“You like this?” Yuan’s mom said.

I nod.

“Okay!” she giggled.

Pinakita niya sa akin ang isang black dress na backless. Nanlalamig na agad ang katawan ko kapag tinitignan ko ang dress at kung dapuan pa ang likod ko ng kamay ni Yuan. Nandidiri agad ako kahit hindi naman.

Sinuot ko iyon.

“Perfect! Perfect curves, honey!” Giliw na giliw ang mom niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya.

Inayusan pa niya ang mukha ko at ang buhok ko. Pinusod niya ang buhok ko. And hinainan niya ako ng mataas na stiletto. O God. Siya ang magiging dahilan kung bakit ako matitipilok mamaya sa event. I hate her.

“Ready?” sumilip sa pintuan si Yuan. Kitang kita sa mukha niya ang saya kaya nanggagalaiti ako lalo. Parehas na parehas sila ng mom niya na giliw na giliw sa akin.

“She’s ready!” Yuan’s mom said in a glee. I hate them.

Pumunta naman si Yuan sa akin. Napaawang siya ng bibig habang tinititigan ako. “You look dazzling, Leigh. Bloody hell!”  Pansin na pansin ang pagpula ng mukha niya habang tumititig sa akin. Yuan offered his arm to me. Hindi ko siya binigyan ng reaksyon. Kinapit ko na lang ang kamay ko sa kanya. Tinanguan ang mom niya at nagakad na palabas.

Yuan’s wearing a tuxedo. Masyado bang formal kapag launching ng kotse? This is my first time to attend this kind of event.

Nakahanda na ang kotse at pinagbuksan ako ni Yuan ng pinto. Bigla akong nanginig ng maramdaman ko ang kamay ni Yuan sa likod ko. Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng kotse. O God.

“Not my first time to attend a launching. How about you?” tanong ni Yuan pagkapasok sa kotse. Umandar naman agad ito. Tumingin ako sa kanya ng saglit at sumagot.

“First time,” ani ko.

“Ow,” he said in awe.

Pagkatapos tumahimik ng ilang minuto. May nararamdaman akong pawis sa noo ko at sa likod ko. Gusto ko ng umuwi. Should I excuse myself? O baka sabihan naman ni Yuan si lolo? God.

“Alam mo ang saya ko dahil bumalik ka na sa akin.” Hindi ako tumingin kay Yuan. “It’s really hard to realize when you love a person. People find it weird because they don’t know how they fall in love,” napapikit ako sa sinabi niya. “Ako, minahal kita noong una palang kitang nakita. Even you hate me, I still love you. I don’t know. I just realized I loved you.” Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya kasi lumilipad sa isang tao ang isipan ko.

It’s really hard to realize when you love a person. People find it weird because they don’t know how they fall in love.

Benj.

I mouthed his name.

I missed him.

Please, Leigh. Oo o hindi lang naman ‘yun. If you’re not sure about him, sabihin mo na kasi titigil naman siya. Hindi na niya isisiksik ang sarili niya sa’yo.

Now, it’s Maggie’s voice whirling around my system. Ilang beses na akong napapalunok. I’m finding an answer to my question. Paano mo ba masasabing mahal mo ang isang tao? If you just like him? Or want him? Paano ba madidistinguish iyon? May paraan ba?

“Love is mysterious. You don’t know how you fell in love. But you just loved the feeling. This is what love. This is how I love you,” ani Yuan.

Yuan’s right. Hindi mo alam kung paano. Pero gusto mo siya. Gusto mo ‘yung nararamdaman mo. But I wanted to be sure. I wanted to be enough to him. Pero kapag dumating ang panahong iyon, wala na. Because I’m with Yuan. And we’ll just give up.

Pero baka ngayon, wala na kay Benj ‘yung sa amin. Baka wala na…baka tapos na. Wala na.

“We’re here!” anunsyo Yuan.

Hindi ko napansin nasa center na kami. Unang bumaba si Yuan at may media na nakapalibot sa harap ng center. Bumaba ako ng kotse at bumungad sa akin ang center na tila mong Araneta sa laki. Autohub owned this building. They freaking owned this big center. O DAMN.

Kinuha agad ni Yuan ang kamay ko. Pumalibot agad ang braso niya sa bewang ko. And I hate it.

Naglakad kami papasok at napappikit ako sa liwanag ng flash. Nakayuko lang akong pumasok sa loob at bumungad sa amin ang isang babaeng medium-sized at isang lalaki na hindi ko alam kung lalaki talaga pero nakatuxedo siya.

“Mr. Wong and…?” the medium sized woman said. Napatingin ako sa kanya.

“Ms. Alegre, my fiancée,” Yuan said. Humigpit naman ang hapit niya sa bewang ko.

“Ow, Mr. Wong and Ms. Alegre,” ani nung lalaki. Sumimangot ako sa kanya. He offered his hand to me. “Jas!” he said in glee.

“Jas?” Napakunot ako ng noo. Napatawa naman siya.

“Belle!” the medium sized woman said.

“Belle?” kumunot ng doble ang noo ko.

“Oh come on! Let’s go, Leigh,” bigla akong hinatak ni Yuan at sinimangutan ko na lang ang dalawa. Nakakainis naman ‘tong si Yuan. Damn. Makakatikim na ‘to sa akin.

Naglakad na kami papasok hanggang sa may humintong lalaki sa harapan namin. Naningkit ang mata ko para kilalanin siya dahil nakita ko na siya dati.

“Karl! Doon na lang tayo kay Aly!” may babaeng humablot doon sa lalaking tumititig sa akin ngayon. Ngumiti siya na nagbigay dahilan para lumabas ang dimples niya. Damn.

“Teka Nica—“ Hindi na natuloy nung Karl ang sasabihin niya dahil hinila na nung babae si Karl. Nakita ko na yung lalaki. Siya ‘yung nakasama ni Mr. Jimenez dati noong nagkita kami?  Damn, not sure!

Napatingin na lang si Yuan sa akin. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at sinundan siya. May ilang bumabati kay Yuan at sa akin kahit hindi ko kilala. Tumatango na lang ako sa kanila. The waiter offered us a wine. Kinuha ko naman iyon kahit hindi ko iinumin.

“You like it?” tanong ni Yuan.

Napagala naman ang mata ko. Siguro puro mga businessman o businesswoman ang bisita sa launching na ‘to. Gray and black ang theme ng party. Nasa gitna ang isang kotse na hindi ko alam kung anong brand iyon. Hindi naman ako mahilig sa ganito.

Tumingin ako kay Yuan at tumango. Napabitaw siya sa akin nung may nag-approach sa kanya. Tinignan niya ako pero tumango ako.”Okay lang. Go,” ani ko. Yuan nodded but he looked worried. I don’t care. Kaya ko namang mag-isa rito. “Sige na,” dagdag ko.

“Give me a minute,” he said and he’s gone.

Naglakad ako at ginala ang mata ko. Kita ko ‘yung lalaking may pangalan na Karl at ‘yung babaeng may pangalan na Nica na nagtatawanan. Ginala ko pa ang mata ko at hindi ko alam kung humihinga pa ako sa nakikita ko.

He’s here.

Benj is here, too. And I don’t know how to breathe.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz