Kabanata 3

1.1K 43 6
                                    

Ikatlong Kabanata

"Hinintay kita." mahina niyang turan. I flinched. At nanlaki ang mga mata ko.

"Tch! Nevermind." pagbabawi niya at naglakad na papunta sa hagdan.

In a fast swift ay hinarangan ko ang dadaanan niya.

"Get out of my way." malamig niyang utos.

"I didn't eat a lot kanina if you don't mind would you join me to eat again?" mahinahon kong alok sa kanya.

Tumingin muna siya akin ng matalim bago tumalikod at naglakad pabalik sa kusina.

Napangiti ako.

"Dalian mo!" naiirita niyang utos.

Nagmadali akong magbihis at mag ayos ng sarili bago bumaba at saluhan siya sa pagkain.

+ + + +

"Prime, di ako makakasama sa misyon niyo bukas na gabi, hindi ba nasabi sayo ni Master Shi?"

Kausap ko sa kabilang linya ang pinuno ng pangkat na kinabibilangan ko.

"We need you there 5th."

Nyeta!

"Fine! I'll clear all my schedule tomorrow night then."

"Great, see you tomorrow at the temple."

Matapos marinig ang sinabi niya ay ibinaba ko na din ang tawag. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Ano nga ba ang pagkatao ko?

Hindi naman ako bastang ordinaryong mamamayan lang dahil hindi ako lumaki at ipinanganak sa ordinaryong kapaligiran.

Isa akong tao na nabubuhay sa mundong ito na nanggaling sa angkan ng Aryan.

Isang angkan kung saan nabibilang sa mga may matataas na estado sa lipunan. Angkan na kung saan lahat ng myembro ay nagtataglay ng mga asul na mata at mapuputing balat.

Sa isang banda ay isa din akong nilalang na nabibilang sa isang mapanganib na mundo at naturingang mapanganib na mandirigma sa emperyong pinagsisilbihan ko.

Madalas akong kumilos tuwing sumasapit ang dilim at nagsasagawa ako ng mga ipinag uutos sa ilalim ng buwan.

Palihim ngunit sigurado.

I have so many duties. Nag aaral ako and at the same time ay nagtatrabaho din sa kompanya ng aking ama.

Oo namumuhay pa rin ako bilang ordinaryong tao kahit na nabibilang ako sa di pangkaraniwang buhay, kailangan kong gawin iyon. Kailangan naming makisalamuha upang maikubli ang tinatago naming katauhan.

Tumatanggap ako ng mga piling misyon kung saan kakailanganin talaga ako. Nagreresolba ng mga problema sa lipunan at nagsasaayos sa kaguluhan.

Isa rin ako sa nangunguna at namumuno bilang isang council. Alam kong hindi pa sapat ang edad ko para mapabilang doon ngunit ang kakayahan naman ng utak ko ang siyang nagsasabi na karapatdapat ako sa kinauupuan ko bilang council. Hindi ko naman ginustong mapabilang sa mga matatandang iyon, naipit lang ako ng sitwasyon at ipinalit sa yumao kong ina nang mabakante ang pwesto niya.

Tch!

Kinuha ko ang white book ko. Dito sa librong ito isinusulat ko ang mga taong minamanipula ko, ang mga kakaibang pangyayaring nasaksihan ko at mga impormasyon na natutuklasan ko. Hindi ako pareho ni Lemon na pangmatagalan ang memorya, madali akong makalimot ng mga bagay bagay kaya meron akong ganitong libro.

Kung titingnan mo ay parang isang lumang aklat lamang ito na naglalaman ng mga blankong pahina pero oras na maitapat ito sa kahit na anong uri ng liwanag ay masisilayan mo ang samo't saring impormasyon.

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon