CHAPTER 54: ROUND 4

1.7K 52 6
                                    

"Ipaglalaban mo pa ba ang relasyon nyo kahit paulit-ulit ka nalang nasasaktan?" sambit ni Beshiemon.

Humarap si Inigo kay Baby.
Bakas sa mukha nila ang matinding pag-iisip.

"Mga Kuys, Pakinggan nyong  mabuti ang aking sasabihin. Huwag ng ipaglaban ang taong sinasaktan ka lang.Dahil kung sinasaktan ka lang nya tanggapin mo na ang katotohanang HINDI KA NYA MAHAL TALAGA," sambit ni Inigo.

May point sya dun pero gusto ko ring marinig ang depensa ni Baby.

"Yow yow yow yow, Kuys kung ayaw mo lang ding masaktan edi wala ka ring karapatang magmahal," depensa ni Baby na animoy rapper.

Magaling si Baby dun ah.

"Tuloy Go!!!" sigaw ni Beshiemon

Napakagat sa labi si Inigo.
At halata mong nagiisip talaga.

"Kuys ok lang ang masaktan ka ng isang beses ,dalawang beses tatlong beses. Pero Kuys, kung paulit-ulit na, magpahinga ka naman.Magtira ka naman para sa sarili mo," sambit ni Inigo.

"Hahhahaahhahah Sige magpapahinga ako, magrerecharge ako pero lalaban ulit ako, bakit? Dahil kapag mahal mo walang sukuan," nakangising sambit ni Baby habang nakaharap kay Inigo.

Lahat kami ay naaaliw sa larong ito.
Pareho silang magaling pero mas gusto ko ang mga sagot ni Baby.

"Kuys kung nasasaktan ka na tama na, katangahan na yun eh. At tandaan mo hindi kumpetisyon ang katangahan kaya wag mong galingan," nakangising sambit ni Inigo.

"Kuys wag kang mag-alallaa sanay na akong magpakatanga, sanay na akong masaktan.Dahil sa sobrang sanay na ako ineenjoy ko nalang," natatawang sambit ni Baby.

"Wow," hirit ni JD.

Lahat kami humahanga sa dalawa.
Parehong may laman ang mga salitang binibitawan nila.

"Kuys kung ako sayo magmamahal ka ng tapat at totoo pero hindi sa taong iiwan at sasaktan ka lang," hirit ni Inigo.

"Sabi nga nila masasaktan ja ng isang tao kapag mahal mo sya.Kaya kung paulit-ulit akong masasaktan dahil sa kanya isa lang ang ibig sabihin nun mas mahal ko sya kesa pa sa aking sarili," sambit ni Baby.

Bahagya syang tumigil sa pagsasalita.
Bahagya syang bumuntong hininga.

"Wala kung pake kung pinaiiyak nya ako,wala akong pake kung sinasaktan nya ako.Dahil kapag mahal mo mahal mo BOOM!!!" dagdag ni Baby with matching boom effect pa.

Napatawa nalang kaming lahat sa kakulitan ni Baby.
Sobrang cute at ang galing nya.

"Kuys naman kapag patuloy mong ipagpilitan masakit na.Kaya kung ako sayo makipaglandian ka nalang para walang sakitan," pilyong sambit ni Inigo.

"Hahahahahajah kaya Kuys di ba pagkatapos mong ipagpilitan kasunod nun sarap na.Kaya kung kailangan ipagpilitan ko para marating ang walang humpay na ligaya gagawin ko.  At kapag mahal mo ipaglalaban mo, " hirit ni Alas

Nagsipalakpakan kaming mga manonood  at tumayo na si Beshiemon.
Pumuwesto sya sa pagitan ni Baby at ni Inigo.
Hinawakan ngy ang kamay ng dalawa.

"And the winner is teamOo ,Alas" masayang sambit ni Beshiemon sabay taas sa kamay ni Alas.

Sobrang saya ni Alas at si Inigo naman nakangiti lang kahit natalo pa.
Bumalik sa pagkakaupo sila Baby at Inigo dahil sila Quenito at JD naman ang maghaharap.

Bahagya kong itunulak si Quenito sa una kaharap ni JD.
Ganun pa rin ang patakaran ng laro.
Nagbato-bato piks sila at si Quenito ang nanalo.
It means teamOo sya at teamHindi si JD.

MY 4 BAD BOSSESKde žijí příběhy. Začni objevovat