Teaser

13.5K 211 19
                                    

Sa una pa lang na pagtatama ng mga mata nina Honey at Benito-ang guwapong bading na kaklase niya na nagkukubli sa guwapong mukha at magandang katawan-ay mayroon agad hindi pamilyar na pakiramdam na nagpasikdo sa puso ni Honey. At habang tumatagal na kasama niya ang lalaki ay parang lumalalim ang parang mahikang epekto sa kanya ng magagandang mata nito. Nang mga sumunod na araw ay hindi na lang sa mga mata ni Benito siya may problema. Napapatitig na rin siya sa dibdib at abs nito at parang may humihila sa kanyang damhin ang mga iyon!

Natuliro si Honey. Hindi maaaring totoo ang kutob niyang nahuhulog na ang loob niya sa kaibigan. Lalo siyang nalito nang matagpuan niya ang sariling nagseselos sa boss nito. Pakiramdam tuloy niya ay nababading na rin siya!

Pero isang gabi ay nayanig ang mundo ni Honey nang umuwing nakainom si Benito---ibinigay lang naman sa kanya ang halik na lagi niyang naiisip gawin dito.

At hindi sila nagtapos sa isang matamis na halik lang...

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon