CHAPTER 74: BABY ACE VS DARLING KOH

Start from the beginning
                                    

"Anong kinikilig ka dyan. Mag drive kana Manong," asar na sambit ni Baby.

Hanggang sa nagkatitigan silang dalawa.
Na animoy anytime magpapatayan na.

"Mamaya lang baka dumating na si Marky. Kung hindi pa tayo aalis baka hindi natin masulit ang araw na ito," sambit ko sa kanilang dalawa.

Pareho namang napabuntong hininga ang dalawa.

"Fine ako magmamaneho basta si Alas dun uupo sa frontseat," sambit ni JD.

"Tsk oo na, kahit na alam kong gusto akong makatabi ng manyakis kong Baby," nagtatampong sambit ni Baby.

Hanep talaga ang kayabangan ng mokong na ito.

"Sige na alis alis, tsupe mga alakad," maarteng sambit ko sa kanila.

At bumaba na nga ang dalawa at nagsilipat sa unahan.
Nagsimula ng magmaneho si JD samantalang si Baby pasulyap sulyap ng tingin sa akin.
At after ng ilang minutong biyahe na sa may mall na kami.

Maraming nagsisitinginan sa amin lalo na ang mga kababaihan.
Halata mong kinikilig sila sa dalawang mokong kong Bodyguards.

"Baby wag kang magselos huh kung maraming mata ang sumisilay sa akin," bulong sa akin ni Baby.

"Tara na Darling," yaya sa akin ni JD sabay alok ng kamay nya.

Pero bago pa ako makareact bigla nalang akong hinila ni Baby.

"Tara Baby taguan natin si JD," sambit sa akin ni Alas habang hinihila ako patakbo kaya medyo napaptakbo rin ako.

Pero mabilis naman kaming naabutan ni JD at hinila rin nya ang isang kamay ko.
Ngayon magkabilang kamay ko ang hawak ng dalawa.

"Hey, You ano ka bata para magtatakbo sa mall," inis na sambit ni JD kay Baby.

Isang mayabang na ngisi naman ang nanggaling kay Baby.

"Pake mo hahahhahah at dont worry Kuys dahil sa sususnod na tumakbo kami tandaan mo hindi mo na kami maaabutan," makahulugang sambit ni Baby.

Ramdam ko ang tensyon sa dalawa.
Kasabay ng mga bulungan ng mga tao.

"Kahit ilang beses mo pa syang itakbo o kahit ninuman. Hindi mapapagod ang sundalong ito na maghabol sa pinakamamahal nya," seryosong sambit ni JD.

Hanggang sa pilit akong hinila ni JD pero nakikipaglaban din si Baby.
Ngayon para silang nagta-tug of war.
Ngunit nagpumiglas ako sa pagkakahawak nilang dalawa.

"Pwede ba kung magaaway kayo iwan nyo nalang, " mataray na sambit ko sabay ng pangiiwan ko sa kanila.

Naglakad-lakad ako at ramdam kong nakasunod lang ang dalawa sa akin.
Hanggang sa pumasok ako sa isang clothing store.
Hanggang sa lumapit na sa akin ang dalawa na batid kong hindi na makatiis.

"Sorry," sabay nilang sambit with matching pouty lips pa.

Pero hindi ko sila pinansin bagkus nag patuloy ako sa pagtingin ng mga damit.
At yung dalawang mokong nasa tabi ko lang ng biglang may sumulpot na sales lady.

"Hi po Maam and mga Sir, Ano pong hanap nyo?" kinikilig na sambit ng saleslady habang palipat lipat ng baling ng tingin kay JD at Baby.

"Miss wag kang kiligin sa akin. Dahil wala kang karapatan, si Darling lang ang may karapatang kiligin sa akin," mataray na sambit ni JD sa saleslady.

Medyo napangiti ako sa sinambit nya.
Pero medyo naawa rin ako sa saleslady.
Hanggang sa inakbayan ulit ako ni Baby.

"Miss ok lang kung kikiligin ka. Basta nang dahil sa aming kasweetan ng Baby ko," malanding sambit ni Baby.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now