Chapter 19 - Season 1

3.9K 131 36
                                    

"It's been a long time that we are chatting and we don't know yet our names. What's your name again mikearcangel01?"

"My real name is Michael."

"Kaya pala Mike??? Hehehe."

"Oo. And your name?"

" I am Mikhail..."

"Nice name... Mikhail is Michael in Arabic, right??? Hehehe."

"Siguro.. Hehehe."

"Mikhail, can I see your pic? Magpapadala rin ako ng sa akin."

"Oh sure, Michael... wait for a second, I will look for a decent one. Hehehe."

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang dumilim ang kapaligiran at tanging liwanag na galing mula sa monitor ng main server ng internet café ang iyong maaaninag.

"Sheeet na malagkit oh! Ba't ngayon pa nawalan ng kuryente..." napabuntong hininga ako. Agad akong tumayo't pumunta sa may kahera.

"Emil papaano 'yong aking ginagawa. Ma-log out ba 'yon baka may mangialam ng Facebook ko?"

"Ah don't worry pag-na restart na 'yong computer ay mag-auto-log out na 'yon. Lahat-lahat pati ibang sites na pinuntahan mo."

"Okay. How much?"

"15 pesos lang."

"Okay. Salamat."

Haist! Naputol ang usapan namin ni niceguy87. Maka-uwi na nga't hindi pa tumatawag si Mike. Kamusta na kaya siya. Buong araw siyang hindi nag-message o tumawag man lang. Hmpf!

Pag-uwi ko'y wala rin kaming kuryente.

----------


February 10, 2012

09:00 in the morning and I received a call from Vince. He is in New York right now with his partner. Tumawag ito dahil may importante siyang sinabi. Matagal na palang naka-confine ang kaibigan naming si Gino sa Philippine General Hospital. Sinabi sa akin ni Vince na ilang buwan na rin pala niyang tinutulungan si Gino kaso ayaw ipaalam ni Gino ang kanyang kalagayan sa kanyang mga kaibigan.

I was so sad na ililipat na siya sa San Lazaro Hospital tomorrow or this afternoon dahil sa kanyang bagong diagnosis. Isa rin si Gino sa mga matalik kong kaibigan way back when we are in High School and College.

Nag-come out siya sa amin but not to his family na nakikipagrelasyon siya sa kapwa lalaki 3 years ago. Hindi naman siya linayuan ng barkada kasi tanggap naman namin siya and for sure marami pa sa amin ang gustong umamin ngunit ayaw lang nila...

But sadly 2 years ago his partner Jude died and we don't know kung anong sakit niya pero ang bali-balita ay pulmonary tuberculosis daw ang ikinamatay niya. Sila parin ni Gino that time at ang alam namin ay sa Bulacan silang dalawa nakatira. After the burial of Jude ay umuwi rin si Gino sa La Union at pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Vince told me that Gino is already in critical kaya nagmadali na akong nag-ayos para pumunta ng PGH. Hindi ko alam kung papaano pumunta doon kaya dumaan na lamang ako sa may internet shop upang magtanong. Mabuti na lang 'yong kahera nilang si Emil ay eksaktong papunta rin ng PGH para bisitahin ang kanyang Lola.

"Michael sino naman ang dadalawin mo doon?" ani ni Emil habang inaayos ang mga gamit niya.

"My friend from La Union," sagot ko.

"Okay. Wait mo lang ako at magre-re touch pa ako kasi gwapo ang kasabay kong papunta kay Lola ngayon. Hehehe." Biro niya sa akin.

"At maganda't sexy rin ang kasama ko ngayon." Biro ko din sa kanya.

THE MICHAEL DIARIES (R18+) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon