni Baby.

"Bunsoy saan mo sya dadalhin?" hirit ni Mommy Queeny.

"Dadalhin ko sya sa sinasabi nyong Ama namin. Pupunta kami sa Ama namin at hihingin ko sa kanya ang kamay ng kapatid ko," maangas na sambit ni Baby.

Halos kilabutan ako sa marinig ko.
Ipaglalaban nya ang pagmamahal nya sa kabila ng pagiging magkadugo namin.

"Bunsoy kasalanan ang gagawin mo," umiiyak na sambit ni Mommy Queeny.

"Oo alam ko kasalanan yun.Patawarin sana ako ni Boss kung ipaglalaban ko sya. Labag man sa batas handa akong labagin ito. Mali sa paningin ng iba para sa akin ito ang tama. Tutulan nyo man ako  pasensya na Mommy walang makakapigil sa akin. Handa akong iwan ang lahat handa akong magkasala para sa kanya," malambing na sambit ni Baby.

Hanggang sa hinila nya ulit ako .
Pero pinigil ko ulit sya dahil kasalanan ito.
Dahan dahan nyang hinaplos ang mukha ko.
Ang kaninang mata nyang puno ng galit ngayon ay puno ng pagsusumamo.

"Baby ngayon mo ba ako iiwan kung kailan haharapin ko ang pinakamasakit na parte ng buhay ko?" sambit nya in a frustrated tone.

Kaya ko bang iwan ang taong ito kung kailan kailangan nya ng kasama.
Kaya ko bang iwan ang taong puro pagpapasaya ang ginawa para sa akin.

"Georgina please wag," sambit ni Mommy Queeny.

Dahan dahan kong pinikit ang aking mga mata.
Hanggang sa naaalala ko lahat ng pinagsamahaman namin.
Tama kailangan humarap na ako kay Papa.
Kailangan ko ng paliwanag at higit sa lahat kailangan ko ng karamay.
Sa ganitong sitwasyon na kaming dalawa ang nagdudusa sa kasalan ng nakaraan.
Kailangan namin ang isat isa .

Kayat tumango ako sa kanya.
Kasabay nun ang pagtuklas pa sa maraming katotohanan.
At pagtuklas pa kung ano nga ba si Baby sa puso ko.
Napangiti sya at hinila ako ng madalian.

"BUNSOY!!!" sigaw ni Mommy Queeny.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now