CHAPTER 79: THE WEDDING

1.8K 39 4
                                    


GEORGINA POV

Tinitigan ko ang kabuuan ko sa salamin.
Napakaganda ko sa wedding gown na suot ko.
Napakasimple lang din ng make up ko kaya lutang lutang ang natural kong ganda.
Ngunit sa kabila ng ganda ko nababalot ang mukha ko ng lungkot at takot.

Dahil ito na yung araw na ikakasal kami ni Marky.
Ito na yung araw na lalabas ang resulta ng mga plano at aksyon na ginawa namin at gagawin pa namin.
Hanggang sa may luhang pumatak sa aking mga mata.
Dali dali ko itong pinahiran dahil kailangan ko ngayon ang maging malakas ako.

Hanggang sa nilibot ko ang aking paningin at natuon ang mga mata ko kay Baby Ace at Darling Koh na nasa kama ko.
Marahan akong lumapit sa kanila at umupo sa kama .
Bahagya kong tinitigan ang dalawa at hindi ko maiwasan mapangiti.
Binuhat ko si Baby Ace at marahan ko itong hinalikan.

"Baby Ace alagaan mo ang ate mo huh pati na rin ang Daddy mo. Maging masunurin tsaka wag mo nang magpapaligaw. Tandaan mo mahal na mahal ka ni Mommy," puno ng emosyon na sambit ko kay Baby Ace.

Matapos ko syang hagkan at yakapin, marahan ko syang binaba.
At nabaling naman ako kay Darling Koh.
Hindi ko naman mabuhat si Darling Koh dahil sa sobrang laki nito.
Kaya hinaplos ko na lamang sya.

"Darling Koh wag mong aawayin si Baby Ace huh. Ikaw ang ate dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya. Wag mo ng  magbo-boyfriend at kung magbo-boyfriend ka is yung dapat katulad ng Daddy mo, wag lang masyadong selfish. Tandaan momahal na mahal rin kita," sambit ko kay Darling Koh sabay halik dito.

Hanggang sa may kumatok na sa pinto.

"Baby ready kana ba?" napakalambing na tanong ni Baby.

Bahagya akong napangiti ng marinig ang boses nya.

"Oo lalabas na ako," sambit ko.

Bahagya ko pang-inayos ang aking sarili.
At bago lumabas ng kwarto kinuha ko ang flower bouquet na nakapatong sa table.
Ito ang magiging sandata ko sa laban kay Marky.
Nang lumabas ako sa kwarto si Baby at si Darling ang nadatnan ko.
Ngiti ang salubong nila sa akin.

"Why so damn beautiful huh?" natulalang sambit ni Darling sa akin.

"Kuys for sure mas gaganda pa yan sa araw ng kasal namin," hirit ni Baby.

Nanlisik lang ang tingin ni Darling sa kanya at ganun din naman si Baby.

"Shut up, Let's go Darling sabik na sabik na akong agawin ka kay Marky," sambit ni Darling sabay alok ng kamay nya.

Bahagya namang tinabig ni Baby ang kamay ni Darling.
Kaya mas lalong nanlisik ang mga mata ni Darling kay Baby.

"Sabay natin syang aagawin kay Marky, pagkatapos nun Kuys sa akin mo naman sya aagawin, yun nga lang kung maagaw mo pa sya," mayabang na sambit ni Baby.

"Tama na nga yan," awat ko sa dalawa.

Bahagya silang bumaling ng tingin sa akin.
Mga seryosong tingin na parang binabasa ang nasa isipan ko.

"Bakit ang lungkot mo Baby? Ito na yung araw na makukulong si Marky pati na rin ang Ama ko," malungkot na sambit ni Baby.

Mas lalo akong nalungkot sa sinambit ni Baby.
Dahil alam ko sabik din syang mag ka Ama pero dahil mabuti syang tao handa nyang isuko ang Ama nya para mapagbayaran ang mga kasalanan nito.

"Don't be afraid, planado ang lahat, Darling," pagsusumamo ni Darling.

Napatango ako sa sinambit nya.
Alam ko namang malinis ang pagpaplano nila .
Pero takot pa rin ang nanaig sa akin ngayon.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now