Chapter 12 - Season 2

1.7K 64 6
                                    

February 16, 2012, 04:35 PM

Halos isang oras na ang nakalipas at malapit nang matapos ang first half ng laro. Sa kasamaang palad ay natambakan kami, at hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakahabol sa laki ng lamang ng mga taga Farmers Cubao. Noong first quarter ay naka limang puntos lang sila ng lamang, 17 (Gateway) 22 (Farmers). Ngunit ngayong second quarter ay hirap na hirap kaming humabol, at na-injure pa ang isa naming player na si Peter kaya naging 23 points na ang lamang ng mga kalaban.

Biglang sumipol ang referee't nag-announce ito ng foul. Sheeeet! Tang-ina talaga, sa akin na naman ang foul..... pang-apat ko na 'to! Subalit, ayos dahil hindi pumasok ang dalawang free throw ng kalaban, at pagkatapos nito ay nagtawag ng time-out si coach.

Announcer:  "Time out Gateway! Latest scores, Gateway 27 Farmers 50. Farmers Cubao on the lead of 23 points!"

Pagbalik namin sa aming bench ay agad kaming tinipon ni coach. Kitang-kita mo ang pagkaasar ng mga kasamahan namin sa laki ng lamang ng mga tusong kalaban.

"Tan magpahinga ka muna at isasabak na lang kita sa 2nd half bago matapos ang 3rd quarter ng laro. Naka-apat ka nang personal foul...." suhestiyon ni coach.

"Okay coach...." pagsang-ayon ko.  Si Suarez muna ang ipinalit ni coach sa akin, isa rin sa mga ace player at sana makapuntos na rin kami ng malaki-laki. Sa pang apat na personal foul ko na kanina ay nanganganib na akong matanggal sa game, kaya tama si coach.

I don't know what's happening to me. Hindi naman ganito ang laro ko. Alam kong napaka-easy lang ang maka-score via lay-ups and hook shots pero ba't ganito?! I think hindi ako makapag-focus, ito lang ang alam kong rason. Napakarami kasing tarantado sa paligid. Hindi ko alam kung bakit ako napipikon ng ganito sa mga hiyawan ng mga tao, lalo na ang pagsigaw nila ng... "Hoy bakla!" "Lover gay!" "Iyakin!" Tang-ina, kung ano-anong sinasabi nilang kabastusan sa tuwing nasa akin ang bola at sa pagkakataon na ako ang mag-free throw! At kapag hindi ako nakapagtimpi ay masasapak ko na talaga 'yong isang player ng Farmers na si number 69, na walang ibang ginawa kundi mang-asar at mam-provoke sa mga ikinikilos nito.

Pagkakuha ko ng tubig sa cooler ay diretso ko itong itinungga sa sobrang pagkauhaw ko, pagkatapon ko bote sa basurahan ay nalingon ulit ako sa lugar ng mga kalaban, at napansin kong tila mga batang bully ang kanilang hitsura, napangising sarkastiko na lamang ako sa kanila, "such a pack of immature people," bigkas ko sabay iling... kahit sabay-sabay silang nagtatawanan habang idinuduro ako ng isa sa kanila.

Muntikan ko nang matadyakan ang gilid ng bench sa inis ko... at inuudyok na ako ng aking isipan na sugurin sila't isa-isa ko silang pag-sasasapakin. Ngunit biglang may humawak sa aking kanang kamay at ako'y kanyang inakbayan para awatin.

"Mike 'wag mo na lang silang intindihin..." si Michael sabay haplos sa aking braso. Napawi ng kaunti ang inis at galit ko nang ako'y kanyang tignan sa mga mata't sinuyong umupo sa kanyang tabi, likuran ni coach.

Mas lalong gumaan ang loob ko nang punasan ni Baby Michael ang aking sunod-sunod na pawis sa mukha't leeg.

"Mike 'wag mo na lang silang papansinin. Mag-concentrate ka lang at makakahabol din tayo..." malambing na tinig ni Michael, at kita ko ang matamis niyang ngiti sa labi na siyang nakapagpagaan pa ng loob ko sa ngayon.

"Oo Baby ko... Salamat... I love you..." Pabulong lang 'yon baka marinig ni coach dahil nasa harapan lang namin siya. Hehehe.

Habang pinapanood namin ang laro ay napansin kong tila may gustong sabihin si Michael sa akin, at sa tuwing napapasulyap ito sa akin ay pansin ko rin ang mga nangungusap niyang mga mata.

"Michael?"

"Mike...." bigkas niyang naka-puppy eyes, para siyang batang humihingi ng candy, ang cute ng baby kong tignan...

THE MICHAEL DIARIES (R18+) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon