Chapter 9 - Season 2

1.4K 55 8
                                    

February 15, 2012, 06:45 AM

Mag-aalas siete na ng umaga nang silipin kami ni Tito Jerry dito sa kwarto. Nakita niya akong gising na kaya ako'y kanyang tinawag at niyayang mag-kape. Kami ay nag-heart to heart talk habang nanonood ng pang-umagang news sa TV. Na-kwento sa akin ni Tito ang kanilang buhay kasama si Michael, at ang ilan sa mga pinagdaanan ng Baby ko simula noong bata pa siya...

Mabait na bata daw si Michael. Masipag mag-aral at with honors ito hanggang sa maka-graduate siya ng high school. Spoiled siya ng kanyang Mama dahil sa mag-isa itong anak, at ayaw siyang palakihin ito sa hirap... Ginawa raw lahat ng kanyang Ina ang pagtratrabaho't sinikap niyang mapag-aral si Michael hanggang Kolehiyo. Gayunpaman, hindi rin hinayaan ni Michael na magtrabahong mag-isa ang kanyang Mama dahil palihim din siyang nagpa-part time noong siya ay nasa high school sa isang karinderia... at hanggang mag-college ay nagworking student din ito sa Jollibee La Union. Napakasipag at napakabuti talaga ng Baby Michael ko dahil hindi niya hinayaan na mahirapang mag-isa ang kanyang Mama.

Ngunit nakakalungkot nang mamatay ang kanyang Ina, dahil biglang nag-iba si Michael. Hindi na siya pumapasok ng school, parating nasa inuman at gimikan, at hanggang sa ma-drop lahat ng kanyang mga subjects at hindi na nakapag-final exam. Maluha-luha ako nang ikwento ito sa akin ni Tito Jerry. Nataon din daw kasing umuwi ng Manila si Tito kaya walang tumingin kay Michael. Kaya nang umuwi ng La Union si Tito Jerry ay isinama na niya ito pabalik ng Maynila... at upang maudyok na rin si Michael na hanapin at makasama na ang kanyang Ama.

Hanggang ngayon ay hindi parin daw nasasabi ni Tito Jerry ang dahilan kung bakit simula noong bata pa si Michael ay hindi siya hinanap ng kanyang Ama dahil gumawa ng paraan ang Mama niya upang akalain nito na patay na silang dalawa. Itinakas lang daw kasi siya ng kanyang Ina papalayo sa tatay niyang Japanese. Ngayon, alam na rin daw ni Michael ang tungkol sa Ama niya ngunit parang wala pa siyang balak na hanapin o makasama ito.

Nabanggit sa akin ni Tito na isang nagngangalang Akihiko Muraoka ang biological Father ni Michael at tila pamilyar ang pangalang ito sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga prinisentahan kong mag-invest sa Manchester's at kung nagkataong siya nga ito... ibig sabihin hindi na kailangan pang mahirapan si Michael, makakapagpatuloy na siya sa pag-aaral dahil isa sa pinaka-successful na businessman sa Asia at sa buong mundo si Mr. Akihiko Muraoka.

Sinabi na rin ng kanyang Ina bago ito mamatay na hanapin na niya ang kanyang Ama dahil matutulungan siya nito. Alam na rin siguro ni Michael na mayaman ang tatay nito subalit hindi na niya siguro sinubukan pang hingian ito ng tulong dahil nakikita kong nagsisikap sa pagtratrabaho ang si Michael at ayaw umasa sa iba dahil ang gusto niya ay siya na mismo ang nakakatulong.

Haaaay... Maalala ko nanaman noon nang mapulot ko ang kanyang payslip kasama ang sahod niya. Ibinalik ko ito kay Andrew at sinabi kong 'wag na lang niyang sabihin na ako ang nakapulot. Nakita ko pa ang papel kung saan nakasulat ang break down ng pupuntahan ng kanyang sinahod. Ito ay para sa renta ng bahay, para sa mga triplets, para sa kanyang pag-aaral. At dahil sa busilak niyang kalooban kaya mas lalo akong na-in love pa sa kanya noon at hanggang ngayon. Napakabuting tao ni Michael at ma-swerte akong siya ang naging Baby ko at minahal niya ako ng sobra. Siguro halos apat na buwan ko nang minamahal ang Baby Michael ko simula noong ma-love at first sight ako sa kanya doon sa loob ng tren.

Na-kwento rin ni Tito Jerry na ang Michael Alexander niyang pangalan ay hango sa dalawang nilalang na sina St. Michael the Archangel which is eksakto sa kapanganakan ng Baby ko ang feast day nito na September 29..... at kay Alexander the Great kung saan hinango ang Alexander niyang pangalan.

Bigla kaming natahimik ni Uncle Jerry nang marinig naming tinatawag ni Michael ang aking pangalan.

"Tito puntahan ko muna si Michael..."

THE MICHAEL DIARIES (R18+) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon