Chapter 5 - Season 3

5.3K 64 11
                                    

ARE YOU SURE YOU WANT TO LOG OUT FROM YOUR SECRET BLOG MICHAEL ANGELO?

CONFIRM....


February 25, 2012


Enough of their petty romantic scenes Mikhail! Ala-una na ng madaling araw!

Makapag-order nga ng coffee and I'll be updating my Secret Blog in few minutes.

Napakatahimik dito sa loob ng kwarto ni Dad, malamang hospital ito, kung hindi ko lang na-a-access ang secret blog ni Mike eg bored na akong buong magdamag dito dahil ako lang naman at ang kanyang muher na nurse ang magkasama rito. At maalala ko lang si Noah, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Noah is the love of my life at kung patuloy lang niya akong dedeadmahin ay ipapalit ko na si Mike sa kanya!


Ilang minuto rin at dumating na ang coffee na in-order ko. Haaaay, Dad kung sana ako lang ang bukam bibig mo nang magkamalay ka and I'll be excited to see you getting well pero nang marinig ko ang pangalan ng impaktong Michael na iyon that time ay natakot ako na magkaroon ako ng karibal o kaagaw man bilang anak mo diyan sa puso mo Dad. Oo, sa puso mo hindi sa kayamanang mamanain ko sayo, magkano ba lahat, mga almost 2 billion dollars daw ang estimation ni mommy. Kaya ako lang dapat ang anak mo Daddy!


While I'm sipping my hot brewed coffee, time for me to open my Secret Blog. Gusto kong mag-back read sa mga moments naming ni Noah last February 24, 2012. Maalala ko na naman kung gaano nag-alala ang aking big brother Gabriel noong time na sobrang lungkot ko bago ang araw na iyon.



"WELCOME TO YOUR SECRET BLOG MICHAEL MIKHAIL MURAOKA!"


February 23, 2012, exactly 11:00 PM


Oh my gosh! I can't believe that Dad already know about Michael! Papaano kaya? Maybe sa news about what happened last February 14 at the LRT station or maybe sa video na kumalat after the basketball league? Or talagang alam na niya ever since??? Shocks! No!

Hindi ko na maiwasang umiyak. Punong-puno na ng pangamba ang aking puso na baka sa muling pagmulat ng mga mata ni Dad ay hindi na ako ang kanyang unico ijo kundi si Michael na. Arrrrrrgggggghhhhhhh!!!!!!

And my brother is calling me now.

"Hello Kuya Gab. Where are you na?"

"Na-traffic lang ako ng konti, nandito na ako sa entrance ng hospital."

"Okay..."

"Is there something wrong? Parang iba ang boses mo.. Umiiyak ka ba?"

"No... Hurry up Bro I need to go home na..."

"Okay.. Are you sure that you are fine?"

"Yeah..."

Hindi pa nakakarating dito sa kwarto ni Dad si Kuya Gabriel ay agad na akong umalis, alam ko naman na on the way na siya. Ayoko kasing maabutan pa niya akong tumutulo pa ang aking mga luha.

Habang pinupunasan ko pa ang mga luha ko at hinihintay ang pagbukas ng elevator ay nagulat ako nang si Kuya Gab agad ang aking nakita pagbukas nito. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking mukha't ako'y yumuko. Linapitan ako ni Kuya Gab and then he gave me a warm hug to comfort me.

"What happened my Bunny? Ha?" Sabay tingin niya sa aking mga matang punong-puno ng mga luha.

"I will be okay. Don't worry about me Kuya Woody..."

THE MICHAEL DIARIES (R18+) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon