Chapter 3

34 0 0
                                    

Ilang summers na ang nakalipas at ganoon lagi ang kanilang ginagawa. Araw-araw silang nagkikita at gumagawa ng mga makabuluhang bagay sa kagubatan. Marami rin siyang natutunan sa buhay ng mga yokai at kung paano sila nakakapagtago sa mga puno't kakahuyan.

Habang nasa isang puno si Haru, hindi nito maiwasang mapaisip sa sinabi ng fox spirit no'ng nakaraang araw.
"Nako, Jin!" Sabi ng fox spirit at hinarangan nito si Jin kay Haru.
"Ano bang iniisip mo? Tao yan. Hindi ka niya pwedeng makasalamuha. Alam mo ang mangyayari pag hinawakan mo siya diba?"
Hinawakan naman nito ang balahibo ng yokai at parang pinapaamo nito ang kalagyan niyon.
"Okay lang ako Yoru. Hinding-hindi niya ako hahawakan. Hindi ba Haru?"
Tingin nito kay Haru at binigyan ito ng isang ngiti.

"Hmm. Hmm." Tumango ito ng buong-buo.
"Huwag mong hahawakan si Jin." Sabi ulit ng yokai at tumakbo na ulit ito pabalik sa kakahuyan.

"Ah. Haru anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Jin at napagtanto ni Haru na wala pala ito sa sarili niya.
Nakabaligtad kasi ang posisyon nito sa puno. Nakaup-side down ang posisyon niya.
"Wala lang." She said with a blunt and blank face.
"Ah. Bumaba ka na diyan malapit ng maputol ang kahoy na pinagbibitinan mo patiwarik."
"Mamaya ---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin at tuluyan na ngang naputol ang kahoy. Nahuhulog na si Haru at muntikan na siyang masalo ni Jin pero bumagsak naman ito sa mga malalambot na damo.

Binigyan niya ito ng blunt face pero napagtanto rin naman niya kung bakit hindi siya nito sinalo.
"Jin."
The masked boy looked at her with curiousity.
"Kahit anong mangyari don't ever touch me okay? Please?" At hindi na nito napigilan ang pagdaloy ng mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
"Oo. Promise Haru."
Umiyak lang ito ng umiyak hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak. Bumalik na ito sa dati nitong kalagayan na laging palangiti at masaya sa kanyang kapaligiran.

~•~

"Auntieeeee hindi ba puwedeng ituloy mo na lang?" Pagmamaktol ko. I can't help but fall in love with their story. Ang ganda nemen kese eh.
"Hindi talaga puwede Mira. Hahahahah sorry." Sabay peace out ni Auntie.
"Pero diba Auntie tama naman ang hinala ko? Story niyo yung dalawa ni Jin?"
"Hayst. Oo na nga. Storya naming iyon dalawa ni Jin."
"WAAAAAHHHH KINIKILIG AKO SA INYONG DALAWAAA." Tili ko. 13 years old pa lamang ako at hindi ko pa alam kung ano ang kahihinatnan ng storya nilang dalawa.

"Ne ne ne, Auntie nakita mo na ba itsura niya? Diba pag nagkikita kayo lagi lang siyang nakamaskara?"
"Sa next summer mo pa malalaman. Hahahahahhaah."
"Auntieeee."
"Promise sa next summer. Lahat ng mga itatanong mo sasagutin ko."
"Promise po yan Auntie ah."
"Oo. Oh ayan na ang sundo mo. Magkikita ulit tayo next summer."

Hinalikan ko sa pisngi si Auntie at niyakap. Mamimiss ko siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay na iwanan siyang mag-isa ulit at babalik lang ako next summer. Pagkatapos ko ng college dito agad ako maghahanap ng trabaho para malapit na ako sakanya.

~•~

Buong school days, ang kwento lang nila ang naiisip ko. At ang nakakapagtaka, nasaan na si Jin? Hindi ba dapat kasama niya si Haru? Haysst. Baka siguro sinusupresa lang nila ako? Tanong ko dati nung hindi ko pa alam ang ending ng storya nila.

Masyado lang ata akong maraming iniisip sa story :< naeexcite lang naman ako eh.

Pagkagising ko, winter na. Kaya anlamig-lamig ulit ng paligid.
"Uy Kaguya, dahan-dahan baka madulas ka."
Napunta ulit ako sa reyalidad. Napansin ko nga na madulas.
"Tara alalayan kita." Hinawakan ni Riku ang kamay ko at inilalayan ako sa paglakad.
"Pwede namang Mirako na lang diba?"
"Mas sanay ako sa Kaguya."
"Ok bahala ka."

Iniisip ko, kamusta na kaya si Auntie Haru? Ginawan ko siya ng tatlong scarf at isang sweater. Marunong ako mag-knit kasi tinuruuan ako ni mama. I hope okay lang si Auntie Haru.

Dumating na ulit ang summer at medyo napaaga ang dating ko dahil sa sobrang excitement.

"Auntieee Haruu andito na ako."

"Oh andito ka na pala." Masayang sabi ni Auntie.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung nakita ko siya. She look so pale and skinny.

Agad-agad kong niyakap si Auntie. Umiyak ako. Hindi ko alam pero sana hindi tama ang hinala ko. Hindi. Hindi ko pa kayang mawala si Auntie sa buhay ko. Hindi puwede.

"Auntie, magpachemo ka. Ayoko pang mawala ka Auntie."
"Hindi na Mira. Alam kong mawawala na rin naman ako makikita ko na ulit si Jin. Pero..."
"Pero? Ano po iyon?"
"Tatapusin ko na ang storya. Sasabihin ko na ang karugtong at katapusan ng storya naming dalawa."

Miracle In Her WishesWhere stories live. Discover now