Journal 2- Entry # 2

5 1 0
                                    

"Hey! Tinatawag na tayo ni Hitler, better drag your ass out there bago ka pa niya singhalan" nakangisi nitong pahayag bago tuluyang umalis sa may hamba ng pinto.

Napa-irap nalang ako bago sumunod rito. Hitler ang tawag ni Thys sa mayordoma namin sa dorm.Her name is Madam Maligaya, she's intelligent, she's beautiful, and she's also strict, pero kahit na ganoon she was a mother figure to all of us, well except for Thys kasi instead na maging nanay she was more than a nagging older sister to her kaya ayaw na ayaw niya ito. Well nakakapanghinayang lang na tumandang dalaga si Madam.

I was in my deep thought ng may kumalabit sa akin sa likod. Pagkalingon ko may isang highschooler ang nakita ko doon na nakatayo.

"Uhmm. Ate nahulog niyo po" My eyes instantly went down to the brown notebook she's holding. Agad ko naman itong kinuha at nagpasalamat bago kumaripas ng takbo ang babae.

Napabuntong hininga naman ako. Mukhang nahulog ito sa mga gamit na hawak ko ngayon. I am so engross sa notebook na yon na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Thys.

"What's that?" Tanong nito.

"Something I wrote two years ago" sagot ko sakanya bago tumalikod para hindi na siya magtanong muli...

-----------------------
Entry # 2

August 11, 20××

Dear Heart,

Alam mo bang ang saya saya ko ngayon. At alam ko rin na masaya ka para saakin.

Well kasi naman I met this random girl sa school, hindi siya yung friendly type na madali lang lapitan, she's a loner actually, pero kahit na ganon I really want to talk to her kahit saglit lang.

I thought wala nang chance para makausap ko siya so pinagpawalang bahala ko nalang. But then nakita ko ulit siya sa cafeteria, wala siyang katabi that time at ang table niya rin lang yung may bakante pang upuan, so kahit na nahihiya ako lumapit ako sa kanya. I do not know what happen after that kasi ang natatandaan ko nalang, nagtatawanan na kaming dalawa.

It was so fast, just a minute before were just both strangers but after that parang kilala na namin ang isa't isa. Sabi niya gusto niya rin daw ako sana maka usap but then hindi niya rin daw alam kung papano. Well her name is Mash Manao, may pagkaboyish but I don't really care, kaibigan ko na eh.

PS. Well hindi ko na nakikita si ex bestfriend, after junior high di na siya nagparamdam. Hindi ko alam kung bakit ko pa to sinasabi pero bigla nalang pumasok sa isip ko. Well whatever.

Dear Little Heart (Friendzone Diary)Where stories live. Discover now