CHAPTER 79: THE WEDDING

Începe de la început
                                    

"By the way si Inigo, paano sya?" nagaalalang tanong ko.

"Kinausap na namin si Mr.Park at sisiguraduhin daw nyang magiging ligtas si Inigo," sambit ni Baby.

Isang ngiti ang sinukli ko sa sinambit ni Baby.
Sana tuluyan ng makaligtas si Inigo .

"Tayo na," yaya ni Darling.

"Sige pero pwedeng bang group hug muna tayo," naiiyak na sambit ko sa kanila.

Bahagya silang nagkatitigan.
At sabay rin silang tumango bilang pagsangayon sa kagustuhan ko.
Hanggang sa niyakap ko na ang dalawang mokong na ito.

"Mamimiss ko ito," nagpipigil iyak na sambit ko.

"Anong mamimiss mo after this, pagnakatakas kana segu-segundo pwede mo akong yakapin," hirit ni Baby.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa dalawang mokong na ito.

"Kayong dalawa alagaan nyong mabuti si Baby Ace at Darling Koh. Wag nyo silang papaluin .Kung sakaling magmahal na rin sila gusto ko suriin nyong maigi ang magiging kasintahan nila. Pero higit sa lahat dapat makapagtapos muna sila ng pag-aaral," puno ng emosyon na bilin ko sa kanila.

"Pwede ba wag kang ganan parang iiwan mo kami eh. Sabay nating palalakihin si Darling Koh huh," sambit ni Darling in a frustrated tone.

"Baby naman, tayong dalawa ang mag aalaga kay Baby Ace. Kaya hayaan mo nalang si Kuys na alagaan ang anak nya," sambit ni Baby.

Hanggang sa bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanila.
Isang nagaalalang tingin ang sinalubong nila sa akin.

"Tara na," sambit ko sabay ngiti.

Napatango nalang ang dalawa.

"Ako na ang magbibitbit nan," sambit ni Darling sabay turo sa bouquet na hawak ko.

Maigting akong umiling at itinago ang bouquet na hawak ko.
Kasabay ng paglakad at pang iiwan ko sa dalawa.
Ramdam ko namang sumunod lang sila sa akin.
Hanggang sa ilang minuto lang nakarating na kami sa bridal car ko.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Baby.
At dali dali akong sumakay dito samantalng silang dalawa ni Darling ang nasa front seat.
Si Darling ang nagmamaneho ng sasakyan.
Buong biyahe nabalot ng katahimikan hanggang sa nandito na kami sa may simbahan.

Bumaba na silang dalawa sa sasakyan at pinagbuksan naman ako ni Darling at inalalayan pababa.

"Don't be scared please masasaksihan na nilang lahat kung gaano kasama si Marky at Ferdinand, " malambing na sambit ni Darling.

Napatango nalang ako sa sinambit nya.

"Baby tayo na, " sambit ni Baby.

Kaya dali dali naglakad ako patungo ng simbahan.
Hanggang sa makarating ako sa entrance nito.
Nagsimula na ang entourage kasabay ng pagtugtog ng Thinking Out Loud ni Ed sherran.
Alam ko naman na nasa likuran ko lang si Baby at Darling .

Hanggang sa matapos nang mag-martsya ang mga abay at ninong at ninang namin.
Sa gitnang parte ng simbahan kung saan sasalubungin ako ni Ferdinand at Imelda .
At sya rin magiging simula ng kaguluhan.

Hanggang sa nagsimula na akong magmartsa .
Kasabay ng tinginan sa akin ng mga bisita.
Tanaw ko rin ang labis na ngiti sa mukha ni Marky.
Hanggang sa tumigil ang tugtog kasabay ng pagtigil ko sa paglalakad.
At nabuhay ang monitor sa kanang bahagi ng simbahan.
Sa monitor nag play ang isang video at isang babae ang nagsasalita.

Lahat ng tao lahat ng bisita ay napabaling ng tingin sa monitor.
Maging si Marky ay punong puno ng pagtataka.

"Ako po si Inday dating yaya nila sir Marky Tejano. Marami kong nalalaman tungkol sa pamilya ni Sir Marky. Marami syang illegal na gawain pero may isa pa syang krimen na ginawa na hindi ko kinaya kaya tumakas ako sa kanila," naiiyak na kwento ni Inday.

MY 4 BAD BOSSESUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum