21. Sorry, Bestfriend

En başından başla
                                    

Yun lang yun! Promise!

•~•~•~•~•~•

*Mall

Nasaan na ba si Kit?!

Nag-text sya sakin kanina na salubungin ko raw sya dito sa entrance dahil malapit na sya pero 'til now ay wala pa rin sya.

Ilang beses ko na rin syang tinawagan pero 'di naman nya sinasagot.

Anyare na ba don?

I'm about to call him again pero biglang may tumawag sakin.

Si Kuya Pent!

"Nasan ka na? Bakit 'di ka pa umuuwi? Gabi na ah?"

Halos nalunod ako sa sunod-sunod na tanong ni kuya nung sinagot ko ang tawag nya.

"Andito pa ako kila Kit... Nagre-review pa kami." pagsisinungaling ko.

Hindi alam ni Kuya Pent na pupunta ako sa birthday ni Oat ngayon.

"Ganun ba? Saan ba yang bahay ng kaibigan mo at susunduin na kita."

Napangiwi na lang ako sa sinabi nya.

"W-wag na kuya, mamaya pa kami matatapos mag-review. May driver si Kit, sya na lang ang maghahatid sakin pauwi."

Medyo nautal pa ako dahil sa kaba!

"Don't worry, nagpaalam ako kila dad na gagabihin ako ng uwi. " dagdag ko pa.

"Ganon ba? Sakin kasi 'di ka nagpaalam eh..."

Feeling ko ay nagpa-pout ngayon si Kuya Pent dahil parang nagtatampo nanaman yung tono nya!

"Sorry. Nawala sa isip ko."

"Okay. May magagawa pa ba ako? Wag ka na lang masyadong magpagabi, okay? Atsaka kapag pagod ka na sa pagre-review ay tumigil ka na. Wag mo masyadong pagurin ang utak mo, baka mamaya ay makalimutan mo lahat nang inaral mo dahil sa fatigue."

Awww.

Medyo nakonsyensya naman ako.

Sorry Kuya Pent!

Bawi na lang ako sayo after this!

"I will, kuya. Thanks sa concern."

"No problem prinsesa ko. So pano? See you later na lang. 'Di na kita aabalahin sa pagre-review mo."

"Okay. See you later. Bbye."

"Bye. Love you."

Napabuntong hininga na lang ako nung inend ko na ang tawag.

Nakonsensya talaga ako sa kasinungalingan ko kay Kuya Pent.

Promise! Babawi talaga ako sa kanya later.

"Wayo!" biglang may tumawag sa pangalan ko.

Akala ko ay si Kit na pero 'di pala.

Si Pree itong palapit sakin ngayon.

Medyo nanibago ako sa itsura nya ngayon kasi naka-casual attire lang sya. (Madalas ay naka-suit or long sleeves sya tuwing nakikita ko. Wag na natin i-mention ang swimming attire nya, okay?)

"Si Kit?" tanong nya sakin nung makalapit sya.

"Naku, 'di mo ba sya kasama? Kanina ko pa rin kasi sya hinihintay dito. Nag-text sya sakin 30 minutes ago na malapit na raw sya dito sa mall pero 'til now ay 'di pa rin sya dumadating." I answered.

"Ganun ba? Ang akala ko naman ay magkasama na kayo. Ganyan din kasi ang sinabi nya sakin kanina, samahan ka raw muna namin mamili ng regalo bago kami mag-dinner."

ThirstyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin