CHAPTER 46: TRUE COLORS

1.6K 46 0
                                    

GEORGINA POV

Nag-iinat na ako medyo tanghali na rin pala.
Bumangon ako sa aking kinahihigan at dumiretso patungo sa harap ng salamin.

"Welcome back Georgina Alonzo," sambit ko sa sarili kong repleksyon sa salamin.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.
Napakaganda ko talaga pero sa kabila ng gandang ito ang masalimuot na buhay ko.

Hanggang sa matapos ang pag-aayos ko sa aking sarili, ay napagdesisyunan kong maglinis nalang ng unit.
Nang sa ganoon pagdating ng aking apat na Boss ay maginhawaan naman sila.
Pagkalabas ko sa aking kwarto ang sumalubong sa akin si Alas na nasa salas.

Seryoso syang nakaupo sa sofa.
Bumaling sya ng tingin sa akin.
Bakas sa mukha nya ang maraming katanungan.

"Lumapit ka umupo ka dito," mahinahong utos nya.

Sumunod naman ako, umupo ako sa sofa na kaharap nya.
Tinitigan nya ako at ganun din ako sa kanya.

"Mula umpisa naging tapat at totoo na ako sayo tapos yun pala manloloko ka," sambit na medyo may bahid ng pagkagalit.

"Sorry," yun lang ang naiusal ko

Dahil sobra akong nahihiya kay Alas.
Totoo sa kanilang apat ramdam ko na sya ang pinakatapat sa akin.

"Bakit naman ganun? Pinaglaruan mo kami eh," sambit nya in a frustrated tone.

"Hindi, hindi ko kayo pinaglalaruan," depensa ko na medyo nangingiyak na.

"Eh anong tawag mo dito huh?" sarkastikong sambit nya.

Siguro ito na yung tamang punto para magpakilala ako sa kanya.
Ito na yun tamang oras para itama ko ang mga pagkakamali ko.

"Ako si Georgina Alonzo, nag-iisang anak nila Ferdinand at Imelda Alonzo," naiiyak na kwento ko sa kanya.

Nakatitig lang sa akin si Alas na animoy naghihintay ng kasunod.

"Mayaman kami pero mas gusto pang yumaman at mas maging makapangyarihan ni Papa. Kaya kahit na ako mismong anak nya ay naibenta kay Marky," naiiyak na kwento ko.

Bakas sa mukha nya na naaawa sya sa akin.

"Pinilit nila akong pakasalan si Marky pero tumakbo ako. Hindi ko kayang pakasalan ang isang taong hindi ko mahal," sambit ko.

"Bakit sa amin ka nagpunta? Bakit dito?" naiinis na tanong ni Alas.

"Hindi ko intensyon yun, si Beshiemon ang nagplano nun, oo kailangan kong magdisguise dahil natatakot akong makita ni Marky," paliwanag ko sa kanya.

Nakatitig lang sya sa akin at ako naman ay umiiyak lang sa harap nya.
Alam kong hindi sapat ang dahilan ko para isali sila sa problema ko.

"Magkano ka ba?" naiiyak na tanong ni Alas.

"Huh?" nagtatakang tanong ko

"Ako na ang  bibili sayo.  Handa akong magbayad sa Mama at Papa, at kahit na pati kay Marky," naiiyak na sambit nya.

Napahagulgol ako sa sinambit nya.
Napakabuti nyang tao, niloko ko na nga sila pero handa pa rin nya akong tanggapin

"Bati na tayo," parang batang sambit ko.

Unti-unti lumapit sya sa akin.
Lumuhod sya sa harap ko pero halos ang magkapantay lang din ang mukha namin.
Pinunasan nya ang mga luha ko.

"Oo pero sa tatlong kondisyon," seryosong sambit nya.

Napatango nalang ako sa kanya.

"Una, bawal ka ng magdisguise dahil gusto ko si Georgina Alonzo ka na," malambing na sambit nya.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now