Entry # 19

4 1 0
                                    

March 26, 20××

Dear Little Heart,

Patapos na ang school year, at marami naring nagbago.
I can't imagine na sa loob lang ng ilang buwan magbabago na ang takbo ng buhay ko. Sa ilang buwan na iyon iba't ibang emosyon ang ipinaranas saakin.

Tanggap ko na. Yes the pain is still there pero kinakaya naman. Wala na akong naririnig mula sa kanilang dalawa. Di narin ako nagtatatanong pa.

Ang alam ko lang wala pang sila.

Well actually ako mismo ang umiiwas sa mga usapin tungkol sa kanila. I don't know if I'm still the bestfriend. Masyado ata siyang busy, minsan ko lang mahagilap. Yes, we still talk from time to time. Yun ay pag nagkakasama kami at wala yung guy.

The funny thing is hindi ko maamin sa kanya na isang plano lang ang naglapit sa kanilang dalawa. Hindi ko maamin na joke ko lang noon ang mga bagay na sinabi ko sa kanya. Hindi ko naman maamin kasi naging totoo na.

Alam kong bata pa ako at ang gusto ko lang sana ay mamuhay ng mapayapa tulad nalang ng isang normal na estudante. Ngunit kaakibat ata ng pagiging normal ang pait at pasakit.

Little heart tinanong kita noon kung love nga talaga ang nararamdaman mo noon at umasa ako na sana hindi. Siguro ang tingin nila na sa edad ng 14 mararanasan lang ng isang teenager ang puppy love, like o infatuation.

Pero noon ko pa hinihiling na sana nga ganon, sana nga lilipas rin, sana nga mawawala.

Ngunit hindi.

Pag-ibig, walang pinipiling oras walang pinipiling edad, walang pinipiling katayuan sa buhay, walang pinipiling height, weight o ano pa mang mga rason kung bakit nagkakagusto ang isang tao.

I can't fathom that in a short span of time I fell inlove with a boy. A boy that is not the right man for me. Love is a very complicated word, a very dangerous feeling but a very meaningful experience. I am just a kid like everybody is, like everyone has, and like the younger generation will experience.

Now, I don't really understand why, what and how to feel when it comes to love. No scratch that. Maybe I have understood, because even though I am young I can already weigh my decisions and I am already responsible for my feelings and actions.

What I don't really know is what can I do and how can I face these complications in this little thind called love. I want to know the answer but not right now.

This time, ayoko munang isipin ang mga bagay na ito. Sinimulan ko nang umiwas di papanindigan ko na.

Masyado pa akong bata para maging bitter. Haha tama naman diba?

Dear Little Heart (Friendzone Diary)Where stories live. Discover now