"Romeo, hindi naman 'yung amount nito ang importante sa 'kin. The one who bought this? 'Yun ang mas mahalaga sa 'kin." kinikilig na sabi nito as he gave him the tightest hug he could ever give. "Thank you. I love you,"

"I love you too," Terrence answered him back sabay halik sa pisngi ni Vice.

Vice has never been this showy to him in front of others. Maski sa harap nga ng mga kaibigan ay naiilang siyang lambingin si Terrence. Ngayon, he already has the courage to show everyone who really wants to be with. Hindi na siya nakakaramdam ng hesitation dahil alam niya, at sigurado siyang for good na ang pagbabago na ginagawa ni Terrence.

"Tita, para po sa inyo." Terrence said sabay abot ng dalawang paper bags kay Nanay Rosario. Buong puso naman itong tinanggap ng matanda.

"Salamat anak," the old woman said.

"Bakit kay nanay dalawang paper bags? Bakit sa akin isa lang?"

"Wag kang atat, babe. May pahabol ako diyan," hinila ni Terrence ang kasintahan at bumulong sa mga tenga nito. Sa kilos na iyon ng binata ay hindi naiwasan ni Vice ang mamula.

"Adi! Adi! No gift for Niyebe?" nagtatakang tanong ni Snow dahil lahat ng tao sa loob ng bahay ay may hawak ng mga regalo maliban sa kaniya.

"Wala. Hindi kita love," Vice told her.

Bakas sa mukha ng bata ang lungkot. Napayuko ito na tila nahiya at lumapit nalang kay Terrence upang magpabuhat.

"No gift for Niyebe, Papa?" tanong nito sa isa pang ama na parang anytime ay iiyak na.

"Pst? Don't cry! Syempre hindi ka naman makakalimutan ni Daddy." mabilis na bawi ni Vice bago pa man bumunghalit ng iyak ang anak.

Snow wiped the sides of her eyes at lumipat ng karga kay Vice.

"Diba you told me, you want to have a princess' house?"

Noong nasa Canada pa ay walang ibang hiniling si Snow kundi ang Princess House na noo'y nakita niya kay Mishy, her friend. Since medyo mahal ang pinapabili ng anak at pinipilit nga nilang maging praktikal, pinakiusapan ni Vice na pag uwi na lamang nila ng Pilipinas niya pagbibigyan ang hiling ng bata. Besides, they'll be having a hard time na isakay sa eroplano ang laruan na mas malaki pa sa anak.

"Did you buy one for me?"

"Because you've been a good girl, yes! Binili na ni Daddy 'yung princess house na gusto mo." nakangiting sagot ni Vice. "Let's go! Nandun sa kwarto ni Adi 'yung house mo."

Nagmamadaling nagpababa si Snow at nauna ng umakyat sa kwarto ng ama. Mabilis namang sumunod sina Vice at Terrence to see kung magugustuhan ba ng bata ang regalo nila. Vice wanted to buy the princess house with his own money but Terrence insisted na magshare kahit one-fourth lang ng price dahil gusto din naman niyang makapagbigay sa anak-anakan kahit paano.

"Adi!" sigaw ni Snow nang makita ang princess house na matagal na niyang gusto.

It was placed few steps away from Vice's bed. Pink, Violet and Blue are Snow's favorite color kaya sinigurado talaga ng dalawa na fit sa lahat ng gusto ng bata ang mabibili nila. Sa bubong ng princess' house ay nakalagay ang kumikinang na pangalan ni Snow. Totoong mas malaki nga sa bata ang princess house na nabili dahil walang hirap na pumasok at humiga sa loob si Snow.

"It's the best!" sigaw ng bata na dumungaw pa sa window ng bahay niya. "Adi! Papa! Thank you!"

"Do you like it?" Terrence asked.

"I love it!!!!"

Her smile.

'Yun ang pinaka-importanteng bagay sa mundo ni Vice.




















Lacking BrightnessWhere stories live. Discover now