Chapter 7 - Season 3

35 4 0
                                    

"Buhay ka pa pala...."

"Grabe ka naman 'tol. Oo naman."

"Eh ilang buwan kang hindi nagparamdam. Nasaang lupalop ka ba?"

"Nandito ako sa lobby ng hospital. Grabe ang ermats mo ipinagtabuyan ako. Gusto ko lang naman makita si Dad."

"Kilala mo naman ang Nanay ko diba? Pag bibisita ka kay Dad ay magpasama ka na lang kina Tito at 'wag mong itataon na nadoon ang Nanay ko."

"Ang hirap maging anak sa labas 'no?"

"Ikaw talaga. Yan nanaman ang sasabihin mo. Oh kamusta ka na?"

"Ikaw ang kamusta dahil okay lang ako. Nawala ko kasi ang phone ko sa Aklan kaya hindi na ako naka-contact at tsaka busy kami sa mga gig dun sa Bora."

"Okay."

"Kamusta ka na 'tol? May hindi ka pa sinasabi sa akin. Gusto mo ako na ang magkwento????"

"Hindi na 'tol, at ano naman itong message mo?"

"Hahahaha. Kinabahan ka ba?"

"Ikaw talaga, ayusin mo 'yang biro mo ah."

"Hahahaha. Ito naman, na-miss lang kita parang di mo naman ako kilala. Magkwento ka naman diyan. May gusto akong marinig sige na..."

"Mag-usap na lang tayo pagdating ko diyan sa Manila. Bya-biyahe kami bukas pabalik diyan. I really need to be there na..."

"Oo nga 'tol.. Alam mo kagagaling ko lang kay Liz. Nagpang-abot kami ng kinakapatid mong si Ramiro. Andaming nangyari dun."

"Nalulungkot ako ng sobra sa nangyari 'tol. Pag-uwi ko bibisitahin ko siya come what may."

"Lakas ng sampal ng kapatid niya kay Ramiro kanina."

"Ha??? Si Danica?"

"Right, pero hindi na ako nagtanong kung bakit ginawa ni Danica 'yon at hindi rin ako nagtagal doon. Para kasing mainit ang mga mata ni Mr. De Castro sa akin. Oh sige 'tol nandito na ang mga girls na-miss ko silang tatlo lalo na ang bunso natin na si Julie Ann."

"Oh ingatan mo ang mga 'yan ha? Saan pala kayo pupunta?"

"Kakain lang saglit kahit late na. At ako muna ang magmamaneho ng BMW mo 'tol. Hahahaha."

"What???? Ingatan mo 'yan."

"Oo.. Bye..."

"Wait........"

WTF! Asar naman si Miko oh, kaskasero pa naman 'yon. Siguro magiging maingat naman din 'yon dahil kasama niya ang mga kapatid namin. Haaaaaay.. Na-miss ko rin ang utol kong 'yon. Siya na lang ang natitira kong kapatid na lalaki and my best friend at kung may nakakakilala talaga sa akin ay 'yon ay si Miko. Hindi man niya nakuha ang apilyedo ni Dad ngunit hindi nagkulang sa suporta ang aming Ama sa kanya 'yon nga lang sobrang ayaw sa kanya ni Mom.

Nakabalik din ako sa pool side at sinamahan ko na sila Emil na mag-swimming. Naginhawaan ako sa lamig ng tubig. Sa pag-uusap namin kanina ng kapatid ko'y parang andaming nanumbalik sa aking isipan like Miko's thing about Michael, siya ang gumawa ng portrait noon ni Michael, the Michael from my life. Ayoko na munang isipin ito sa ngayon.

Nawili kami sa paglangoy and we even ordered again one bucket of beer. Siguro malapit nang mag-12 midnigt nang matapos kami.


February 23, 2012 at exactly 12 Midnight

Bumalik na ako ng room after naming mag-pool. Pagbukas ko ng kwarto namin ni Michael ay sobra akong na-surpresa sa aking nakita. Pinuno ni Michael ang kapaligiran ng rose petals at ang aming bed ay binuhusan niya ng mas marami pang rose petals na bumuo ng malaking hugis puso. Inilibot ko ang aking mga mata, Michael is not here? Hmmm, I think he's inside the shower room. I am mesmerized with this surprise. Still smiling and can't move my feet. Nahinto na talaga ako dito sa tapat ng pinto.

THE MICHAEL DIARIES (R18+) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon